Pages

Monday, February 28, 2011

Carl Jung e Reencarnação

Portuguese and Filipino translations from English by Rolby

Acredita Carl Jung em reencarnação?
 
Carl Gustav Jung foi um psiquiatra suíço e psicólogo.

Durante o dia, como um psicólogo, ele foi visitado por aqueles que têm problemas em crianças, as decisões, e da vida, não eram nada de significância.

E assim, a primeira coisa que ele fez foi perguntar aos pacientes sobre seus sonhos. Para no sonho viu-o como uma fonte de problemas para o sonho vem de uma mais profunda ao nível dos nossos pensamentos.

E aqui  ele encontrado, há pessoas que estão vendo seu sonho de formas, símbolos semelhantes a que o mito nos tempos antigos (Romano, Grego). Ele pensou que as pessoas com esse sonho são muitas vezes desconhecem e ignorantes da história ou histórias do passado em diferentes culturas.

E aqui ele disse, esse sonho vem com um certo grau de profundidade de uma mente (psyche), na continuidade da consciência o tempo todo. Porque ele viaja ao redor do mundo e encontrado em cada culturas  cerca dele, ele viu o mesmo símbolo em seus sonhos e crenças espirituais e descobriu que os mitos são as mesmas em todas as culturas.

Podemos agora dizer que, quando uma pessoa que possui um símbolo ou uma experiência diferente de sua vida ou a cultura atual e indicou que era devido à sua vida anterior.

Carl Jung, embora conhecido e reencarnação não pode escrever sobre porque não provar verdadeiro no mundo, e apenas a alguns ideologias têm crenca  em reencarnação.


Carl Jung and Reincarnation

Did Carl Jung believed in  reincarnation?
 
Carl Gustav Jung was a Swiss psychiatrist and psychologist. During those days, as a psychologist, Jung was visited by those having problems in children, decisions, and life, were as though nothing of significance.

And so the first thing he did was ask the patients about their dreams. For in the dream he saw it as a source of problems because  the dream comes from a deeper-level of our thoughts.


And here he found out there were people who are seeing their dream of forms, symbols similar to that myth in ancient
Roman and Greek times . He thought that people with this dream were often unaware and ignorant of history or stories from the past in different cultures.


And here Jung said, that dream comes with a certain degree of depth of a mind (psyche) in the continuity of consciousness all the time. Because he travels around the world and found in every culture surrounding him, he saw the same symbol on his dreams and spiritual beliefs and found that the myths are the same in all cultures.


We can now say that when a person possessing a symbol or experience other than his current life and culture, it indicated that it might be due to his former life.


Carl Jung, who knew about reincarnation can not write about it because it did not prove true in the world, and only a few ideologies believe in reincarnation.


Carl Gustav Jung was a Swiss psychiatrist and psychologist.During the day, as a psychologist, he is visited by those who have problems in children, decisions, and life, were nothing of significance.And so, the first thing he did was ask patients about their dreams. In the dream he saw it as a source of problems for the dream comes from a deeper level of our thoughts.And here he found, there are people who are seeing their dream of forms, symbols similar to that myth in ancient times (Roman, Greek). He thought that people with this dream are often unaware and ignorant of history or stories of the past in different cultures.And here he said, that dream comes with a certain degree of depth of a mind (psyche), the continuity of consciousness all the time. Because he travels around the world and found in every culture around him, he saw the same symbol in his dreams and spiritual beliefs and found that myths are the same in all cultures.We can now say that when a person who has a symbol or a different experience of your life or the current culture and indicated that it was due to his previous life.Carl Jung, though known and reincarnation can not write about because they do not prove true in the world, and only a few ideologies have belief in reincarnation.

Carl Jung at ang Muli at Muling Pagkabuhay

Naniniwala ba si Carl Jung sa reinkarnasyon?

Si Carl Gustav Jung ay isang Swiss psychologist at psychiatrist.

Noong araw, bilang isang psychologist, siya ay pinupuntahan ng mga nagkakaroon ng mga suliranin sa anak, sa desisyon, at kapag ang buhay, wika nga ay parang wala ng kabuluhan.

Kung kaya at ang una niyang ginagawa ay tinatanong niya ang mga pasyente ng tungkol sa kanilang panaginip. Sapagka’t sa panaginip maaari niyang makita ang maaaring pinagmumulan ng mga suliranin sapagka’t ang panaginip ay nanggaling sa isang higit na malalim na kaantasan ng ating kaisipan.

At dito nagtapuan niya, na may mga tao na sa kanilang panaginip ay nakakakita ng mga anyo, simbolo na nahahalintulad sa mga mitolohiya noong unang panahon (Romano, Griyego). Naisip niya na ang mga taong may ganitong panaginip ay kadalasang walang kamalayan at walang kaalaman sa mga kwento o kasaysayan mula sa nakaraan sa iba ibang kultura.

At dito nasabi niya, na ang panaginip ay nagmumula sa isang malalim ng kaantasan ng isang pag-iisip (psyche) sa pagpapatuloy ng kamalayan ng tao sa lahat ng panahon. Sapagka’t siya ay naglalakbay sa buong mundo at nakatuklas sa bawa’t kultura ng kanyang ginalawan, nakakita siya ng katulad na simbolo sa kanyang panaginip at mga paniniwalang espirituwal at nalaman niya na ang mito ay magkakatulad sa lahat ng kultura.

Maaari nating sabihin ngayon na kapag ang isang tao ay nakapanaginip ng isang simbolo o kaya ay karanasan na iba sa kanyang kasalukuyang kultura o buhay at ipinahihiwatig na maaari ito ay dahil sa dati niyang kabuhayan.

Si Carl Jung, bagaman at nakakilala ng reinkarnasyon ay hindi maaaring isulat ang tungkol sa reinkarnasyon dahil ito ay hindi mapatunayang totoo sa daigdig, at ilang lamang simulain ay may paniniwala sa muli at muling pagkabuhay.

2011-02-028

Sunday, February 27, 2011

Garden of Eden

Portuguese and Filipino translations by Rolby

O que o Jardim do Éden simbolizam?

Em Gênesis, capítulo 4, é claro que Adão e Eva tiveram dois filhos, Caim e Abel. E se é verdade que eles são apenas as primeiras pessoas na terra,  eles podem ter um filho? Nem Adão e Eva foram os pais da raça humana e todas as raças. A história de Adão e Eva foi não é o início da existência humana sobre a terra,  sim um estudo de alto nível que revela a evolução da alma. Isso significa que, estas almas são desistiu em uma escola espiritual apresentado como o Jardim do Éden.

O jardim existiu ou foi presente em uma gama de vibração superiores invisíveis ao  sentidos físicos  de pessoas.

Apenas algumas almas no jardim caiu em um estado de consciência inferior. Outros elevou sua consciência.

As almas caiu, o nível de vibração de deles consciência caiu até que  não deles podia ver o jardim. Em seguida, eles tinha um  mais denso ou grosso corpo como visto em nós.

Há um número de almas que caíram ao mesmo tempo simultaneamente. Mas há milhões de pessoas que vivem no espectro de material. E aqui os filhos de Adão e Eva se casaram e tiveram filhos.

Porque essas pessoas caíram seu nível de consciência muito abaixo do chamado "Consciência Crística", os casamentos apressou-se a inferior da consciência das pessoas a partir do jardim e este processo foi a razão pela qual eles esquecem o seu princípio espiritual.



What does the Garden of Eden symbolize?

In Genesis, Chapter 4, it is clear that Adam and Eve had two sons, Cain and Abel. And if it is true that they are only the first persons on earth, how can they have a  child? Nor Adam and Eve were the parents of the human race and all races. The story of Adam and Eve is not the beginning of human existence on earth, it is rather a high-level study that reveals the evolution of the soul. That means, these souls are dropped into a spiritual school presented as the Garden of Eden.


The garden existed or was present in a range of superior vibration unseen physical senses of  people.


Only a few souls in the garden fell into a lower state of consciousness. Others elevated their awareness.


The souls fell,  the level of vibration of their consciousness
dropped until they could no longer see the garden. Then they had a more dense or thick physical body as seen in us.

There are a number of souls who fell at the same time simultaneously. But there are millions of people who live in material spectrum. And here are the children of Adam and Eve were married and had children.


Because these people dropped their level of awareness far below the so-called "Christ Consciousness", the marriages hastened the lowering of consciousness of people from the garden and this process was the reason why they forget their spiritual beginning.



Ano ang diwa ng Hardin ng Eden?

Sa Genesis, Kapitulo 4, malinaw na si Adan at Eba ay nagkaroon ng dalawang anak, si Cain at Abel. At kung totoo na sila lamang ang mga unang tao sa kapatagang lupa, paano sila nagkaroon ng anak?Lalo pa at hindi rin maaaring si Adan at Eba ang mga magulang ng sangkatauhan at ng lahat ng lahi.

Ang kwento tungkol kay Adan at Eba ay hindi ang simula ng pagkabuhay ng tao sa kapatagang lupa, manapa ang kwento ay isang mataas na antas na aralin na naghahayag ng ebolusyon ng mga kaluluwa. Na ang ibig sabihin, ang mga kaluluwang ito ay bumaba sa isang paaralang esprituwal na ipinakita bilang Hardin ng Eden.

Ang hardin ay umiral o naroroon sa isang saklaw ng higit na mataas na bibrasyon na hindi nakikita ng mga pisikal na pananggap ng mga tao.
Ilan lamang mga kaluluwa sa hardin ang nahulog sa isang higit na mababang kalagayan ng kamalayan. Ang iba naman ay umangat ang kamalayan.

Ang mga kaluluwang nahulog, bumaba ang antas ng bibrasyon ng kanilang kamalayan hanggang hindi na nila makita ang hardin. Pagkatapos ay nagkaroon sila ng higit na siksik o makapal na pisikal na katawan tulad ng makikita sa atin.

Mayroong isang bilang ng mga kaluluwa na sabayang nahulog sa parehong panahon. Nguni't may mga milyon-milyong mga tao na nakatira sa spektrum na materyal. At narito ang mga anak nila Adan at Eba ang nagsipag-asawa at nagka-anak.

Dahil ang mga taong ito bumaba na ang kamalayan sa antas na higit na mababa sa tinatawag na “Christ Consciousness”, ang pag-aasawahang ito sa mga tao ang nagpabilis sa lalong pagbaba ng kamalayan ng mga tao mula sa hardin at ang prosesong ito ang siyang naging dahilan kung bakit nakalimutan nila ang kanilang espirituwal na pinagmulan.

2011-02-027

Saturday, February 26, 2011

Enlightened Spirits

Ano ang tinutukoy na mga Espiritu na mayroon ng kaliwanagan  (Enlightened Spirits)?

 Ang mga ideya tungkol sa mga espiritu na mayroon ng kaliwanagan:
1 . Ang kanilang tungkulin ay gabayan ang mga espirituwal na pagkaunlad o pagsulong ng sangkatauhan

2.  Sila ang mga espiritu na namamalaging aktibo bagaman at sila ay wala na sa lupa

Ang mga iba ibang katawagan sa mga Espiritu na mayroon ng kaliwanagan ay ang mga sumusunod:
1.  Komunyon ng mga Santo (Communion of Saints) ang kapaniwalaan ng mga Katoliko kung saan,  ayon sa 1 Korinto 12,  inihambing ni Apostol Pablo ang mga Kristyano sa isang katawan o “single body”

2.  Mga Arkanghel at mga Anghel (Members of the Heavenly Host)

3.  Mga Maestro na nakatamo ng mataas na antas ng pagsulong (Ascended Masters)

Nakamit nila ang lahat ng karunungan (wisdom) na nagmula sa mga karanasan kinakailangan sa pagsulong ng Espiritu na may hugis o katawang laman.  Ang iba sa kanila ay tumutungo sa higit na mataas na daigdig.  Ang iba ay nagiging mga gurong tagapagturo sa mga kabataan sa  ikot ng kanilang ebolusyon (cycle of evolution) sa planetang ito.

Sila ang mga nakamit na ang imortalidad  subali’t nanatiling aktibo na gumagabay sa sangkatauhan sa kapatagan.  Kung makikita ng paningin sa lihim, sila ay may mga kulay puting aura. 

Ayon sa mga nasusulat sila ay sina: si Hesus ng Nazareth, ang Dakilang Guro; Confucius; Gautama Buddha; Maria, ang Ina ni Hesus, Hilarion, Enoch, Pablo ng Venecia, Quan Yin, San Germaine, Khutumi at iba pa na hindi kilala.

Ayon din dito, isina-isangtabi na nila ang kanilang pagkakaiba na mayroon sila, magi ang lahi, noong sila ay nandito pa sa lupa at sila ay nagka-isa upang i-angat ang espirituwal na  kalayagayan ng sangkatauhan.

Ang Maestro sa India ay tinatawag na Mahatma.  Sila ang mga mga Espiritung may kaliwanagan na sa kanilang muli at muling buhay ay mga pangkaraniwang tao, na dumaan sa proseso ng transpormasyong espirituwal.  Sila ay nakatamo ng pagkalinang o pagtatagumpay (mastery) sa mga limitasyon sa kalupaan, nagawa nilang balansehin ang 51% ng kanilang mga negatibong karma at nagampanan o natagpusan ang kalooban ng Manlilikha (Divine Plan).

Sila sa pagiging gayon, ay naging  kawangis ng Diyos na pinanggagalingan ng pag-ibig na walang pagtatangi (unconditional love) sa lahat ng may buhay at nakipag-kaisa sa kani-kanilang “Ka-Akohan” (God-Self). Sila ay gumagawa upang magibigay ng inspirasyon at motibasyong espirituwal na pagka-unlad.

Sampung antas ng espirituwal na pag-unlad:
1.  Ang pagkasilang sa espirituwal na buhay – kung saan ang isang nilikha ay nagkaroon na ng pagsupil sa kanyang katawang laman.   

2. Ang pagbibinyag – kung saan ang isang nilikha ay may pagsupil na sa kanyang katawang astral. 

3. Transpigurasyon – kung saan ang isang nilikha ay nakatamo na unlad na pakultad ng pagiging vidiente at audiente. 

4. Ang isang nilikha na sinasabing may perpeksyon–  mayroon na ng kakayahang maalala ang kanyang lahat na mga naging  unang kabuhayan.  Ang nilikhang nakatamo ng kaunting perpeksyon, accomplishment, tagumpay, may kakayahang maka-impluwensya sa kanyang kapaligiran. Sa antas na ito, hindi na nangangailangan na ito ay muling magsakatawang laman. 

5. Ang mga nilkhang may kakayahang  magteleporte,  ang paglilipat ng isang materya mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar ng mabilis.

     a. Bilocate -May kakayahan ang nilikhang ito na maging nasa sa dalawang
         lugar sa iisang panahon  dahil sa kanilang daigdig walang oras at
         espasyo.

     b. Levitate – Ang kakayahan manatiling nakalutang sa hangin sa  ibabaw ng
         lupa, lumulukso na katulad ng tipaklong, nalutang (floating) at
         lumilipad. 

         Masterhood– Ang kakayahang mag “teleport”, bilocate, at “levitate” sa
         kahit na anong lugar sa kapatagang lupa. 

         Christhood– ang kakayahang magteleporte kahit saang lugar sa systema
         ng araw (solar system).  Sila ay hindi apektado ng isang bala na ibinaril,
         ni ang pagsabog ng bombang nuklyear. 

         Buddhahood -Ang pagiging Buddha.  Ang mga nilikhang malayang
         nakakagala sa espasyo sa pagitan ng mga planeta  (interplanetary space)
         at sa mga espasyo ng mga bitwuin habang may buong kamalayan habang
         pisikal na nasa kanilang mga selestyal na katawan at gumaganap ng
         kanilang paggawa sa pamamagitan ng pakikipag-abot sabi sa ibang mga
         nilikha, ang mga mensahe pulos  sa pamamagitan ng telepatiya.

6.  Ang mga nilikhang may kakayahang magmaterialisasyon o di magmaterialisasyon ng mga materyal na bagay.  May kakayahan makipag-ugnay sa mga lakas o pwersa sa kosmos sa labas ng ating systema ng araw.

Ano ang Planetary Logos?  

Ang planetary logos ay isang kalayagayan ng pag-iral  (state of existence);   hindi mental, hindi astral at hindi materyal  sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay kung saan ang buhay ay pansamantalang nakatingal o nakahimpil.

2011-02-026

<div id="google_translate_element"></div><script type="text/javascript">
function googleTranslateElementInit() {
  new google.translate.TranslateElement({pageLanguage: 'en', includedLanguages: 'en,es,pt,tl', layout: google.translate.TranslateElement.InlineLayout.SIMPLE}, 'google_translate_element');
}
</script><script type="text/javascript" src="//translate.google.com/translate_a/element.js?cb=googleTranslateElementInit"></script>
       

Friday, February 25, 2011

Law of Cause and Effect

Ano ang sinasabing Law of Cause and Effect?

Ang Batas ng Kadahilanan o Pinagmulan (Cause) at Kahihinatnan o Konsekwensiya (Effect) na napapailalim sa Batas ng Kalikasan (Law of Nature), ang nagsasabi na ang enerhiya na ating inilabas sa uniberso ay siya rin enerhiya na babalik sa atin. Ito ay binuo bilang isang mekanismo upang maiwasan ang di tamang paggamit ngmalayang kalooban (free will). Ang batas na ito ang siya ring nagsasabi na ang uniberso ay isang salamin na siyang magbabalik sa tao kung ano ang kanyang ginawa.

Ang “Law of cause and effectay ang paaralan ng “matinding pagkatok”. May pangyayari na ang isang mamatay tao ay walang nakababatid na siya ay nakapatay at siya ay hindi napailalim sa kaparusahan ng batas ng tao. Ang taong yaon ay namatay dahil sa katandaan na walang dinanas na mga konsekwensya. 

Kung ang taong yaon ay may isang kabuhayan lamang, matatakasan niya ang kanyang pagkakasala. At kung ganoon ang mangyayari, binibigyan lamang ng Diyos ng pagkakataon na ang mga tao ay mandaya at magsinungaling, hanggang ang mga paggalaw na yaon ay di nalalaman ng ibang tao. At dito nawawala ang hustisya. At kadalasan, ito ang dahilan ng pagdanas ng mga konsekwensya ay sa buhay sa hinaharap.

Ang ating uniberso ay napapailalim sa isang batas ng kalikasan na tinawag na Batas ng cause and effect. Ang ibig sabihin, ang mamuhay sa unibersong ito, lahat ng paggalaw na siyang kadahilanan o pinagmulan ay may isang uri ng kahihinatnan o konsekwensya. Ito ay isang batas unibersal. 

Nasusulat sa Banal na Aklat, “kung ano iyong ipinunla, ay siya mo ring aanihin”. Ang mga positibo o negatibong paggalaw ay nagkakaroon ng mga konsekwensya at mga yaon ay makakaapekto sa tao.

2011-02-025

Thursday, February 24, 2011

7 Last Words

Paano nga ba nagsimula at nagkaroon ng kaugalian o debosyon tungkol sa pitong huling wika ng ating Panginoon?

Tuwing sasapit ang araw ng Biernes Santo, ang mga mananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig ay ginugunita ang araw na ito sa pamamagitan ng pagtungo sa kani-kanilang simbahan upang makinig ng sermon nag nau-ukol sa huling Pitong Wika ng dakilang Guro bago siya nalagutan ng hininga sa pagkakapako sa krus.

Ito ay ang kaugalian ng ating mga ninuno na ating minana, nagpasalin-salin sa maraming henerasyon at hanggang ngayon ay ating sinusunod:

Sa Lima, Peru nagsimula ang kaugaliang ito. Si Alonso Maria isang pari ng “Society of Jesus” isang samahang ng mga Pareng Katoliko ay naatasang magsermon isang araw ng Biernes Santo. Marami na siyang karanasan sa ganitong gawain at taon-taon halos mamutok sa tao ang bahay-dalanginan upang makarinig ng sermon.

Sa haba ng kanyang pagtatalumpati, kapansin-pansin na marami sa mga nagsisimba ang kinakikitaan ng pagka-inip at pagkabagot. Siya ay umisip ng ibang paksa – sa halip na sermon tungkol sa hirap na tiniis ni Hesukristo sa pagpasan ng krus patungo sa Kalbaryo, binigyan ng pagkakataon banghayin ang mga huling pangungusap ng Maestro Hesus bago siya nalagutan ng hininga.

Dito nagsimula ang Pitong Wika na tumugma sa mga panlasa ng mga nakikinig sa kanya. Ang pangyayaring ito ay naka-abot sa iba’t ibang panig ng Timog Amerika, at ng mga sumunod na taon siya ay naanyayahan sa ibang malalaking lungsod na tulad ng Chile at Panama hanggang ito ay umabot sa Mexico, Cadiz at Sevilla sa Espanya. Mula sa Espanya ay dinala naman sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

Ang Pitong Wika ay hinalaw mula sa apat na aklat ng mga Ebanghelistang sina Mateo, Markos. Lucas at Juan. Ang pagkakasunod-sunod ng una hanggang ika-limang wika ay walang batayan at ang ika-anim at pitong wika ang maipapalagay na siyang mga pinakahuling binigkas ng Panginoon.

2011-02-024

Wednesday, February 23, 2011

Distance Healing

Ano ang tinatawag na absent healing?

(Halaw sa  Paabot Diwa, Dec 1968)

Ang panggagamot sa pamamagitan ng pag-iisip ay tinatawag na “absent healing“o “distance healing“.  Sinasabing ito ang pinakamainam na paraan ng panggagamot, lalo pa at kung lahat nga lamang ng pangangailangan ay matutugunan.

Sinasabing ang sinumang humiling sa lihim ay hindi pahihindian kailanman, lalo pa kung ang paghingi ay para sa kapakanan ng kapwa, ‘ukol sa mga nilikhang tinutulungan, kahit na lingid sa kanilang kaalaman.’

Ang gawain ay tumatagal ng 30 minuto kung kailan ang mga kabilang na kasangkapan ay nagkokonsentrasyon, nananalangin at pagkatapos ay binabasa ang talaan ng mga kapatid na tinutulungan. 

Sa bawa’t banggitin ng pangalan ng isang kapatid, pinagtutuunan ng pag-iisip ng bawa’t isa ang kanyang kaanyuan, at gayon din ang karamdaman ng kapatid na tinutulungan.

Ang gawaing ito ay maikli at payak kung ating titingnan, subalit napakalaki ang nagagawa, hindi lamang sa mga may karamdamang tinutulungan, kungdi maging sa mga kasangkapang nagsisikap tumulong. Ang paglunas sa karamdaman ng isang kapatid ay paglunas din sa kanyang sariling kahinaan.

Maging tayo man ay kasangkapan o hindi, marahil ay mayroon din tayong maibabahagi. Kinakailangan lamang ang pananahimik, ang pakiki-ugnay at higit sa lahat ay ang taos-pusong nasaing makatulong at maibsan ang ano mang karaingang dinadalas ng ating kapwa. Ang tumulong ay hindi madali, humingi ng pagsisikap at tiyaga, subali’t nagagawa.

2011-02-023 


        



Tuesday, February 22, 2011

Reiincarnation in the Bible

Anong dokumento na inilabas ng simbahang Romano-Katoliko na siyang nag-alis ng ideya ng reinkarnasyon sa Biblia?

Sa panahon mula sa ika-3 hanggang sa ika-5 siglo, maraming mga dokumento na inilabas ng simbahang Romano-Katoliko na siyang nag-alis ng ideya ng reinkarnasyon bilang maling paniniwala (heresy), isang krimen laban sa simbahang Kristiyano.

Ang katotohan na ang simbahang ito ay masugid na inialis ang ideya ng reinkarnasyon ay nagpapakita na ang konsepto ng reinkarnasyon ay bahagi ng sinaunang Kristianismo.

Ang panloob na dahilan kung bakit di matanggap ang reinkarnasayon ay ang isipang panglaman at ang pagtanggi nito sa pananagutan sa mga aksyon, at ang tao ay patuloy na naghahanap ng kaparaanan upang ipangtanggol ang kanyang mga aksyon o naging paggalaw.

Kaya nga kung ang kaisipang pangtao ay naghahanap na ipagtanggol ang isang partikular na aksyon, humahanap ito ng paraan upang itanggi o ipaliwanag labas sa Batas ng cause and effect. Kung ang isang indibiduwal ay tinatanggap ang ideya na ang bawa’t aksyon ay may konsekwensya, nababatid niya na hindi siya makakaiwas sa mga konsekwensya ng paggalaw.

Maraming tao ang nakakaranas na sila ay nakagawa ng di tamang galaw at umiwas sa pagdurusa ng mga konskwensya. Halimbawa na ang isang tao ay nagawa ng mali, at ito ay walang nakapuna o walang makapagpapatunay sa kanyang naging pagkakamali, animo, siya ay ‘nakaligtas sa konsekwensya.’ At kung maiiwasan ng tao na ang hindi mapuna ang kanyang naging galaw, maaari rin niyang iwasan ang konsekwensya ng kanyang paggalaw. Marami ang naging ganito ang takbo ng pag-iisip.

Ano ang maaaring reaksyon ng isang kaluluwa sa ideya ng reinkarnasyon?

Ang diwa ng ideya ng reinkarnasyon ay yaong hindi makakatakas ang tao sa konsekwensya ng kanyang iginalaw. Maaari na ito ay itago sa mata ng mga tao, kung kaya walang konsekwensya sa kanyang paggalaw sa panahong ito. Subali’t walang maililingid sa Diyos, at dadanasin pa rin ang mga konsekwensya ng mga pagkakamali. Kung hindi man ito maganap sa kasalukuyang kabuhayan, ito ay madadama sa buhay sa hinaharap.

Kaya nga, kung ang isang nilikha ay mayroon ng ideya na maaaring makatakas sa pagbabayad ng kamalian, ay hindi tatanggapin ang ideya ng reinkarnasyon. Ang pagbabayad-utang ng isang indibiduwal ay isang bagay na kinatatakutan ng ilan. Marami ang mga nilikha na naroroon sa isang sikolohikal ng mekanismo na siyang nagtutulak sa kanila na ito ay hindi tanggapin o kaya ay iwasan.

Balikan natin ang bagay na ito ay nasasaad sa kasaysayan, na ang isa sa mga tao na may kinalaman sa pag-aalis ng ideya ng reinkarnasayon ay ang maybahay ng emperador na Romano na si Justinian (527-65). Siya ay si Emperatris Theodora.

Hindi niya tinanggap ang ideya na maaari niyang pagbayaran ang kanyang mga nagawang imoralidad, sa kanyang buhay sa hinarap. Ginamit niya ang kanyang impluwensya upang simulan ang isang proseso na sa kalaunan ang siyang dahilan kung bakit inalis ng simbahang Romano-Katoliko ang lahat ng bakas ng reinkarnasyon mula sa Kristianismo.

Siya ay isang halimbawa kung paano ang isang makapangyarihan ay tumugon sa ideya ng reinkarnasyon. Dalawa ang mukhang ipinakita ng ideya ng reinkarnasyon, ang pagbabayad ng kautangan sa isang buhay sa hinaharap at ang isa pang mukha ay hindi lamang sa iisang kabuhayan upang makapagbayad ng kautangan.

Ayon sa nasasaad sa aklat ni Sherry Binkelman, Masters in the Making: A Spiritual Guidebook, nauna sa pagpupulong ng ik-5 Konseho Ekumenikal noong AD553, ang Biblia ay naglalaman ng mga maraming sanggunian (references) sa reinkarnasyon.

Si Emperatris Theodora, sa panahong yaon, inutusan ang 500 na mga kakilala upang itago ang isang nakakahiyang katotohanang siya ay isang kilalang ‘kalapating mababa ang lipad’.

Pinilit niya ang Emperador Justinian na hilingin sa simbahan na ipagbawal nito doktrinang muling pagkakatawang-tao, na noong kapanahunang yaon ay kinilala sa buong mundo, isang pagsisikap upang maiwasang harapin ang karma para sa kanyang mga nakaraang pagkilos at gawain.

Kaya nga, makalipas ang limang taon, matagumpay na napilit ni Emperador Justianian ng Konseho upang alisin ang lahat ng sangunian ng reinkarasyon sa Banal na Aklat.

Ang doktrina ng reinkarnasyon ay pinalitan ng isang doktrina ng paniniwala na ang kaluluwa ay hindi na muling makababalik sa isang pagsasakatawang-laman, kapag namatay ang katawang laman.

Ano ang sinasabing paunang pagiral (pre-existence)?

Naririto ang isang maliwanag na pahayag ng pre-existence. Bagaman at may mga proklamasyon si Emperador Justinian at kanyang kontra reaksyon kay Origen, may matatag at tahasang patotoo para sa pre-existence sa parehong Luma at Bagong Tipan. Sa katunayan, ang pagbabawal laban sa mga naisulat ni Origen tungkol sa reinkarnasyon, ang kontemporaryong Kristiyanong Teolohiya na kumilala sa pre-existence bilang isa sa mga elemento ng teolohiyang Judeo-Kristiyano.

Ang Batas ng kalikasan (Law of cause and effect) ang nagsasabi na ang enerhiya na ating inilabas sa uniberso ay siya rin enerhiya na babalik sa atin. Ito ay binuo bilang isang mekanismo upang maiwasan ang di tamang paggamit ng malayang kalooban (free will). Ang batas na ito ang siya ring nagsasabi na ang uniberso ay isang salamin na siyang magbabalik sa tao kung ano ang kanyang ginawa.

Ang “law of cause and effect” ay ang paaralan ng ‘matinding pagkatok’. May pangyayari na ang isang mamatay tao ay walang nakababatid na siya ay nakapatay at siya ay hindi napailalim sa kaparusahan ng batas ng tao. Ang taong yaon ay namatay dahil sa katandaan na walang dinanas na mga konsekwensya.

Kung ang taong yaon ay may isang kabuhayan lamang, matatakasan niya ang kanyang pagkakasala. At kung ganoon ang mangyayari, binibigyan lamang ng Diyos ng pagkakataon na ang mga tao ay mandaya at magsinungaling, hanggang ang mga paggalaw na yaon ay di nalalaman ng ibang tao. At dito nawawala ang hustisya. At kadalasan, ito ang dahilan ng pagdanas ng mga konsekwensya ay sa buhay sa hinaharap.

Ano ang naging bahagi ng reinkarnasyon sa katuruang Espiritismo?

At dahil sa mekanismo ng materyal na uniberso, matagal ang panahon bago ang enerhiya na inilabas ng tao ay bumalik sa kanya. Ang pagka-antala ng pagbalik ng ganting galaw ay nagbubukas ng posibilidad na ang Diyos, sa kanyang awa at habag, ay iligtas ang tao sa pagdurusa bilang konskwensya ng kanyang mga paggalaw. Ito ay sa pangyayari na natutuhan na ang aralin bago bumalik ang pagbabayad-utang. Ang adhikain ng Diyos ay makita na natutunan ng tao ang aralin ng buhay.

Noong tinalikuran ng tao ang mga gurong espirituwal at nanaog sa daigdig, hindi sila pinabayaan ng Diyos. Nawala man ang mga guro ay nagbigay naman ng mga katuruang pang-espirituwal na siyang nagpapaliwanag sa mga kondisyon na haharapin ng tao sa daigdig. Kung pinili ng tao na ito na hindi bigyan ng pansin ang mga katuruang ito, walang nalalabing alternatibo kung hindi ang bayaan na ang batas ang siyang maging guro.

May mga pagkakataon, na may mga kaluluwa ay nahihirapan na matutuhan ang aralin ng buhay. Kaya sila ay paulit-ulit na nagsasakatawang-laman hanggang matuto at makapagpatuloy sa isang higit na mabuting kalagayan. Kung ang kaluluwang yaon ay nagnanais na humingi ng subaybay sa isang katuruang espirituwal o sa isang gurong espirituwal, madali nitong matutuhan na ang pagiging sakim ay hindi tutungo sa kaunlaran.

Dahil sa pag-ibig ng isang Amang Makapangyarihan, ang mga nasalilong sa paturuang Espiritismo ay nabigyan ng isang magandang pagkakataon, mula sa kaitaasan, na makapitas ng mga aralin sa pamamagitan ng kabatlayaan na nagbigay ng mga mensahe upang maisulat ang koda ng Espiritismo.

Ano ang papel na ginampanan ni Allan Kardec tungkol sa reinkarnason?

Ang ating uniberso ay napapailalim sa isang batas ng kalikasan na tinawag na Law of cause and effect. Ang ibig sabihin, ang mamuhay sa unibersong ito, lahat ng paggalaw ay may isang uri ng kahihinatnan o konsekwensya. Ito ay isang batas unibersal. Nasusulat sa Banal na Aklat, “kung ano iyong ipinunla, ay siya mo ring aanihin”. Ang mga paggalaw ay nagkakaroon ng mga konsekwensya at mga yaon ay makakaapekto sa tao.

Bagaman at may mga nilikha na may kinalaman sa pag-aalis ng Doktrina ng Reinkarnasyon sa Banal na Aklat, ang kabatlayaan na rin ang muling nagbalik ng Doktrina ng Reinkarnasyon na matatagpuan sa “Book of Spirits” ni Allan Kardec.

2011-02-022

Monday, February 21, 2011

Spiritual Evolution

Kailan nagkakaroon ng pagsulong ang isang kaluluwa mula sa kababaan?


Nagkakaroon ng tinatawag na pagsulong ang isang kaluluwa kapag pagsisisi ang isang nilalang.  Hindi pa nagkakaroon ng pagsulong kung hindi makahingi ng tawad sa pinagkautangan o pinagkasalahan dala ng kataasan (pride).

At kung hindi siya nagkaroon ng pagkakataong humingi ng tawad sa kapwa ay inihihingi ng tawad ang sarili sa isang Amang makapangyarihan.  At dahil sa pananampalataya niyang ang Ama ay makatarungan at punong-puno ng pag-ibig, ang kapatawaran ang kanyang makakamit, at dito naiisip niyang kung ang Diyos ay nagpapatawad, ako pa na tao ay hindi makapagpatawad.

Sa pangyayaring ito, nakakalimutan ng tao ang kasalanan ng kapwa tao at ang sariling kasalanan ang kanyang nakikita.  At nang dahil dito, siya ay kikilos at gagalaw at gagawa nang naayon sa naabot ng kanyang kaunawaan.

Sa positibo, siya ay hihingi ng tawad at tatanggapin nang maluwag sa kalooban ang sakit na kanyang tinatanggap.  Masakit man tanggapin nguni’t nababawasan dahil sa pag-amin sa sarili ng mga pagkukulang at kalikuan, ang isang nilalang ay nagiging mabuti sapagka’t tinitiis nang walang pagtutol ang mga pagbabayad ng kautangan at sa bahaging ito, masasabing nagkaroon na ng pagsulong ang isang kaluluwa mula sa kababaan.

2011-02-021

Sunday, February 20, 2011

Elevation of Consciousness

Paano nagaganap ang isang pagkabukas ng kamalayan nang dahil sa isang mapait na karanasan?


Ang tao kapag sinapit ang isang matinding dagok o pagsubok o pag-aaral sa kanyang sarili ang unang-una niyang mararamdaman ay ang paghihimagsik ng kalooban.  Paghihinanakit, dahil umano ay hindi naging “patas ang laban”.   Para sa kanya sapagka’t siya ay naapi.

Ito ang mensahe (Estudio 04/03/96)

Naroroon ang pagkapoot dahil may nagpabaya, at kung hindi bukas ang kaunawaan ng isang nilalang, ang pagkimkim ng galit at sama ng loob doon sa kanya ay nakagawa ng di mabuti o nakasakit ng kanyang damdamin.

Ito ay normal na maaaring igalaw ng bawa’t isa sapagka’t  may laman na nasasaktan. Subali’t kapag nakapag-isip na ang tao, hindi maaari na hindi mamaibabaw ang kaisipan na itinataas ang kaisipan (elevation of the degree of awareness) at idinadako ang kaisipang iyan, inaangat upang makilala ang kanyang sarili, at magsisimulang magtanong, ano ang kanyang naging pagkaka-utang  sa kanyang kapwa, ano ang naging pagkukulang at pagkakasala sa kanyang kapwa na kanyang nagawa.

Sa una ay makikita niya ang sakit na kanyang tinanggap at sa dakong huli kung siya ay naniniwala sa Batas ng Karma ay magdadalawang-isip siya,  teka nga, baka ako ang dahilan ng kanyang ipinagkagayon. Ako baga, ang nag-alis ng kanyang kapayapaan?  Ako baga ang nagdulot ng kanyang kaligaligan?

Hinintay ko  na maunawaan niya ako subali’t siya ay hindi ko rin naman inu-unawa.  Marami akong hinahanap na gawin niya para sa akin. Ako ba ay may nagawa na para sa kanya?

Magkaminsan, sa pagtuturo ng mga bagay na ito nandoon ang paghatol na wala namang batayan at dito muli domodoon ang pagkululang, ang paghatol.
Sa sandaling dumating ang mga ito sa kaunawaan ng isang tao, bigla ay magkakaroon ng pagbabago, huhupa ang init at simbuyo ng damdamin, kikilalanin ng kanyang sarili ang kanyang kapwa ay kanyang salamin.  Ipinakita lamang kung ano ang dating kanyang ginawa na ngayon ay sa kanya na ginagawa ng kanyang kapwa.

2011-02-020

Saturday, February 19, 2011

Salvation

Ano ang iyong magiging kalagayan   kung ikaw ay kay Hesukristo lamang aasa at hindi  gagawa ng pansariling ikabubuti?

Kapag iaasa ng isang sarili ang kaligtasan kay Hesus at hindi ka gagawa ng kanyang ikabubuti, iyan ay pananampalataya na walang gawa, baog at walang kabuluhan.  Ayon sa sitas ng Banal na Aklat

I Corinto 15: 19-20
 19 Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisi-asa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ay lalong kahabag-habag
20 Datapwa’t si Kristo nga’y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog.

Ito ang mensahe (Estudio 04/031996)

At sapagka’t ang pagkakautang na nagawa ay pagbabayaran hanggang sa kahulihulihang beles ng pagkakautang, nangangahulugan  lamang na ang pagkakasala ni Pedro ay hindi si Juan ang magbabayad kung hindi si Pedro rin.

At hindi rin naman maaaring sabihin na dahil nagkasala si Pedro, si Hesus ang tutubos sa pagkakasala ni Pedro.  Maaari pang sabihin na ang Panginoon man ay nagbayad din ng Kanyang kautangan noong panahon na siya ay dumadaan sa palihan at dahil dito, Siya ay nagpasan ng Kanyang krus na sagisag ng tiisin, sapagka’t di lingid sa lahat Siya rin ay Anak ng Tao.

Idugtong pa,  na nang dahil sa muli at muling pagkabuhay ay nakatagpos at nalagpasan ang tiisin sa kapatatagan kung kaya sa dakong huli ay napagtagumpayn Niya ang laman at Siya ay nakapagbayad na ng kahuli-hulihang beles ng kanyang pagkakautang at sa huling yugto ay naihayag Niya ang pagpapatotoo na nakita ng sangkatauhan.

Kaya ganyan din si Pedro sa kanyang kalagayan na sa kanyang pagkakautang, siya ay tatanggap ng katarungan mula sa Ama at siya ay pahihintulutan na makapagbayad hanggang sa kahuli-hulihang beles ng kanyang pagkakautang.

Kaya nga, mapalad ang mga tao sa kapanahunang ito sapagka’t nakakita sila ng halimbawa na maging daan upang pamarisan at sila naman ang tumubos ng kanilang kautangan.  At dahil sa may buhay na halimbawa, higit pa sa Kanyang ginawa ang magagawa ng tao.

2011-02-019

Friday, February 18, 2011

Soul and Its Components

Paano mapagbibigkis ang kaangkinan ng isang kaluluwa sampu ng sangkapin?

Ang kaangkinan ng isang sarili, sa diwa ng pag-aaral ay ang bahagi ng karunungan, ng kaalaman, kakayahan, talento na madala ng isang kaluluwa mula sa reinkarnasyon. Ang mga kaangkinang ito ay ang pag-iisip, damdamin at kalooban. Ito ay bahagi ng liwanag ng lakas ng kaalaman na nagbibigay ng buhay sa isang laman upang makagawa ng naayon sa tunay na katuwirang may katumpakan ayon sa Batas at Kautusan ng Diyos.

Ito ang mensahe (Estudio –Silahis ng Pag-ibig 05/01/1996)

Maaaring mapagbigkis ang kaangkinan ng isang kaluluwa sampu ng kanyang sangkapin ay sa pamamagitan ng konsentrasyon.


Sa pamamagitan ng konsentrasyon, katulad ng pagpapalipad ng saranggola, patataasin, aalalayan sa hihip ng hangin, magpapaimbulog, wari ay tumataas, waring naka-angat ang mga paa. Subali’t kapag nawala sa konsentrasyon, sa pamamagitan ng takot ng damdamin, ng kagat ng lamok ito ay nawawala at napapatid. Ang kinakailangan, ano man ang marinig, ano man ang madama, dapat dala-dala ang kapayapaan.

2011-02-018

Wednesday, February 16, 2011

The Spirit (Ang Espiritu)


Mayroon ba ng tinatawag na Espiritu?

Ang mga alinlangan tungkol sa pagkakaroon ng Espiritu ay nagmula sa kamangmangan tungkol sa mga tunay kalikasan ng mga ito. Ang mga tao ay karaniwang inisip na ang mga Espiritu ay isang bagay na hiwalay sa lahat ng mga nilikha.

Anuman ang mga ideya na mayroon tayo tungkol sa mga Espiritu, ang paniniwala sa pagkakaroon nito ay batay sa pagkakaroon ng isang intelihenteng prinsipyo na naiiba sa materya; at ang kapaniniwalaan na walang espiritu ay hindi kaayon at isang lubos na pagkakaila sa prinsipyong ito.

Aming inaakala, bilang batayan ng aming paniniwala, ang pagkakaroon ng buhay, at sariling katangian ng kaluluwa, na kung saan ang Espiritualismo ay ang teoretiko at dogmatikong kahayagan, at Espiritismo ang mga praktikal na patunay.

Saan maihahanlintulad ang tinatawag na Espiritu?

Sa pagsunog ng papel, puti ang kulay ng usok, at sa pagsunog ng plastik, itim ang usok ng lumalabas. Ang usok na ito ay magaan kung kaya ang kanyang paggalaw pataas ay patungo sa himpapawid. Maputi man o maitim na usok pareho silang aakyat paitaas subali’t kapag bumigat ang maitim na usok ito ay muling bababa sa lupa sa pamamagitan ng ulan.


Ang usok (vapor, gas) ay magsasama sama at ito ay namamasdan ng ating mga paningin bilang mga ulap. Ang ulap ay may iba’t ibang uri na siyang nagbibigay ng panahong darating sa hinaharap.

Ang isang uri ng ulap na mga tila bulak at puting puti na tinatawag na stratus at ang isa naman ay ang cumulus-nimbus na kapag ito ay dumadaan, mapapansin na ito ay may kalakihan at may pagdidilim ng kapaligiran at susunod ang pag-ulan. At ito ang siyang nagiging gabay natin na ang panahon ng tag-ulan ay malapit nang dumating.

Ito ang mensahe (Abotsabi – 05/19/1996)

An Espiritu ay maaaring maihalintulad sa ulap; sa mga likido na tinuyo ng matinding init upang maging ulap.

Ang Espiritu ay katulad ng ulap; may kaputian, at may kadiliman, may kataasan, may kababaan. At dahil ang ulap na may kadiliman ay nasa higit na mababang kalagayan kaysa sa mga ulap na may kaputian. Ang ulap na may kadiliman ay higit na mabigat kaysa sa puting ulap. 

Ang ibig lamang ipakahulugan, bumigat dahil sa maraming bagay-bagay na dala ng ulap na ito. At ang bigat na ito ay darating ang panahon na di niya makakaya at ito ay ibubuhos niya pabalik sa lupa.

Ganyan din ang Espiritu o kaluluwa at sa may pangitain ang kulay ay kanyang makikita. Ang Espiritu na nasa mataas na antas at kabusilakan ay isang kaliwanagan, ang Espiritu na nasa kababaaan ay nasa kagulumihanan.

Kung darating ang sandali na ang tao ay mag-iwan ng katawang-laman kapag nasa kabusilakan ay hindi na muling magbabalik sa lupa sapagka’t siya ay dodoon sa kanyang tunay na bayan, ang bayan ng mga Espiritu. At kung nasa kadiliman, ang Espiritu ay tulad ng ulap na muling bababa sa lupa at magkakaroon ng muli at muling buhay upang ang ulap na iyan ay magkaroon ng kawagasan at kalinisan.

2011-02-016

Tuesday, February 15, 2011

Salvation (Ang Kaligtasan)


Paano dinala at inakay ng Panginoon ang sangkatauhan sa kaligtasan?

Nang dahil sa pag-ibig nagsisikap na madala at maakay ng Panginoon ang sangkatauhan sa lundo na kung saan matatamo ang kaligtasan. Tunghayan natin ang kanyang winika, “Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin, ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko Ama, ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoon” (Juan 17: 24)

Ito ang mensahe (Abotsabi 10/171993 )

Dalawang bahagi ng aralin, kapwa may timbang, kapwa may bigat, kapwa may diwa na nagbibigay sa bawa’t isa. Iyan na kinakailangan na maging sangkapin ng laman at ano mang lahat na kinakailangang kapighatiang pangungusap ng Panginoon na kanyang kahingian sa dakilang Diyos Ama.

Bilang mag-aaral ng katuruang Espiritismo, nagawa na kaya nating unawain kung nasaan ang Panginoon? Nagawa na natin kayang unawain ng buong tapat ang galaw, kung anong uri ng gawa, anong uri ng kahayagan ang kinadoroonan?

Ibig ko sila man ay dumoon”. Doon tayo dinadala, doon tayo nilulundo, doon tayo iniibig na makarating ng ating tungkulin. Kung iyan ang atang ng tungkuling dala-dala, samakatwid, ang tungkuling ito ang siyang mangungusap, ibig ko dumoon sa kanyang katuparan, dumoon sa kanyang tagumpay, dumoon sa isang kalagayan kung saan ihahantad ang kahalagahan at kadakilaan ng tungkulin at tuparin ng isang kaluluwa.

Ano ngayon ang tungkulin ng tao? 

Ang mabuhay upang kumain? Ang kumain para mabuhay? Dalawang bahagi na kinakailangang inyong kilalanin sapagka’t kapwa dinadala na ng lahat at bawa’t isa.

Dalawang kalagayan na siya at kapwa inihahantad at isinasagawa ng bawa’t isa. Kung lahat ng layunin ng tao, ay mabuhay upang kumain lamang, sa palagay ninyo, ano ang kanyang igagalaw?
Sa inyong pagkukuro, ano ang kanyang isasagawa? Kung ang bahaging ito ang siya lamang magiging panuntunan ng kanyang sarili, ang mabuhay upang kumain.

Isang halimbawa ang pagtanggap ng tungkulin upang makilala lamang pumasok sa isang katuruan upang mayroon lamang ng samahan na maipakikilala na kanyang kina-aaniban. Na dahil lamang sa isang samahan, nang dahil sa akay ng kanyang kaibigan, sa pagtataboy ng kanyang magulang, sa paghahangad na magkaroon ng kalutasan sa kanyang suliranin; ano ang hinahanap ng tao?  Ang kapakinabangan ng kanyang sarili.

Ang kaligayahan ng kanyang pagkatao, kung ito kayo ngayon sa simula hindi pa ba kayo ngayon ay nasa pagpapatuloy at kung kayo ngayon ang nasa pagpapatuloy samakatwid kinakailangang tumaas ang layunin ng inyong sarili na kayo ngayon ay naririto hindi nang dahil sa pagtataboy ng inyong magulang,  hindi nang dahil sa kayo ay inakay lamang ng iyong kaibigan,  hindi nang dahil sa ginagawa ninyo lamang kanlungan ng inyong kalungkutan kungdi, naririto kayo upang bigyan ng pagkakaganap ang inyong kaisipan.Magtamo ng kapayapaan ang inyong damdamin at tumanggap ng katiwasayan ng inyong kalooban. 

Sa pamamagitan ng pagkakaloob at pagtanggap ng bahaging ito, gagalaw ang isang mag-aaral ayon sa hinihingi ng kanyang kaluluwang balot pa sa pagkakasala.

Samakatwid, ang layunin ninyo ngayon ay hindi para sa inyong pagkatao, kungdi hinihingi ninyo ng kaligtasan sa kahirapan, kung hindi alang-alang sa kalagayan ng isang kaluluwa na mayroon nang tuparin kaya tinangggap ang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng laman, siyang gagalaw, at siyang gagawa sa ibabaw ng lupa.

Dahil dito, naririto kayo ngayon upang magtamo ng mga kaalamang magagamit ninyo sa inyong pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa sapagka’t paglabas ninyo sa lundong ito, kayo ang larawan ng tunay na anak ng Diyos. Kayo ang tunay na larawan ng kaliwanagang aakay sa naroroon sa kadiliman. Kayo ngayon ang tunay na larawan ng lakas at pananampalataya, maging sandigan ng mga mahihirap.

Ang kaliwanagan kung ito ay tamagos sa kaibuturan ng inyong mga puso, hindi maaaring hindi damhin ng isang nag-aaral upang maging siyang batingaw upang sa sandali ng kanyang paglabas hindi maaaring sa kanyang pagkaligaw ay mayroon ng tutunog at magpapa-alala na ikaw ay isang mag-aaral sa katotohanan; ikaw na isang mag-aaral sa katuruan ng Espiritismo na nakapaloob doon sa tatlong pinakamahalaga na siyang panuntunan ng gawa ng tao at siyang kadluan ng kalagayan ng tao.

2011-02-015

Monday, February 14, 2011

Fasting and Abstinence (Pag-aayuno)

Ano ang Pangunahing Layunin at Paraan ng Pag-Aayuno?

(Halaw mula sa Woman Today – March 16, 1994 -Isidro Gregorio)

Ang pag-aayuno ay ang pag-iwas sa mga pagkain ng lahat o ng ilang pagkain o kaya naman ay ang pag-inom na isinasagawa magmula pa noon mga unang panahon bilang isang disiplinang pang relihiyon. Ito ay isinasagawa ng mga tao sa Ehipto, Gresya, Roma at Assyrya at mga Muslim na natatagpuan sa maraming bahagi ng mundo.

Karamihan sa mga kauna-unahang mga relihiyon ay nagtatalaga na mga araw kung kailang ang mga tao ay hindi kakain o iinom bilang sakripisyo sa mga diyos. Ang Budismo, Taoismo, Kompyusyanismo, Mohammedanismo ay may kani-kaniyang mga araw ng pag-aayuno.

Ang mga Muslim na naniniwala kay Allah ay nag-aayuno ng 40 na araw sa buwan ng Ramadan magmula pagsikat hanggang paglubog na araw na isinasagawa bilang mga araw ng pasisisi at pagkukumpuni sa sarili sa mga nagawang kamalian.

May mga eksperto na nagkaroon ng mga pag-aaral ng tungkol sa sangkatauhan ang nagsabi na ang simbolikong pagkain ng tinapay na walang lebadura ni Hesus ng Nazareth noong tinatawag na Passover ay may malapit na kaugnayan sa mga kauna-unahang pag-aayuno.

Ang mga bahagi ng mga sinaunang ritos na ito ay nakita sa mga pag-aayuno na isinasagawa ng maraming Kristiyano sa ngayon sa panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga naunang Kristiyano isinasagawa ang 40 na araw ng pag-aayuno sa panahon ng kuwaresma. 

Ang pag-aayuno ay nagsimula bilang rituwal na nagbabawas o hindi muna nagsasagawa ng mga pisikal na mga gawain na tumutungo sa isang kalagayang mapayapa, katulad ng kamatayan o ang kalagayan bago isilang.

Noong may dalawang siglo ng kanyang pagkakatatag, ang simbahang Kristiyano ang nagpatupad ng pag-aayuno bilang isang sinasadyang paghahanda upang tanggapin ang sakramento ng komunyon at binyag at sa magtadhana o atas sa mga nag-aaral na maging pari upang maging tunay na mga pari.

Sa mga sumunod na panahon, ang pag-aayuno ay ginawang isang obligasyon. Noong ika-6 na siglo, ang pag-aayuno ng orihinal na 40 oras ay ginawang 40 araw, ang panahon na si Hesukristo ay nasa isang lugar na pinapayagan lamang na kumain ng isang panahon ng pagkain sa bawa’t araw. Ang pag-aayunong ito ay isinagawa ni Hesukristo bilang penitensya at paglilinis at pagdalisay ng kanyang sarili.

Isinasagawa ng mga Hudyo sa pag-aayuno na idinadaos taon-taon ang Yom Kippur na tinawag rin na Araw ng Pagsisisi (Day of Atonement) kung saan ang ang pagkain at inumin ay hindi pinapayagan. Ito ay isang araw ng pangungumpisal, pagsisisi at walang patid na pananalangin sa pagpapatawad ng mga kasalanan sa taong iyon bilang paglabag sa mga batas at tipan (covenant). Pinaniniwalaan ng mga Hudyo na sa isang araw na ito ang tadhana (fate) ng isang tao sa susunod na tao ay selyado.

May ilang nagsasagawa nito bilang isang makalumang seremonya at rito (rites) ng pagyabong (fertility)na ginanap sa panahon ng vernal at autumnal equinox at ito ay ginanap sa mahabang panahon. Ang pag-aayuno ay isinasagawa upang maging sanggalang sa mga kalamidad. Ang mga Indyano sa Amerika ang naniwala at nagsasagawa nito.

Ang mga tao sa Assyrya at Babilonya isinasagawa ang pag-aayuno bilang pagwawasto sa mga kasalanan na nagawa. Samantalang ang mga tao sa Mehiko at Peru ay nag-aayuno bilang isang uri ng pagpapakasakit o penitensya.
Sa panglaman, ang pag-aayuno sa pagkain ay nakapagpapabawas ng labis na pagmimithi sa pagkain makalipas ng ilang araw, sa seremonya ng pagyabong o kaya ay sanggalang sa mga kalamidad. 

Sa espirituwal, ang pag-aayuno ay araw o mga araw ng meditasyon upang kilalanin ang sarili, ang pagsisisi sa mga nagawang pagkukulang, paglilinis at walang patid na pananalangin.


Ano ng pangunahing layunin at paraan ng pag-aayuno sa paaralan ng diwa?

(Halaw sa PAABOT-DIWA , Enero-Abril 1978)

Ayon sa Kap. Avelina Borja ng Lunduyang La Humilidad, ang pangunahing layunin ng pag-aayuno ay ang pagpapaunlad ng diwa. Ang mga gawaing ginagampanan ng mga kapatid na nag-aayuno ay ang mga sumusunood:
1. Ang pagbasa at pag-aaral ng sampung artikulong iinihanda at sinaliksik para sa mga mag-aayuno.

2. Ang ilang mga simpleng ehersisyo ng Yoga katulad ng pagkokonsentrasyon, meditasyon, ang tamang paghinga (Pranayama) at ang dead body posture (Savasama). Ang mga ehersisyong ito ay kailangan sa pagpapahingalay (relaxation) ng katawan ng mga nagsisipag-ayuno bilang paghahanda sa kanilang panalangin.

3. Ang panalangin tuwing ikatlong oras, na ang simula ay sa ika-anim ng umaga.
Ang pag-aayuno sa Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay ginaganap tuwing Miyerkules Santo, sa buong magdamag ay naglalayon din ng pagpapaunlad ng diwa sa pamamagitan ng Estudio. Ito ay nagsisimula sa ganap ika-9:00 ng gabi hanggang ika-anim ng umaga ng Huwebes Santo, ginaganap din ang pagsasanay ng mga kasangkapan, at konsultasyon ukol sa mga karamdaman at gamutan.


2011-02-014

Sunday, February 13, 2011

Reincarnation (Muli at Muling Pagsasakatawang Laman)





Ano ang reinkarnasyon?

(Mula sa Abotsabi ni  Lucas 2008-08-10 )

Ang reinkarnasyon ay ang muli at muling pagkabuhay o pagsasakatawang laman upang marating ang perpeksyon.

Ano ang maaaring mapulot sa kaganapang ito?

Minsan ang isang bata nakakakilala ng nakaraan subali’t habang siya ay lumalaki, ito ay unti-unting nabubura sa isip. Tunghayan natin ang isang kaganapan:


Si Clara Codd ay isang lektyurer sa Channel Islands. At sa isang pagkakataon nakilala ng harapan ang isang babaeng taga Hilagang Aprika, na naninirahan sa Jersey.

Niyaya ng Aprikana si Clara na matulog sa kanilang bahay. Ang Aprikana ay may anak na batang lalaki na isinilang sa Jersey na habang nilalaro ang kanyang teddy bear ay kinakausap ang laruan sa lenguaheng Aprikano tungkol sa laki ng Zulu, isang lugar sa Aprika. Ang ina ay maraming alam tungkol sa mga Zulu dahil siya ay isinilang at pinalaki sa Hilagang Aprika. Ang tanong, paanong nalaman ito ng isang bata?

Sinabi ni Clara ang isang katotohanan, madalas na sa isang bata na namatay sa gulang na kulang sa pitong taon, na siyang gulang ng walang kamatayang buhay ng kaluluwa, ito ang ay kapamahalaan sa kanyang katawang laman kung kaya at madaliang nagkaroon ng katawang laman. Kadalasan sa dati niyang nanay at tatay bilang nakababatang anak.

Tinanong ni Clara kung ang Aprikana ay may naging anak bago isilang ang batang lalaking ito. Ang sagot ay, oo, noong una siyang nag-asawa na sa Timog ng Aprika kaya lang ito ay namatay.
Ang sabi ni Clara sa Aprikana, “hindi mo ba nakikita, na siya ay muling nagbalik sa iyo at dala pa niya ang alaala at gunita ng isang lenguahe na kanyang sinasalita sa inyong mga katulong na Zulu?

Ayon sa aklat kung saan ang mga ito naisulat, ito ang mga tunay na kaganapan ng nauukol sa reinkarnasyon.

2011-02-013

Saturday, February 12, 2011

The Brain


Alam ba ninyo na ang utak ay isang uri ng “clearing house?”

Ang utak ay isang uri ng “clearing house.” Ito ang tagatanggap ng lahat ng karanasan na sinasala ng utak upang ipamahagi ang mensahe sa lahat ng bahagi ng katawang-laman. At dito ang tao ay nagkakaroon ng paggalaw (reaksyon). Halimbawa, kapag nakakita ng sunog (karanasan) apektado ang damdamin (takot), apektado ang pag-iisip (ano ang dapat gawin).

Kapag buo ang kalooban (will) isasakatuparan ang mithiing mapatay ang sunog upang maalis ang takot. Dito nagkakaisa ang damdamin, isip at kalooban. Kapag ang isang laman at damdamin ang nagkaisa dahil sa matinding takot, naduwag at nasira ang kalooban ng tao ay nagpapanik o natataranta, hindi makakilos, at sa bandang huli ang pagisisisi.

Saan itinatala ang tinatanggap na mga karanasan ng utak?

Ang lahat ng mga karanasang na tinatanggap ng utak ay kanyang itinatala sa kaluluwa o sa pamamagitan ng peri-espiritu. Kapag ito ay nakatala na sa kaluluwa, dito ang lahat ng karanasan ay hindi malilimutan. Sa gunita na naka-ukit sa isang kaluluwa, may mga bahagi nito na pansamantalang malilimutan sa oras ng kamatayan.

Halimbawa, ang isang manunugtog ng piano. Sa dating kabuhayan, ito ang kanyang gawain at hindi na mabilang ang kanyang nalikha at ang kanyang pag-eensayo. Sa muling kabuhayan, sa ibang katawang laman ibinibigay muli ito ng kalikasan sa isang bagong katauhan bilang isang kapangyarihang makatugtog kahit na sa murang gulang pa lamang. At ito ay nagaganap at magaganap sa ilang salin ng muli at muling pagkabuhay.

Ang isa pang aspeto tungkol sa karakter ng isang pagkatao na ang ibig sabihin ay mga resulta ng isang karuwagan or katapangan (tulad ng naunang halimbawa kapag may sunog) sa pagharap sa mga suliranin sa buhay, ang nag-uukit ng malalim na guhit (grove) sa kaisipan kung kaya at nagkakaroon ng ugaling naitatag (established traits) ng kanyang pagkatao.

Kaya nga minsan, may mga tao na may mataas na antas ng pagkatakot (phobia) na maaaring nakuha niya noong nagdaang kabuhayan. Halimbawa, noong unang kabuhayan ay namatay sa pagpapahirap o torture. Ito ay nauukit sa gunita na natatala sa kaluluwa. Sa muling pagkabuhay ang katawang laman na magdadala sa kaluluwang ito ang magdaranas ng pobya na ito.

2011-02-012

Friday, February 11, 2011

Memory (Gunita)

Ano ang tinatawag na gunita (memory)?

Ang gunita ay ang kakayahang maibalik ang ilang larawan o mga kaganapan sa loob ng isang kaisipan. Sa unang tingin, ito ay waring sumasandig sa kalagayan ng utak. Kaya nga, kapag tumatanda na ang tao, mahirap nang maka-alala.

Sabihin nating tayo ay hindi pa matanda, nasa kabataan o katanghalian ng gulang, sa isang pag-upo at pagninilay-nilay magagawa kaya natin na maalala ang lahat ng ating ginagawa ng buong maghapon noong nakaraang linggo?

Marahil ay oo, kung palagi tayong naglilista ng ating nagagawa sa araw-araw. At marahil ay hindi, sapagka’t sa paglipas ng isang araw ay dagdag karanasan na naman ang susunod na isang buong araw na darating; at ilang taon na ba tayong nabubuhay sa lupa?

Sa siyensya ng Sikolohiya, ang lahat ng karanasan ay nagkakaroon ng pagka-ukit, bakas o impresyon sa ating kamalayan (consciousness). Maging ang mga kaganapan na minsan ay hindi napagtuunan ng ating gising na kamalayan (waking consciousness).

Ang mga aspeto ng isang kabuuan:
1. Kamalayan
    a. May kamalayan (conscious)
        1) pag-iisip (thought)
        2) pinahahalagahan (values)

        3) damdamin (emotion)
   b. Walang kamalayan (unconscious)
       1) panaginip (dream)
       2) pangitain (vision)
       3) naglalaman ng lakas na nakalilikha (creativity)

2. Pakikisalamuha
    a. Pagkahilig sa pag-iisa ( introvert, intoversion)
    b. Pagkahilig sa pakikisalamuha sa iba (extrovert, extroversion)

3. Kasarian
   a. Katangian ng isang lalaki. Ang katangiang babae sa isang lalaki ay tinatawag na
      Anima.
   b. Katangian ng isa babae. Ang katangiang lalaki sa isang babae ay tinatawag na 
      Animus.

4. Pagkilos
     a. aktibo
     b. di-aktibo

Paano napapaunlad ng isang kabuuan?

Mapapaunlad ang isang kabuuan kung mayroon na ng pagkilala na tayo ay hindi buo at maraming kakulangan at ang karanasang ito ang magtutulak upang umunlad ang ating kakulangan.

2011-02-011

Thursday, February 10, 2011

Spirit Communication (Pag-ugnay)

Ano ang tinatawag na pag-ugnay o ang umu-ugnay?

Ang pag-ugnay ay ang estado o kalagayan ng pagtanggap at pakiki-isa na maaaring mangyari sa mga nilikhang may buhay maging sa mga hayop man, sa mga kaibigan at kamag-anak, mga kamag-anak na lumisan na, mga espiritung nasa mataas na antas ng kawagasan, mga bahagi ng ating pagkatao o kaya ay mga bahagi ng ating sarili na nasa mataas na antas na ating nakakaligtaan.

Kapag sinadya ang pakikipagniig o pakikipag-ugnay, ating pinalalawak at pinahahaba ang mga sandali na tayo ay nakikibahagi sa isang realidad ng isang likha (tao) at di likha (espiritu). Isinaisangtabi natin ang ating sarili ay maki-isa sa isang kaluluwa o nilikha sa isang pinahabang panahon o sandali.

Lahat tayo ay nakagagawa ng bibrasyon o tunog habang ang molekula sa ating katawan ay gumagalaw sa ating kakaibang huwarang henetiko (genetic pattern). At lahat ng mga nilikhang may buhay ay may kanya-kanyang prikwensya ng bibrasyon (vibrational frequency). Kapag tayo ay nakiki-ugnay at nakiki-isa sa ibang nilikha, ang ating kakaibang bibrasyon ay nagkakapanabay (synchronized) at tayo ay sabayang nagkakaroon ng ugnayan ng bibrasyon.

Ito ang mensahe, (Abotsabi ng Propeta Uriel 10/17/93)

Bago sumapit ang takdang sandali ng inyong pakikipag-ugnay, nawa ay nasa sa inyong puso na ang inyong sariling paghihintay ay malimutan na ninyo ang mumunting pagkakasala ng inyong mga kapatid, napatawad na ninyo ang sa inyo ay nagkasala, nabigyan na ninyo ng magandang pag-asa ang mga nalulungkot at nagdudusa, naging mabuti kayong kahinlog ng inyong mga kabiyak, naging mabubuting anak ng inyong mga magulang, lalong lalo na ang mga kabataan kung mayroon man kakulangan ang inyong layunin, samakatwid, kahit saan dadalhin mo sa iyong sarili sa isang likas at taimtim na pakikipag-ugnay sa kaitaasan.

2011-02-010