Ang mga ideya tungkol sa mga espiritu na mayroon ng kaliwanagan:
1 . Ang kanilang tungkulin ay gabayan ang mga espirituwal na pagkaunlad o pagsulong ng sangkatauhan
2. Sila ang mga espiritu na namamalaging aktibo bagaman at sila ay wala na sa lupa
Ang mga iba ibang katawagan sa mga Espiritu na mayroon ng kaliwanagan ay ang mga sumusunod:
1. Komunyon ng mga Santo (Communion of Saints) ang kapaniwalaan ng mga Katoliko kung saan, ayon sa 1 Korinto 12, inihambing ni Apostol Pablo ang mga Kristyano sa isang katawan o “single body”
2. Mga Arkanghel at mga Anghel (Members of the Heavenly Host)
3. Mga Maestro na nakatamo ng mataas na antas ng pagsulong (Ascended Masters)
Nakamit nila ang lahat ng karunungan (wisdom) na nagmula sa mga karanasan kinakailangan sa pagsulong ng Espiritu na may hugis o katawang laman. Ang iba sa kanila ay tumutungo sa higit na mataas na daigdig. Ang iba ay nagiging mga gurong tagapagturo sa mga kabataan sa ikot ng kanilang ebolusyon (cycle of evolution) sa planetang ito.
Sila ang mga nakamit na ang imortalidad subali’t nanatiling aktibo na gumagabay sa sangkatauhan sa kapatagan. Kung makikita ng paningin sa lihim, sila ay may mga kulay puting aura.
Ayon sa mga nasusulat sila ay sina: si Hesus ng Nazareth, ang Dakilang Guro; Confucius; Gautama Buddha; Maria, ang Ina ni Hesus, Hilarion, Enoch, Pablo ng Venecia, Quan Yin, San Germaine, Khutumi at iba pa na hindi kilala.
Ayon din dito, isina-isangtabi na nila ang kanilang pagkakaiba na mayroon sila, magi ang lahi, noong sila ay nandito pa sa lupa at sila ay nagka-isa upang i-angat ang espirituwal na kalayagayan ng sangkatauhan.
Ang Maestro sa India ay tinatawag na Mahatma. Sila ang mga mga Espiritung may kaliwanagan na sa kanilang muli at muling buhay ay mga pangkaraniwang tao, na dumaan sa proseso ng transpormasyong espirituwal. Sila ay nakatamo ng pagkalinang o pagtatagumpay (mastery) sa mga limitasyon sa kalupaan, nagawa nilang balansehin ang 51% ng kanilang mga negatibong karma at nagampanan o natagpusan ang kalooban ng Manlilikha (Divine Plan).
Sila sa pagiging gayon, ay naging kawangis ng Diyos na pinanggagalingan ng pag-ibig na walang pagtatangi (unconditional love) sa lahat ng may buhay at nakipag-kaisa sa kani-kanilang “Ka-Akohan” (God-Self). Sila ay gumagawa upang magibigay ng inspirasyon at motibasyong espirituwal na pagka-unlad.
Sampung antas ng espirituwal na pag-unlad:
1. Ang pagkasilang sa espirituwal na buhay – kung saan ang isang nilikha ay nagkaroon na ng pagsupil sa kanyang katawang laman.
2. Ang pagbibinyag – kung saan ang isang nilikha ay may pagsupil na sa kanyang katawang astral.
3. Transpigurasyon – kung saan ang isang nilikha ay nakatamo na unlad na pakultad ng pagiging vidiente at audiente.
4. Ang isang nilikha na sinasabing may perpeksyon– mayroon na ng kakayahang maalala ang kanyang lahat na mga naging unang kabuhayan. Ang nilikhang nakatamo ng kaunting perpeksyon, accomplishment, tagumpay, may kakayahang maka-impluwensya sa kanyang kapaligiran. Sa antas na ito, hindi na nangangailangan na ito ay muling magsakatawang laman.
5. Ang mga nilkhang may kakayahang magteleporte, ang paglilipat ng isang materya mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar ng mabilis.
a. Bilocate -May kakayahan ang nilikhang ito na maging nasa sa dalawang
lugar sa iisang panahon dahil sa kanilang daigdig walang oras at
espasyo.
b. Levitate – Ang kakayahan manatiling nakalutang sa hangin sa ibabaw ng
lupa, lumulukso na katulad ng tipaklong, nalutang (floating) at
lumilipad.
Masterhood– Ang kakayahang mag “teleport”, bilocate, at “levitate” sa
kahit na anong lugar sa kapatagang lupa.
Christhood– ang kakayahang magteleporte kahit saang lugar sa systema
ng araw (solar system). Sila ay hindi apektado ng isang bala na ibinaril,
ni ang pagsabog ng bombang nuklyear.
Buddhahood -Ang pagiging Buddha. Ang mga nilikhang malayang
nakakagala sa espasyo sa pagitan ng mga planeta (interplanetary space)
at sa mga espasyo ng mga bitwuin habang may buong kamalayan habang
pisikal na nasa kanilang mga selestyal na katawan at gumaganap ng
kanilang paggawa sa pamamagitan ng pakikipag-abot sabi sa ibang mga
nilikha, ang mga mensahe pulos sa pamamagitan ng telepatiya.
6. Ang mga nilikhang may kakayahang magmaterialisasyon o di magmaterialisasyon ng mga materyal na bagay. May kakayahan makipag-ugnay sa mga lakas o pwersa sa kosmos sa labas ng ating systema ng araw.
Ano ang Planetary Logos?
Ang planetary logos ay isang kalayagayan ng pag-iral (state of existence); hindi mental, hindi astral at hindi materyal sa pagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay kung saan ang buhay ay pansamantalang nakatingal o nakahimpil.
2011-02-026
<div id="google_translate_element"></div><script type="text/javascript">
function googleTranslateElementInit() {
new google.translate.TranslateElement({pageLanguage: 'en', includedLanguages: 'en,es,pt,tl', layout: google.translate.TranslateElement.InlineLayout.SIMPLE}, 'google_translate_element');
}
</script><script type="text/javascript" src="//translate.google.com/translate_a/element.js?cb=googleTranslateElementInit"></script>
<div id="google_translate_element"></div><script type="text/javascript">
function googleTranslateElementInit() {
new google.translate.TranslateElement({pageLanguage: 'en', includedLanguages: 'en,es,pt,tl', layout: google.translate.TranslateElement.InlineLayout.SIMPLE}, 'google_translate_element');
}
</script><script type="text/javascript" src="//translate.google.com/translate_a/element.js?cb=googleTranslateElementInit"></script>
No comments:
Post a Comment