Paano nagkaiba ang Espiritu sa Kaluluwa?
Ang Espiritu
Ang Espiritu ay siyang prinsipiyong matalino ng buong paglalang (
creation). Siya ang diwa, wagas at walang hanggan. Hindi siya saklaw ng panahon (
time) at puwang, patlang o espasyo (
space).
Siya ay sumasa lahat ng bagay. Ang simulaing matalino ang siyang
katunayan na mayroong Diyos sapagka't hindi matatanggap ang Mataas na
Kapangyarihan kung ang paghaharian lamang ay ang mga bagay na walang
katalinuhan, tulad ng hindi ipagkakaroon ng Dakilang Hari kung ang
paghaharian ay mga bato lamang.

At sapagka't hindi maunawaan ang Diyos nang hindi nag-aangkin ng Kanyang karuonan (
attributes),
ang mga sagisag na ito ng Diyos ay nawalan ng kabuluhan kung sa materya
lamang gagamitin. Ito rin mga karuonang ito ang siyang isinangkap sa
bawa't espiritu upang maihayag ang kanyang katalinuhan, kaya nga at siya
ay sumusulong hanggang makasapit sa kalagayang lubos na nauunawan at
natatanggap ang mataas na munakala ng sa kanya ay lumikha.
Ang espiritu ay may kalayaan sa pagpili ng laman na kanyang gagamitin sa kanyang pagbabayad-utang (
atonement, expiation) o misyon. Ang kapaligiran na kanyang pinakikisamahan, ay siyang mahalaga sa ikatutupad ng kanyang tungkulin.
Kaya
nga at mayroong pangyaya rin na kung ang paligid na kinagisnan ng
sanggol ng kanyang gagamitin sa isang kabuuan, ay magiging sagabal sa
katuparan ng kanyang pagbabayad-utang o ganapin ang isang kabuhayan, ito
ay kusa niyang iiwan sa pamamagitan ng pagpatid sa pluwido o
peri-espiritu na nag-uugnay sa materya upang siya ay makahanap ng bagong
sanggol na ang paligid ng mga magulang ay naa-angkop sa kanyang
pangangailangan o tuparin.
Ang Kaluluwa
Marami
ang opinyon tungkol sa kaluluwa. Aking ibibigay ang iba’t ibang
pagkukuro upang buhat dito ay magkaroon ang bumabasa ng kanyang sariling
pagsasaliksik at makabuo ng isang magandang larawan kung ano ang isang
kaluluwa para sa kanya.
Ang kaluluwa ay siyang prinsipyong buhay
ng katawang laman. Ang sabi ng iba, ang kaluluwa ay hindi sumibol sa
kanyang sarili at mawawala rin kapag ang katawang laman ay mamatay. Ang
wika ng mga taong naniniwala sa materialismo ang kaluluwa ay kasanhian (
effect) at hindi ang kadahilanan (
cause).

Ang ibang panig ay nagsasabing ang kaluluwa ay siyang prinsipiyo ng karunungan, isang karunungang unibersal (
universal agent) na kung saan lahat ng taong nilalang ay napagkalooban ng isang bahagi.
Ayon sa kanila, sa buong sangkalawakan
(universe)
ay mayroon lamang isang kaluluwa na siyang namamahagi ng talsik ng
kanyang kaluluwa sa lahat ng mga nilalang na may talino, sa kanilang
kabuhayan; ang bawa’t talsik na ito, sa kamatayan ng nilalang na iyon ay
mabubuhay at babalik sa kanyang pinanggalingan at ito ay muling sasama
sa kabuuan ng isang kaluluwa.
Tulad ng isang ilog, na babalik sa dagat
na kanyang pinagmulan. Kaya nga sa kamatayan, ang paniniwala ay
nawawala na ang pagkilala sa sarili (
identity).
Ayon sa kanila, ang isang Pangkalahatang Kaluluwa (
Universal Soul) ay ang Diyos at ang bawa’t nilikha ay may bahagi ng pagka-Diyos. Ito ang kapaniwalaang Panteismo (
Panteism).
At sa pangkat ng
Spiritualist
naman, ang isang kaluluwa ay isang nilalang ng kabutihan (
moral being)
hiwalay at walang kaugnayan sa materya at ang kaluluwa na pagpepreserba o
napapanatili ng kanyang indibiduwalidad sa kamatayan.
Ang pagtanggap
ng salitang “kaluluwa” ay siyang pangkalahatang tinatanggap sapagka’t
bagaman at iba iba ang katawagan, ito pa rin ang tinutukoy sa isang
nilalang na nabubuhay sa pagkamatay ng isang katawang-laman. At ang
doktrinang ito ay siyang ginagamit sapagka’t sila ay naniniwala na ang
kaluluwa ang kadahilanan (
cause) at hindi kasanhian (
effect).
At
dahil may tatlong pangkat na nagkakaiba sa kung ano ang kaluluwa, kung
kaya at tatlo rin ang ibig ipakahulugan ayon sa katuruan kung kaya at
upang matanggap ng higit na nakararami ang salitang “kaluluwa” ay
tatawagin kong isang nilalang (
being) na walang anyo at hugis at isang indibiduwal na nilalang (
individual being) na nananahan sa atin, at walang kamatayan.
Ito ang mensahe. (Halaw mula sa abotsabi 08/07/1968, Centro Heneral)
Ang kaluluwa ay bihisang eteriko (
ethereal envelope)
ng espiritu. Ang kaluluwa ay hindi wagas, may hangganan, nagbabago-bago.
Saklaw siya ng panahon at pook. Ang kaluluwa ay mga nagkasamasamang
atomo (
atoms) at iba pang elemento sa ika-apat na dimensyon (
4th dimension).
Siya ay bagting na ginagamit ng espiritu sa paglangkap sa materya, at
sa bawa't paggamit ng laman sa iba't ibang kapanganakan, ay iba't ibang
uri ng elemento ang kanyang ginagamit, sang-ayon sa antas ng planeta na
kanyang gaganapan ng mga bagong tungkulin.
Ang paglangkap sa
katawan ng sanggol, ay nagsisimula sa tiyan pa ng ina sa gulang na
humigit kumulang sa limang buwan, na siyang simua ng pagkilos ng sanggol
sa tiyan. Inihihiwatig ng mga pangyayari na sa pag-uugnay ng espiritu
at kaluluwa at sa panahon ng paglalangkap sa sanggol nagsisimulang
humayag ang simulaing buhay (
vital principle), hanggang sa pagluwal ng sanggol sa liwanag at hangin, ay nagigising naman ang mga pandamdam (
senses) ng kataon. Habang lumalaki ang sanggol, umuunlad ang mga sangkap kasabay ang paglikas ng mga pandamdam ng katawan.
Ang prinsipiyo ng buhay ay humahayag din sa mga nilikhang hindi organiko (
inorganic)
tulad ng halimbawa ng hayop at halaman na pinakikilos pa rin ng buhay
na walang kaisipan. Ang hayop, maging ang halaman ay gumagalaw sa udyok
ng guni-guni o instinkgto (
instinct), upang mapanatiling maayos
ang kanilang sarili sa kanilang pakikisama sa kanilang kapwa.
Dahil
dito, maliwanag na ang espiritu ay may naiibang buhay kaysa materya,
sapagka't ang katalinuhan at pag-iisip ay kanyang mga sagisag, at
samantalang ang materya ay hindi nagtataglay nito, ay mahihinuha na ang
panangkap materyal at espirituwal ay dalawang simulaing bumabalangkas sa
boung paglalang. Ang elemento espirituwal na nagsasarili ay siyang
iba't ibang katawan sa kalagayang organiko at di-organiko.
Ang
pagsulong ay siyang tadhana sa mga kinapal na espiritu, at ang
kaganapang malapit para sa kanyang layunin at sapagka't nilalang ng
Diyos na magpasawalang hanggan, marahil, ay mayroon na ng nakarating sa
kaitaasan ng huling baitang ng pagsulong.
Ang kapatagang Lupa (
planeta tierra)
ay isa lamang sa mga kapatagan, at bago ito sumipot sa kalawakan, may
papawirin na pinanahanan na ng maraming espiritu na nasa lahat ng antas
ng pagsulong, buhat sa mga nagsisimula pa lamang sa buhay hanggang sa
mga espiritung wagas, na kung tawagin natin ay mga Anghel, Kerubin at
Serapines. Si Socrates, Buddha, Mahomma, Konfusiyo, Hesus, at marami
pang iba, ay mga nauna lamang makatapos sa huling baitang ng
pagkasulong.
2011-01-21