Paano dinala at inakay ng Panginoon ang sangkatauhan sa kaligtasan?
Nang dahil sa pag-ibig nagsisikap na madala at maakay ng Panginoon ang sangkatauhan sa lundo na kung saan matatamo ang kaligtasan. Tunghayan natin ang kanyang winika, “Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin, ay ibig kong kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko Ama, ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoon” (Juan 17: 24)
Ito ang mensahe (Abotsabi 10/171993 )
Dalawang bahagi ng aralin, kapwa may timbang, kapwa may bigat, kapwa may diwa na nagbibigay sa bawa’t isa. Iyan na kinakailangan na maging sangkapin ng laman at ano mang lahat na kinakailangang kapighatiang pangungusap ng Panginoon na kanyang kahingian sa dakilang Diyos Ama.
Bilang mag-aaral ng katuruang Espiritismo, nagawa na kaya nating unawain kung nasaan ang Panginoon? Nagawa na natin kayang unawain ng buong tapat ang galaw, kung anong uri ng gawa, anong uri ng kahayagan ang kinadoroonan?
“Ibig ko sila man ay dumoon”. Doon tayo dinadala, doon tayo nilulundo, doon tayo iniibig na makarating ng ating tungkulin. Kung iyan ang atang ng tungkuling dala-dala, samakatwid, ang tungkuling ito ang siyang mangungusap, ibig ko dumoon sa kanyang katuparan, dumoon sa kanyang tagumpay, dumoon sa isang kalagayan kung saan ihahantad ang kahalagahan at kadakilaan ng tungkulin at tuparin ng isang kaluluwa.
Ano ngayon ang tungkulin ng tao?
Ang mabuhay upang kumain? Ang kumain para mabuhay? Dalawang bahagi na kinakailangang inyong kilalanin sapagka’t kapwa dinadala na ng lahat at bawa’t isa.
Dalawang kalagayan na siya at kapwa inihahantad at isinasagawa ng bawa’t isa. Kung lahat ng layunin ng tao, ay mabuhay upang kumain lamang, sa palagay ninyo, ano ang kanyang igagalaw?
Sa inyong pagkukuro, ano ang kanyang isasagawa? Kung ang bahaging ito ang siya lamang magiging panuntunan ng kanyang sarili, ang mabuhay upang kumain.
Isang halimbawa ang pagtanggap ng tungkulin upang makilala lamang pumasok sa isang katuruan upang mayroon lamang ng samahan na maipakikilala na kanyang kina-aaniban. Na dahil lamang sa isang samahan, nang dahil sa akay ng kanyang kaibigan, sa pagtataboy ng kanyang magulang, sa paghahangad na magkaroon ng kalutasan sa kanyang suliranin; ano ang hinahanap ng tao? Ang kapakinabangan ng kanyang sarili.
Ang kaligayahan ng kanyang pagkatao, kung ito kayo ngayon sa simula hindi pa ba kayo ngayon ay nasa pagpapatuloy at kung kayo ngayon ang nasa pagpapatuloy samakatwid kinakailangang tumaas ang layunin ng inyong sarili na kayo ngayon ay naririto hindi nang dahil sa pagtataboy ng inyong magulang, hindi nang dahil sa kayo ay inakay lamang ng iyong kaibigan, hindi nang dahil sa ginagawa ninyo lamang kanlungan ng inyong kalungkutan kungdi, naririto kayo upang bigyan ng pagkakaganap ang inyong kaisipan.Magtamo ng kapayapaan ang inyong damdamin at tumanggap ng katiwasayan ng inyong kalooban.
Sa pamamagitan ng pagkakaloob at pagtanggap ng bahaging ito, gagalaw ang isang mag-aaral ayon sa hinihingi ng kanyang kaluluwang balot pa sa pagkakasala.
Samakatwid, ang layunin ninyo ngayon ay hindi para sa inyong pagkatao, kungdi hinihingi ninyo ng kaligtasan sa kahirapan, kung hindi alang-alang sa kalagayan ng isang kaluluwa na mayroon nang tuparin kaya tinangggap ang buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng laman, siyang gagalaw, at siyang gagawa sa ibabaw ng lupa.
Dahil dito, naririto kayo ngayon upang magtamo ng mga kaalamang magagamit ninyo sa inyong pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa sapagka’t paglabas ninyo sa lundong ito, kayo ang larawan ng tunay na anak ng Diyos. Kayo ang tunay na larawan ng kaliwanagang aakay sa naroroon sa kadiliman. Kayo ngayon ang tunay na larawan ng lakas at pananampalataya, maging sandigan ng mga mahihirap.
Ang kaliwanagan kung ito ay tamagos sa kaibuturan ng inyong mga puso, hindi maaaring hindi damhin ng isang nag-aaral upang maging siyang batingaw upang sa sandali ng kanyang paglabas hindi maaaring sa kanyang pagkaligaw ay mayroon ng tutunog at magpapa-alala na ikaw ay isang mag-aaral sa katotohanan; ikaw na isang mag-aaral sa katuruan ng Espiritismo na nakapaloob doon sa tatlong pinakamahalaga na siyang panuntunan ng gawa ng tao at siyang kadluan ng kalagayan ng tao.
2011-02-015
No comments:
Post a Comment