Ano ang tinatawag na pag-ugnay o ang umu-ugnay?
Ang pag-ugnay ay ang estado o kalagayan ng pagtanggap at pakiki-isa na maaaring mangyari sa mga
nilikhang may buhay maging sa mga hayop man, sa mga kaibigan at
kamag-anak, mga kamag-anak na lumisan na, mga espiritung nasa mataas na
antas ng kawagasan, mga bahagi ng ating pagkatao o kaya ay mga bahagi ng
ating sarili na nasa mataas na antas na ating nakakaligtaan.
Kapag
sinadya ang pakikipagniig o pakikipag-ugnay, ating pinalalawak at
pinahahaba ang mga sandali na tayo ay nakikibahagi sa isang realidad ng
isang likha (tao) at di likha (espiritu). Isinaisangtabi natin ang ating
sarili ay maki-isa sa isang kaluluwa o nilikha sa isang pinahabang
panahon o sandali.
Lahat
tayo ay nakagagawa ng bibrasyon o tunog habang ang molekula sa ating
katawan ay gumagalaw sa ating kakaibang huwarang henetiko (genetic pattern). At lahat ng mga nilikhang may buhay ay may kanya-kanyang prikwensya ng bibrasyon (vibrational frequency). Kapag tayo ay nakiki-ugnay at nakiki-isa sa ibang nilikha, ang ating kakaibang bibrasyon ay nagkakapanabay (synchronized) at tayo ay sabayang nagkakaroon ng ugnayan ng bibrasyon.
Ito ang mensahe, (Abotsabi ng Propeta Uriel 10/17/93)
Bago
sumapit ang takdang sandali ng inyong pakikipag-ugnay, nawa ay nasa sa
inyong puso na ang inyong sariling paghihintay ay malimutan na
ninyo ang mumunting pagkakasala ng inyong mga kapatid, napatawad na
ninyo ang sa inyo ay nagkasala, nabigyan na ninyo ng magandang pag-asa
ang mga nalulungkot at nagdudusa, naging mabuti kayong kahinlog ng
inyong mga kabiyak, naging mabubuting anak ng inyong mga magulang,
lalong lalo na ang mga kabataan kung mayroon man kakulangan ang inyong
layunin, samakatwid, kahit saan dadalhin mo sa iyong sarili sa isang
likas at taimtim na pakikipag-ugnay sa kaitaasan.
2011-02-010
No comments:
Post a Comment