Pages

Showing posts with label Pilosopiya. Show all posts
Showing posts with label Pilosopiya. Show all posts

Friday, February 25, 2011

Law of Cause and Effect

Ano ang sinasabing Law of Cause and Effect?

Ang Batas ng Kadahilanan o Pinagmulan (Cause) at Kahihinatnan o Konsekwensiya (Effect) na napapailalim sa Batas ng Kalikasan (Law of Nature), ang nagsasabi na ang enerhiya na ating inilabas sa uniberso ay siya rin enerhiya na babalik sa atin. Ito ay binuo bilang isang mekanismo upang maiwasan ang di tamang paggamit ngmalayang kalooban (free will). Ang batas na ito ang siya ring nagsasabi na ang uniberso ay isang salamin na siyang magbabalik sa tao kung ano ang kanyang ginawa.

Ang “Law of cause and effectay ang paaralan ng “matinding pagkatok”. May pangyayari na ang isang mamatay tao ay walang nakababatid na siya ay nakapatay at siya ay hindi napailalim sa kaparusahan ng batas ng tao. Ang taong yaon ay namatay dahil sa katandaan na walang dinanas na mga konsekwensya. 

Kung ang taong yaon ay may isang kabuhayan lamang, matatakasan niya ang kanyang pagkakasala. At kung ganoon ang mangyayari, binibigyan lamang ng Diyos ng pagkakataon na ang mga tao ay mandaya at magsinungaling, hanggang ang mga paggalaw na yaon ay di nalalaman ng ibang tao. At dito nawawala ang hustisya. At kadalasan, ito ang dahilan ng pagdanas ng mga konsekwensya ay sa buhay sa hinaharap.

Ang ating uniberso ay napapailalim sa isang batas ng kalikasan na tinawag na Batas ng cause and effect. Ang ibig sabihin, ang mamuhay sa unibersong ito, lahat ng paggalaw na siyang kadahilanan o pinagmulan ay may isang uri ng kahihinatnan o konsekwensya. Ito ay isang batas unibersal. 

Nasusulat sa Banal na Aklat, “kung ano iyong ipinunla, ay siya mo ring aanihin”. Ang mga positibo o negatibong paggalaw ay nagkakaroon ng mga konsekwensya at mga yaon ay makakaapekto sa tao.

2011-02-025

Tuesday, February 22, 2011

Reiincarnation in the Bible

Anong dokumento na inilabas ng simbahang Romano-Katoliko na siyang nag-alis ng ideya ng reinkarnasyon sa Biblia?

Sa panahon mula sa ika-3 hanggang sa ika-5 siglo, maraming mga dokumento na inilabas ng simbahang Romano-Katoliko na siyang nag-alis ng ideya ng reinkarnasyon bilang maling paniniwala (heresy), isang krimen laban sa simbahang Kristiyano.

Ang katotohan na ang simbahang ito ay masugid na inialis ang ideya ng reinkarnasyon ay nagpapakita na ang konsepto ng reinkarnasyon ay bahagi ng sinaunang Kristianismo.

Ang panloob na dahilan kung bakit di matanggap ang reinkarnasayon ay ang isipang panglaman at ang pagtanggi nito sa pananagutan sa mga aksyon, at ang tao ay patuloy na naghahanap ng kaparaanan upang ipangtanggol ang kanyang mga aksyon o naging paggalaw.

Kaya nga kung ang kaisipang pangtao ay naghahanap na ipagtanggol ang isang partikular na aksyon, humahanap ito ng paraan upang itanggi o ipaliwanag labas sa Batas ng cause and effect. Kung ang isang indibiduwal ay tinatanggap ang ideya na ang bawa’t aksyon ay may konsekwensya, nababatid niya na hindi siya makakaiwas sa mga konsekwensya ng paggalaw.

Maraming tao ang nakakaranas na sila ay nakagawa ng di tamang galaw at umiwas sa pagdurusa ng mga konskwensya. Halimbawa na ang isang tao ay nagawa ng mali, at ito ay walang nakapuna o walang makapagpapatunay sa kanyang naging pagkakamali, animo, siya ay ‘nakaligtas sa konsekwensya.’ At kung maiiwasan ng tao na ang hindi mapuna ang kanyang naging galaw, maaari rin niyang iwasan ang konsekwensya ng kanyang paggalaw. Marami ang naging ganito ang takbo ng pag-iisip.

Ano ang maaaring reaksyon ng isang kaluluwa sa ideya ng reinkarnasyon?

Ang diwa ng ideya ng reinkarnasyon ay yaong hindi makakatakas ang tao sa konsekwensya ng kanyang iginalaw. Maaari na ito ay itago sa mata ng mga tao, kung kaya walang konsekwensya sa kanyang paggalaw sa panahong ito. Subali’t walang maililingid sa Diyos, at dadanasin pa rin ang mga konsekwensya ng mga pagkakamali. Kung hindi man ito maganap sa kasalukuyang kabuhayan, ito ay madadama sa buhay sa hinaharap.

Kaya nga, kung ang isang nilikha ay mayroon ng ideya na maaaring makatakas sa pagbabayad ng kamalian, ay hindi tatanggapin ang ideya ng reinkarnasyon. Ang pagbabayad-utang ng isang indibiduwal ay isang bagay na kinatatakutan ng ilan. Marami ang mga nilikha na naroroon sa isang sikolohikal ng mekanismo na siyang nagtutulak sa kanila na ito ay hindi tanggapin o kaya ay iwasan.

Balikan natin ang bagay na ito ay nasasaad sa kasaysayan, na ang isa sa mga tao na may kinalaman sa pag-aalis ng ideya ng reinkarnasayon ay ang maybahay ng emperador na Romano na si Justinian (527-65). Siya ay si Emperatris Theodora.

Hindi niya tinanggap ang ideya na maaari niyang pagbayaran ang kanyang mga nagawang imoralidad, sa kanyang buhay sa hinarap. Ginamit niya ang kanyang impluwensya upang simulan ang isang proseso na sa kalaunan ang siyang dahilan kung bakit inalis ng simbahang Romano-Katoliko ang lahat ng bakas ng reinkarnasyon mula sa Kristianismo.

Siya ay isang halimbawa kung paano ang isang makapangyarihan ay tumugon sa ideya ng reinkarnasyon. Dalawa ang mukhang ipinakita ng ideya ng reinkarnasyon, ang pagbabayad ng kautangan sa isang buhay sa hinaharap at ang isa pang mukha ay hindi lamang sa iisang kabuhayan upang makapagbayad ng kautangan.

Ayon sa nasasaad sa aklat ni Sherry Binkelman, Masters in the Making: A Spiritual Guidebook, nauna sa pagpupulong ng ik-5 Konseho Ekumenikal noong AD553, ang Biblia ay naglalaman ng mga maraming sanggunian (references) sa reinkarnasyon.

Si Emperatris Theodora, sa panahong yaon, inutusan ang 500 na mga kakilala upang itago ang isang nakakahiyang katotohanang siya ay isang kilalang ‘kalapating mababa ang lipad’.

Pinilit niya ang Emperador Justinian na hilingin sa simbahan na ipagbawal nito doktrinang muling pagkakatawang-tao, na noong kapanahunang yaon ay kinilala sa buong mundo, isang pagsisikap upang maiwasang harapin ang karma para sa kanyang mga nakaraang pagkilos at gawain.

Kaya nga, makalipas ang limang taon, matagumpay na napilit ni Emperador Justianian ng Konseho upang alisin ang lahat ng sangunian ng reinkarasyon sa Banal na Aklat.

Ang doktrina ng reinkarnasyon ay pinalitan ng isang doktrina ng paniniwala na ang kaluluwa ay hindi na muling makababalik sa isang pagsasakatawang-laman, kapag namatay ang katawang laman.

Ano ang sinasabing paunang pagiral (pre-existence)?

Naririto ang isang maliwanag na pahayag ng pre-existence. Bagaman at may mga proklamasyon si Emperador Justinian at kanyang kontra reaksyon kay Origen, may matatag at tahasang patotoo para sa pre-existence sa parehong Luma at Bagong Tipan. Sa katunayan, ang pagbabawal laban sa mga naisulat ni Origen tungkol sa reinkarnasyon, ang kontemporaryong Kristiyanong Teolohiya na kumilala sa pre-existence bilang isa sa mga elemento ng teolohiyang Judeo-Kristiyano.

Ang Batas ng kalikasan (Law of cause and effect) ang nagsasabi na ang enerhiya na ating inilabas sa uniberso ay siya rin enerhiya na babalik sa atin. Ito ay binuo bilang isang mekanismo upang maiwasan ang di tamang paggamit ng malayang kalooban (free will). Ang batas na ito ang siya ring nagsasabi na ang uniberso ay isang salamin na siyang magbabalik sa tao kung ano ang kanyang ginawa.

Ang “law of cause and effect” ay ang paaralan ng ‘matinding pagkatok’. May pangyayari na ang isang mamatay tao ay walang nakababatid na siya ay nakapatay at siya ay hindi napailalim sa kaparusahan ng batas ng tao. Ang taong yaon ay namatay dahil sa katandaan na walang dinanas na mga konsekwensya.

Kung ang taong yaon ay may isang kabuhayan lamang, matatakasan niya ang kanyang pagkakasala. At kung ganoon ang mangyayari, binibigyan lamang ng Diyos ng pagkakataon na ang mga tao ay mandaya at magsinungaling, hanggang ang mga paggalaw na yaon ay di nalalaman ng ibang tao. At dito nawawala ang hustisya. At kadalasan, ito ang dahilan ng pagdanas ng mga konsekwensya ay sa buhay sa hinaharap.

Ano ang naging bahagi ng reinkarnasyon sa katuruang Espiritismo?

At dahil sa mekanismo ng materyal na uniberso, matagal ang panahon bago ang enerhiya na inilabas ng tao ay bumalik sa kanya. Ang pagka-antala ng pagbalik ng ganting galaw ay nagbubukas ng posibilidad na ang Diyos, sa kanyang awa at habag, ay iligtas ang tao sa pagdurusa bilang konskwensya ng kanyang mga paggalaw. Ito ay sa pangyayari na natutuhan na ang aralin bago bumalik ang pagbabayad-utang. Ang adhikain ng Diyos ay makita na natutunan ng tao ang aralin ng buhay.

Noong tinalikuran ng tao ang mga gurong espirituwal at nanaog sa daigdig, hindi sila pinabayaan ng Diyos. Nawala man ang mga guro ay nagbigay naman ng mga katuruang pang-espirituwal na siyang nagpapaliwanag sa mga kondisyon na haharapin ng tao sa daigdig. Kung pinili ng tao na ito na hindi bigyan ng pansin ang mga katuruang ito, walang nalalabing alternatibo kung hindi ang bayaan na ang batas ang siyang maging guro.

May mga pagkakataon, na may mga kaluluwa ay nahihirapan na matutuhan ang aralin ng buhay. Kaya sila ay paulit-ulit na nagsasakatawang-laman hanggang matuto at makapagpatuloy sa isang higit na mabuting kalagayan. Kung ang kaluluwang yaon ay nagnanais na humingi ng subaybay sa isang katuruang espirituwal o sa isang gurong espirituwal, madali nitong matutuhan na ang pagiging sakim ay hindi tutungo sa kaunlaran.

Dahil sa pag-ibig ng isang Amang Makapangyarihan, ang mga nasalilong sa paturuang Espiritismo ay nabigyan ng isang magandang pagkakataon, mula sa kaitaasan, na makapitas ng mga aralin sa pamamagitan ng kabatlayaan na nagbigay ng mga mensahe upang maisulat ang koda ng Espiritismo.

Ano ang papel na ginampanan ni Allan Kardec tungkol sa reinkarnason?

Ang ating uniberso ay napapailalim sa isang batas ng kalikasan na tinawag na Law of cause and effect. Ang ibig sabihin, ang mamuhay sa unibersong ito, lahat ng paggalaw ay may isang uri ng kahihinatnan o konsekwensya. Ito ay isang batas unibersal. Nasusulat sa Banal na Aklat, “kung ano iyong ipinunla, ay siya mo ring aanihin”. Ang mga paggalaw ay nagkakaroon ng mga konsekwensya at mga yaon ay makakaapekto sa tao.

Bagaman at may mga nilikha na may kinalaman sa pag-aalis ng Doktrina ng Reinkarnasyon sa Banal na Aklat, ang kabatlayaan na rin ang muling nagbalik ng Doktrina ng Reinkarnasyon na matatagpuan sa “Book of Spirits” ni Allan Kardec.

2011-02-022

Friday, January 21, 2011

Reincarnation-Jews (Reinkanasyon-Kapaniwalaan ng mga Hudyo)

Tinipon at Isinulat sa Wikang Filipino Ni Rolby

Paniniwalang kinikilala ng mga Hudyo

Kapag ang isang paniniwala maituturing na pangkalahatan, pangsansinukuban, pandaigdigan, ito ay nagbabadya na isang palatandaan na mayroon ito ng katotohanan.

Ang reinkarnasyon, ang muling pagsasakatawang-laman o muling pagkabuhay sa lupa, ay karaniwang paniniwala na isang doktrina ng mga bansa sa Silangan katulad ng India.  Lumilitaw na naging kamangha-mangha sa karamihan ng mga Hudyo na ang ganitong doktrina ay siya palang tinatanggap na paniniwala ng kanilang mga ninuno at kung ihahambing ang katandaan nito ay noong mga panahong ang mga aklat sa Lumang Tipan ay isinusulat pa lamang.  Ang nilalaman ng mga aklat sa Banal na Kasulatan ay nagsasalaysay ng mga karanasan ng mga tao noon kapanahunanang iyon.

At bakit animo ay ang mga tao sa India na lamang ang maraming naisulat tungkol sa reinkarnasyon at nawala na sa ibang panig ng daigdig lalo na sa lupain ng mga Hudyo?  Marahil, ayon na rin sa sinalita ni Hesus na, “hindi ako dumating na dala ang kapayapaan.”  Sapagka’t nagkaroon ng pagtatalo-talo ang mga Kristiyano ng iba’t-ibang sekta ng paniniwala kung kaya at nagkaroon ng pagkakaiba ng paniniwala bagaman at magkatulad ng mga Kristiyano (Katoliko, Protestante, at iba pa) sapagka’t umiiral sa makabagong panahon ay ang pagbabanghay ng katitikan  at hindi ng sa diwa.

Kung ang ilang mga mananaliksik ng India ay nakasumpong ng isang liwanag at nakita na hindi lamang sa Hinduismo kungdi  humangga pa sa Hudaismo (Judaism) ang paniniwala sa reinkarnasyon, at sapagka’t magkatulad ng paniniwala ang pag-aaral na kanilang ginawa sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano ay sa diwa at hindi ang katitikan nito.

At sa panahon 500 AD,  ang paniniwala tungkol sa reinkarnasyon ay tuluyang nawala sa mga Hudyo at iba pang Kristiyano.

Ang pilosopiya o paniniwala ng pag-unlad ng isang kaluluwa sa pamamagitan ng muli at muling pagkabuhay ay nagbibigay sigla sa mga taong pala-isip, sa isang praktikal na pamamaraan upang magawang harapin ang pakikipaglaban  upang mabuhay at ng kaluluwa ay nabibigyan ng mga pagkakataon na gawing dalisay ang isang kaluluwa.  At kung baga sa isang gitara na patid ang isang kuwerdas, ganyan din ang Kristiyanismo sapagka’t napatid ang doktrina ng reinkarnasyon.

Ang isang dakilang pari ng simbahan na si Origen ay hindi pag-aalinlangan ang  kanyang paniniwala sa doktrinang ito.  Siya ay maraming naisulat na mga aklat sa mga bagay na tungkol sa espirituwal. Siya ang nagturo ng pagkakaroon ng kaluluwa at ang paglalakbay ng mga kaluluwa.  At ang ganitong pananaw ay may mahalagang kinalaman ang reinkarnasyon.

Halimbawa na siya ay isang kaluluwa na nagmula sa Paraiso, at dahil sa isang kasalanan ay kailangang magbalik at maglakbay, nguni’t saan?
Sa labas ng Paraiso, sa daigdig, ang agwat o haba ng buhay ng buhay (span) ng tao ay maikli kaya at hindi kayang punan ng kahingian ng isang pagbabayad ng kasalanan,  Subali’t sa muli at muling pagsasakatawang-laman ay siya lamang ang makakapupuno sa kahingian ng mga suliranin sa buhay ganoon din ang  mga pangangailangan ng doktrina ng isang itinapon (exile), ng paglalakbay upang bumalik sa kawagasan at kalinisan, nang makilala ang Diyos at ang paghatol sa kanya bago siya muling isilang at ang iba pang katuruan na ipinamamahagi sa mga Hudyo, at ito ay batid din ni Hesus.  At sino sa kanyang mga disipulos ang hindi na mangmang?  Ang ibang disipulo ay hindi nakarating sa mataas ng antas ng pag-aaral, sila ay mga mangingisda, na lagi  lamang umaasa sa mga ipag-uutos ng mga nakatatanda sa kanila.  Nguni’t hindi lahat ay gayon, sapagka’t ang mga dakilang gawa ng kapanahunang iyon ay nakarating kay Herodes.

Si Apostol Pablo ay hindi maaaring sabihing na isang mangmang.  Si Apostol Pedro at Santiago na hindi lamang may kasanayan sa mga makabagong ideya at maging ang mga lumang ideya rin.  At ang mga luma ay mababasa sa Lumang Tipan, sa mga komentaryo sa Zohar, sa Talmud at sa iba pang mga gawain at salawikain ng mga Hudyo, na ito ay kalipunan ng mga katuruang tinatanggap  ng mga tao at mga Rabbi.  Kaya nga at ang mga salita ni Hesus, ni Apostol Pablo at ang iba pang mga disipulo na nakababatid ng mga bantog at mahahalagang doktrina noong unang panahon na patuloy na ginagamit sa kasalukuyan.

Maging si Herodes ay nakakapakinig ng mga pananalita na "si Juan ay si ganito rin at si Hesus ay  si ganito rin," na ang mga ibang propeta o mga dakilang tao ng unang kapanahunan na si Herodes ay kasama ng mga taong nagninilay-nilay sa doktrina ng reinkarnasyon, o ng “muling pagbabalik” sa pamamagitan ng pagtutugma ng isang tanyag na tao ng kanilang kapanahunan na nagkaroon na ng dating kabuhayan ng mga naunang kapanahunan.

Ang mga bagay na ito ay nasasaad sa mga ebanghelyo subali’t sa karaniwan, ito ay hindi binibigyan ng kaukulang pansin at pag-aaral at humahantong sa mga pilosopong pagtatalo subali’t ang doktrina ay tinatanggap.  At dito ang mga pangyayari (facts) ay naging kaaliwan gayun din naging babala sa mga Hari.

Sa isang Silanganin (Eastern) ang babala ay panandalian lamang, subali’t sa pag-iisip o paniniwala ng isa Kanluranin (Western), ang pagbabalik ng isang dakila at tanyag ng tao ay  isang pangangailangan, hindi lamang may katalinuhan kung hindi mayroon din ng kapangyarihan kaya at kung ang isang bagong aspirante upang mamuno ang nahalina sa kanilang pag-iisip, matibay ang kanilang paniniwala sa ideya na ang isang matandang propeta o isang dating hari ay muling nagbalik at nanahan sa isang katauhan na nakakasama nila.

Sa mga Hudyo na siyang pinagmulan ng angkan ni Hesus, sinabi Niya na Siya ay dumating bilang isang Misyonero at Tagapagbago (Reformer).


Kung ang kaluluwa ay wagas at ito ay nanggaling sa Diyos sa kanyang pagsilang, paano ito nadungisan?

Batid natin na ang Diyos na pinagmulan ay malinis at wagas.  At saan maglalakbay ang kaluluwang ito kung hindi dito rin o sa iba pang daigdig hanggang matamo nito ang kawagasan.  Ang mga Rabbi ay palagiang itinuturo na ganito ang nagaganap sa isang kaluluwa na kailangang uminog ng makailang ulit o muling magkasakatawang laman hanggang matamo ang kawagasan.

At sa Talmud, isa pang kinikilalang kasulatan noong unang panahon sa bayan ng mga Hudyo, ay palagiang nangungusap ng tungkol sa reinkarnasyon.  Sa kanilang salita na,  “Din Gilgol Neshomes” na ang ibig sabihin ay “ang kahatulan ng pag-inog ng mga kaluluwa.”

Ayon sa isang Rabbi na si Manassa, isang anak ng Israel, sa kanyang aklat na “Nishmath Hayem”, sinabi niya na, “ang paniniwala o ang doktrina ng paglalakbay ng kaluluwa”, ay isang katuruang tanggap ng kanilang simbahan, kaya wala ni isa man na magkakaila nito.  Maraming bilang ng mga paham ng Israel ang may matibay na paninindigan sa kapaniwalaang ito kaya’t ito ay ginawa nilang isang katuruan, isang esensiyal na bahagi ng kanilang relihiyon.  Kaya’t sila ay may tungkulin na sumunod at tanggapin ang katuruan sapagka’t ang mga bagay na ito ay pinatotohanan ng aklat na Zohar, at ang lahat ng mga aklat ng mga Kabal.

Dahil dito, maging ang tradisyon ng mga matatandang Hudyo ay naniniwala na ang kaluluwa ni Adan ay muling nagbalik sa katauhan ni David.  At sapagka’t si David ay nagkasala kay Uriah, ito ay babalik sa hinihintay nilang Mesias.  At sa paniniwala ng kasulatang Talmud, ang tatlong titik na ADM, bilang pangalan ng unang tao sa daigdig, laging binabanggit ang Adan, David at Mesias.  Kaya sa Lumang Tipan, “At sila ay maglilingkod sa JHVH na kanilang Diyos at si David, na kanilang hari na kung saan ako ay muling babangon para sa kanila.”  Ang ibig sabihin, si David ay muling babalik para sa mga tao.

At tungkol naman sa hatol ng Diyos kay Adan, “dahil sa ikaw ay alabok, sa alabok ikaw ay muling magbabalik.”  Sa mga Hebreo, sapagka’t si Adan ay nagkasala, kinakailangan na siya ay  muling magbalik sa lupa upang pagbayaran ang kasalanang kanyang nagawa sa una niyang kabuhayan; kaya siya ay bumalik sa katauhan ni David at si David sa katauhan ng Mesias (Hesus).

Ganoon din ang paniwala ng mga Hudyo kay Moises, Seth at Abel.  Si Cain ang pumatay kay Abel, kaya at ibinigay ng Diyos si Seth kay Adan.  Ayon kay Adan si Seth ay ang reinkarnasyon ni Abel.  Nang namatay si Abel, siya ay bumalik sa katauhan ni Moises na naging tagasubaybay ng mga tao.  Nang mamatay si Cain, siya ay nabuhay sa katauhan ni Yethrokorah.

Nang mamatay si Yetrokorah, ang kanyang kaluluwa ay naghintay hanggang siya ay nagkatawang laman sa isang Ehipto na napatay naman ni Moises.  Si Abel na bumalik sa katauhan ni Moises ay siya namang pumatay kay Cain sa katauhan ng Ehipto, dito nabayaran ng ni Cain ang pagkakasala niya kay Abel.

At si Job  na pinaniniwalaang reinkarnasyon ni Thara, ang ama ni Abrahan.
Job 9:21, “Ako’y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay”
“Kahit ako, hindi na nakilala ang kanyang dating katauhan na si Thara bagaman at may alam siya sa “tunay na pagkato nito (Thara).”

Jeremiah
Before I formed thee in the belly I knew thee; and before thou commeth out of the womb I sanctified thee.”

Mga Taga Roma – matapos ng sabihin na si Jacob at Esau na hindi pa naisisilang.
9:11 –“ Sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinapanganak, at hindi pa nagsasagawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Diyos ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kungdi doon sa tumatawag”
9:12-“At sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.”
9:13- “Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay iniibig ko, datapwa’t si Esau ay aking kinapopootan

Si Elias ang naunang dumating.
Mateo 11:14 -“At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paririto”
Mateo 17:10 -“At tinanong siya ng kanyang mga alagad,  na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?”
Marcos 9:13 -“Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, na naparito si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang iniibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya”

Ito ay ang pagbabalik ng lumang doktrina na kung saan ang mga apostol ay sumagot na katulad ng mga Hudyo, ng hindi nakipagtalo sa mga bagay ng tungkol sa muling pagkabuhay.  Subali’t sa pagsagot ni Hesus nilinaw Niya na Siya ay ang katawang-laman ng Diyos at hindi, reinkarnasyon ng mga santo o paham.

Apokalipsis 3:12- “ Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi ng templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Ito ang lumang ideya ng pagkatapon ng isang kaluluwa upang ito ay malinang, mapali ng mahabang pagkalalakbay bago ito matanggap sa kaharian ng Diyos.
Sa pagkamatay ni Origen, siya ay pinalitan ng isang monghe na siyang nagpatuloy na ipinalaganap ang Kristiyanismo subali’t sa ibang kapaniwalaan na hindi na muling bumanggit ng tungkol sa reinkarnasyon.

Sa Banal na Aklat ay may napapaloob na doktrina ng Reinkarnasyon subali’t ang mga simbahan ay wala ng nagbibigay ng ganitong doktrina.
Ang mga manunulat ng aklat ay Hudyo, maging si Hesus man ay Hudyo, kaya nga sa ating pag-aaral at pagsasaliksik dapat alamin ang kanilang mga paniniwalang espirituwal.

Sa Kawikaan, si Solomon ay kasama ng Manlilikha.
Ito ang nagpapaliwanag ng kanyang ibig sabihin na siya ay nabuhay kasama ng Manlilikha at ang kanyang kaluguran ay ang mga anak ng tao sa daigdigang lupa.

Si Elias at ang iba pang mga tanyag ng mga katauhan ay batid na babalik muli at ang mga tao ay palagiang naghihintay ng kanilang pagbabalik.
Noong kapanahunan ni Hesus, ang mga tao  ay may nalalaman na tungkol sa muling pagkabuhay ng mga taong nagkaroon ng dating kabuhayan sapagka’t ang kanyang mga disipulo ay minsan nagtanong sa kanya tungkol sa isang tao na isinilang na bulag.

Ito baga ay naging bulag dahil siya ay pinarusahan ng Diyos sa kanyang kasalanan noong unang kabuhayan o kaya  naman ang pagkakasala ng kanyang magulang na dapat niyang pagbayaran.  Ito ay isang patotoo na ang mga Hudyo ay tahasang may malaking paniniwala sa Reinkarnasyon.

Si Juan Bautista na siyang humalina kay Hesus sa kanyang ministri, ay napatay ng isang namumuno ng bansa.  Ang balita ay nakarating kay Hesus, at doon kanyang inayunan ang doktrina ng Reinkarnasyon at inayunan din ang lumang ideya na may kinalaman sa pagbabalik ng mga propeta sa pamamagitan ng kanyang salita, “na ang pinuno ang pumatay kay Juan na hindi nababatid, na si Juan ay si Elias na muling nagbalik.”

Sa isang pagkakataon, ang tungkol sa doktrina ng reinkarnasyon ay muling pinatunayan ni Hesus at ng kanyang mga alagad nang sila ay nag-usap tungkol sa pagdating ng isang sugo bago pa dumating si Hesus.  Hindi ito karakarakang naunwaan ng mga disipulo, na si Elias ay naunang dumating bilang sugo.  Sila ay sinagot ng Dakilang Maestro na si Elias nga ay nagbabalik sa katauhan ni Juan Bautista.

Dito maliwanang na si Hesus ay nagtuturo ng ganitong doktrina o kaya ay nagbibigay ng mga kaganapan sa mga ibang katauhan ng tungkol sa muli at muling pagkabuhay.  Ito ang naging kasiglahan ng Kanyang mga alagad sapagka’t ang mga disipulo noong panahong iyon ay wala pang matibay na kaalaman upang sila ay makapagsabi ang tungkol sa katauhan ng isang “tao” (soul) maging ang pagiging walang kamatayan nito.

Si Hesus lamang ang nakagagawa nito sapagka’t Siya ay isang nilikhang “nakakakita” (seer) ng kahapon ng mga kaluluwa at tahasang nakapagsasabi kung ano ang pagkatao (character) ng bawa’t isa sa kanila.

Kaya nga at magawang maibigay ni Hesus ang detalyadong mga bagay tungkol kay Juan, at marami pang mga ganitong mga pangyayari noong kapanahunan ng Dakilang Guro subali’t ang kasulatan ay may kakulangan.  At ang mga nakatala sa Banal na Aklat ay ilan lamang sa mga naganap na pangyayari at ilang lamang sa mga salita ni Hesus sa Kanyang paglalakbay sa Gitnang Silangan (Middle East).

Dapat nating ilagay sa ating isipan na si Hesus ay nawala ng labimpitong taon, at dito ay wala ng naisulat sa Banal na Aklat tungkol sa kanyang katuruan. Ang mga kaganapan sa labimpitong taon na ito ay pulos na nauukol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo na ginagawa ni Hesus sa maraming bansa na Asya katulad ng Tibet, Tsina, Rusya at iba pa.

Kaya dito nagkaroon ng hindi pagkakasundo ng simbahan at ni Hesus.  Ang simbahang Kristiyano mismo ang siyang nanlait sa doktrina na kanyang itinuro.
Alin ba ang tumpak?  Ang tama?

Sa mga totoong may matibay na paniniwala kay Hesus, ipaglalaban na ang doktrina ay may katotohanan.  Sapagka’t kung ito ang doktrina na dapat ituro, lahat ng tao ay mailalagay sa isang katayuan na lahat ay pantay-pantay, at ang kapangyarihan ng mga namumuno  sa lupa (rulers of the earth) ay madaling pahinain.  At ang mga mahalagang doktrinang ito ay isang katuruang hindi kayang palampasin ng Dakilang Guro.

Kung ang doktrina ng Reinkarnasyon din ang mali, bilang isang nagtuturo, tungkulin niya na ito ay kondenahin o sumpain.  At sa kalaunan, hindi lang niya ito kinondena bagkus Kanya itong sinang-ayunan, at doon ay Kanyang itinindig ang paninindigan sa doktrina sa lahat ng pagkakataon.

Maging si Apostol Juan, ay naniniwala rin, ating tunghayan sa isang sitas ng Banal na kasulatan na nagsasabing, ”Ang tinig ng Diyos na Makapangyarihan ang nagwika na ang Tao na dumating ay di na muli pang aalis sa kalangitan.”
Sa diwa, payak lamang ang ibig ipakahulugan ng doktrina na ang tao sa palagiang pagsusumikap (constant struggle) sa pamamagitan ng maraming kabuhayan ay sa pagdating ng panahon ay kanyang mapagtatagumpayan ang kahinaan ng katawang laman ay wala nang pangangailangan na muling mabuhay sa katawang-laman.

Si Apostol Pablo, ay nagbigay din ng teorya ng reinkarnasyon sa kanyang mga sulat na kung saan ang tinutukoy ay ang tungkol kay Jacob at Esau, sinasabi niya na ang minahal ng Panginoon ang isa at kinapootan ang pangalawa bago pa sila isilang.

Hindi naman maaaring mahalin o kapootan ng Panginoon ang mga bagay o tao na hindi pa nabuhay, kaya ibig iparating na si Jacob at Esau ay nagkaroon na ng mga naunang kabuhayan, mabuti at masama, kaya ang Panginoon ay nagmahal sa isa at napoot sa isa bago pa isilang ang katauhang nakilala bilang Jacob at Esau.

At  dito, si Apostol Pablo ay nangusap tungkol sa isang pangyayari na may pagkakatulad sa isang pangyayari na binanggit ng isang matandang propetang Malachi tungkol sa kanyang paninindigan sa ganitong ideya.

Sumunod kay Apostol Pablo at sa mga alagad ni Hesus, ay ang mga unang mga pari ng simbahang Kristiyano at marami sa kanila ang nagturo ng ganitong doktrina.  At si Origen, isang pari ng simbahang Kristiyano, ay ang pinakadakila sa kanila.  Ang doktrina ay tiyakan niyang ibinibigay, at dahil sa impluensiya ng kanyang mga ideya kaya at ang Konseho ng Konstantinopol noong 500 AD, ang siyang nagkondema ng doktrina ng Reinkarnasyon.
Ang pagkondena ay nangyari sapagka’t ang mga pari noon ay kulang sa mga kaalamang espirituwal ng mga Silanganin.  Ang mga pari noon ay karamihan ay Hentil na hindi kumikilala sa katuruan ni Hesus, bagkus, ito ay kanilang kinasusuklaman.  Kaya’t tuluyan na itong nawaglit sa mga pagtuturo at tuluyang nawala sa mga bansang Kanluranin, na siyang pinagmulan ng paniniwala ng mga Protestante.

Subali’t ito ay kailangang buhayin, sapagka’t ito ang sariling paniniwala ng nagtatag ng Kristiyanismo, sapagka’t ito ay magbibigay ng isang palagian (permanent) at matibay na batayan sa etiko o ang tama o wastong pakikipamuhay sa lahat ng bagay sa sandaigdigan na siyang pinakamahalaga.

2011-01-021

Monday, January 10, 2011

Faith (Pananampalataya)

Ano ang tinatawag na pananampalataya?


Ang pananampalataya  ay hindi nakukuha sa lohikal na pangangatwiran kungdi sa kutob o intuwitibong damdamin (intuitional feeling), “na ito ay totoo”, isang pagbabalik gunita  or rekoleksyon ng kaalamang iyon na nasa sa atin na sa ating mga unang kapanganakan.

Ang isang mayroon ng pananampalataya ay nakababatid na ang uniberso ay napapailalim sa Batas moral at pisikal at mayroon ng isang katarungan sa kosmos. Kung tayo ay may pananampalataya sa Batas ng Karma, nawawala ang ating pagkatakot.

Sa pamamagitan ng pananampalataya ang kapangyarihan ng kalooban ay pinagtitibay; kaya nga tayo ay lumalakas ang loob, hindi naduduwag at nakahandang humarap sa kahit na anong makakaharap; nakahanda upang sumulong at itaas ang antas ng kalagayan bagaman at marami ang mga balakid at hadlang, nakahanda na mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang at kahirapan at lahat ng mga kalagayan.

Ang  pananampalataya ay isang katangian na biniyayaan ng isang mabisang kapangyarihang makalikha (potent creature power) at ito ang lakas na humihikayat sa tao tungo sa isang higit na mabuting pamumuhay.

Kung ang pananampalataya ay mahina, ano ang ating gagawin upang ito ay mapaunlad o kaya ay ito ay madagdagan?

Ang pananampalataya ay hindi tumutubo at lumalago kapag tayo ay sumasandig palagi at palagi sa ating kaluluwa at sa batas na siyang nagpapalakad sa kalawakan. Dapat nating pag-aralan na magtiwala at maging matapat sa ating sarili (kaluluwa o espiritu) at sundin ang hinuhod nito sa ating kalooban.  Dapat magsagawa ng makatotohanang pagsasagawas at magamit ang karunungan na ating natutuhan.
  1. Ang dalangin at hinahangad para sa kapakanan ng kapwa ay makakatulong.
  2. Pag-ibayuhin ang gawi na palagiang tignan ang totoo, ang maganda at mabuti, ang tumingin sa maganda at masayang bahagi ng mga bagay at pangyayari.
  3. Dapat din tignan na nasa kaibuturan ng puso ng tao, dito, ay may nakatagong kabutihan at hindi ang humatol sa panlabas na anyo.
  4. Pag-ibayuhin at paunlarin ang kapangyarihang magsuri at paglagom ng mga kaganapan upang ang kahit na anong dumating sa atin, isang aral ang matutuhan.
Darating ang panahon ating mapapag-isip isip na huwag kalimutan bigyan pansin ang kahit na isang kaisipan o diwa,  kahit na ang isang impresyon.  Sapagka’t sa pagpapa-unlad ng pananampalataya, ating susubukin ang bawa’t baitang habang tayo ay humahakbang, ating susuriin ang ating mga reaksyon o ganting galaw at ituon ang ating paningin sa isang adhikain at ito ang gagamitin nating buhay na kapangyarihan sa ating mga buhay.

Ang pinakamataas na paghahayag ng pananampalataya at pananalig ay iyong namamagitan sa mag-aaral at sa nagbibigay ng aralin (Diyos).  Kung kaya kinakailangan ang ganap-ganapan pagiging matapat sa Panginoon at sa layunin ng Panginoon.  Isang ganapang pananalig o debosyon sa Kanya na siyang nakaka-alam ng lahat ng bagay, at ang paniniwala sa mga alagad ng Panginoon, mga batlaya o ang kapatiran ng mga banal.

At dahil dito, mararamdaman natin na tayo ay pinangangalagaan, at mawawala ang takot, ang pangamba sa ating mga sarili dahil hindi tayo pinababayaan.
Kailangan natin ngayon na pag-ibayuhin sa ating mga sarili ang isang matatag na pananampalatayang ikaw at ako ay napalapit sa Panginoon.  At ang Panginoon ay nagkakaloob sa lahat at bawa’t isang malapit sa Kanya ng mapagkandiling pangangalaga.

Kung tayo ngayon ay may panamnampalataya sa Panginoon at sa Batas ng Panginoon, kasama ng karunungan ng ating Espiritu, tayo ay mananatiling tapat sa ating katuruan, matapat sa ating mga kapwa kasamahan at matapat din doon sa mga pumapailalim sa Batas ng Karma na silang humahawak at gaganap ng tungkulin upang maipagpatuloy ang paggawa.

Ito ang mensahe, (Abotsabi ng  Propeta Uriel 10/17/93)

Kung kayo ay kayo na nga, ang mga mananampalataya at buong katatagang umuunawa sa ibinababa ng kaitaasan, hindi na darating sa inyong mga sarili ang pag-iimbot, ang karamutan, ang pagkapoot sa inyong mga paligid.  Hindi na darating sa inyo ang panghihinala na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapatid sapagka’t katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyong kalagitnaan, ang paghihinala sa inyong mga kapatid at sa inyong mga kapwa ay isang malaking kasalanan sa inyong pagkatao.

2011-01-010

Sunday, January 9, 2011

Psychic Abilities (Mga Kakayahang Saykiko)

Ano ang etika at moralidad ng saykikong kakayahan ng tao (Psychic Abilities)?

Sa ating materyal na realidad, ang ating konsepto ng lahat lahat ay nabuo sa pamamagitan ng ating limang mga pananggap at intelektuwal na pangangatwiran. 

Ang ating persepsyon ng realidad nang lagpas pa sa mundong pisikal ay kinabibilangan ng paggamit ng espirituwal na pakultad na tinaguriang mga kakayahang paranormal, mga kakayahang saykika (psychic), karagdagang persepsyon ng pakiramdam (ESP), telepatiya at iba pa. Ang pagkakaroon ng ganitong mga kakayahan ay pangkalahatang tanggap at di maipagkakaila. 


Upang maging malinaw, ang pag-unlad ng mga pakultad na Espirituwal, o saykikong kaangkinan ng tao, ay pina-uunlad bilang isang mekanismo na kung saan ang mga indibidwal ay muling kumokonekta sa at nakikipag-ugnayan sa Kaitaasan. Na ang mga pakultad ay umiiral at ang ibig sabihin nito ay ang mga parametro ng araw-araw na buhay at pag-iral ay nagbabago.

Ang pagbuo ng isang koneksyon sa Diyos ay hindi isang pagkilos laban:
a. sa anumang relihiyon
b. sa anumang pamahalaan
c. sa agham o medisina
d. sa salapi

Ang salapi aay isa lamang daluyan ng pagpapalitan, isang kasangkapan upang mapabilis (facilitate) ang pagkilos ng enerhiya at mga materyal sa loob ng isang lipunan. 

Ngayon, mayroong mga simulain, paaralan o guro na maaasahan at maaaring pagkatiwalaan. Iyon ay ang banal na pamana na iiral sa loob ng bawa’t indibidwal. Ito ang banal na pamana na direkta o tuwirang nakukuha sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng mga espirituwal na pakultad. 

Ang koneksyon ay makakamit sa pamamagitan ng ‘ang naghahanap ay makasusumpong’ (seeking and finding). Ang kapangyarihan na makukuha bilang resulta ng pakikipag-ugnayan sa Kaitaasan pagpapa-unlad na may karunungan, pananaw, kahabagan, at pananagutan (responsibility).

Ang di tumpak na paggamit na espirituwal na pakultad ay nagdaragdag sa paghihiwalay mula sa Diyos at siya rin namang nagbabawas sa mga natitirang magagamit na enerhiya at kapangyarihan.

Ang karma, ang batas ng kasanhian (cause) at kahihinatnan (effect), nagbibigay sa mga indibidwal na umaabuso ng pagkakataon na makatanggap ng edukasyon upang ibalik sa katuwiran. Ang karma ay hindi kaparusahan para sa masamang gawa. 

Ang pinsala sa iba ay maaari lamang gawin ng isang tao na hindi naunawaan o respetuhin ang koneksyon na mayroon tayo sa isa’t isa at sa lahat ng nilalang. Ang pagwawasto ay darating sa anyo ng mga kasunod na mga karanasan sa buhay at mga pangyayari na kung saan nagbibigay ng pang-unawa sa mga konsekwensiya ng mga pagpiling nagawa. Sa pagwawasto, halimbawa, ang dati na siya ang naniniil ay ngayon ang magiging biktima ng paniniil.

2011-01-009

Monday, January 3, 2011

Learning from Spirit Communications (Pag-aaral ng mga Abot-Sabi)

Paano ang tumpak na pag-aaral sa mga abot-sabi?

Sa pag-aaral ng mga abot-sabi (komunikasyon mula sa mga talaytayan), tatlong bagay ang huwag kaliligtaan, iyong mga katanungang bakit, paano at kailan. Diyan sa tatlong bagay na iyan paikutin ninyo ang abot-sabi na inyong tinanggap at inyong matutunan kung ano ang hinihingi sa inyo.

Halimbawa

Mga kapatid, hindi matatapos ang panahon ng mga tao hangga’t siya ay mayroon ng gawain na dapat gampanan. Hindi natatapos ang kanyang pag-aalinlangan habang natatanaw niya ang mga bagay na dapat niyang matutuhan. Sa dalawang bagay na ito magagamit ninyo ang inyong panahon upang inyong baha-bahaginin sa mga bagay na inyong tuparin sa buhay na iyan, hindi lamang ang pagkain ng laman, hindi lamang pagkain ng espiritu ang dapat alagatain ng tao. Ang dapat niyang alagatain ay alagatain niya kapwa ang bagay na ito sapagka’t gaya ng aking sinabi sa inyo, ang manipestasyon ng karunungan ng espiritu ay sa pamamagitan ng kanyang kabuhayang materya.

(Halaw sa abot-sabi ng Arkanghel Rafael, 03/16/1990)

Bakit:

Bakit hindi matatapos ang panahon ng mga tao hangga’t siya ay mayroon ng gawain na dapat gampanan?

Hindi natatapos ang panahon ng mga tao hangga’t hindi natatapos ang pag-aalinlangan ng tao, hangga’t nauunawan at natatanaw niya ang mga bagay na dapat pa na matutuhan.

Paano?

Paano magagamit ng tao ang panahon upang mabahabahagi ito sa mga bagay ng tuparin?

Magagamit ng tao ang panahon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay ng tuparin; dapat alagatain ng tao hindi lamang ang pagkain ng laman kung hindi gayon din ang pagkain ng espiritu, at alagatain ang dalawang bagay na ito nang magkasabay nguni’t may kabalansehan.

Kailan?

Kailan makikita ang manipestasyon na mayroon nang karunungan ang espiritu?

Makikita ang manipestasyon na mayroon ng karunungan ang isang espiritu sa pamamagitan ng kaniyang kabuhayan sa ibabaw ng lupa. Kung mamamasdan na ang isang tao ay hindi nagbabago ng kanyang mga gawi ang ibig sabihin, kulang pa ang natutunan at kailangan pa ng patuloy na pag-aaral sa pamamagitan ng mga danasin at tiisin. Samantalang makikita na ang tao ay nagkaroon na ng karunungan kapag napanday na, napali na, kinakikitaan na kahit na maliit na pag-ibig sa kapwa na may gawa at nakapaglilingkod ng walang hinihintay na kapalit.

Ano ngayon ang hinihingi ng abotsabi?

Bilang paghahanda, bago lumisan ang tao sa lupa gampanan na ang mga bagay na dapat gampanan, alisin ang mga pag-aalinlangan, paunlarin ang sarili at bakahin ang kamangmangan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagay tungkol sa laman at gayon din ang sa espiritu na may kabalansehan.

2011-01-003