(Halaw sa Paabot Diwa, Dec 1968)
Ang panggagamot sa pamamagitan ng pag-iisip ay tinatawag na “absent healing“o “distance healing“. Sinasabing ito ang pinakamainam na paraan ng panggagamot, lalo pa at kung lahat nga lamang ng pangangailangan ay matutugunan.
Sinasabing ang sinumang humiling sa lihim ay hindi pahihindian kailanman, lalo pa kung ang paghingi ay para sa kapakanan ng kapwa, ‘ukol sa mga nilikhang tinutulungan, kahit na lingid sa kanilang kaalaman.’
Ang gawain ay tumatagal ng 30 minuto kung kailan ang mga kabilang na kasangkapan ay nagkokonsentrasyon, nananalangin at pagkatapos ay binabasa ang talaan ng mga kapatid na tinutulungan.
Sa bawa’t banggitin ng pangalan ng isang kapatid, pinagtutuunan ng pag-iisip ng bawa’t isa ang kanyang kaanyuan, at gayon din ang karamdaman ng kapatid na tinutulungan.
Ang gawaing ito ay maikli at payak kung ating titingnan, subalit napakalaki ang nagagawa, hindi lamang sa mga may karamdamang tinutulungan, kungdi maging sa mga kasangkapang nagsisikap tumulong. Ang paglunas sa karamdaman ng isang kapatid ay paglunas din sa kanyang sariling kahinaan.
Maging tayo man ay kasangkapan o hindi, marahil ay mayroon din tayong maibabahagi. Kinakailangan lamang ang pananahimik, ang pakiki-ugnay at higit sa lahat ay ang taos-pusong nasaing makatulong at maibsan ang ano mang karaingang dinadalas ng ating kapwa. Ang tumulong ay hindi madali, humingi ng pagsisikap at tiyaga, subali’t nagagawa.
2011-02-023
No comments:
Post a Comment