Pages

Monday, February 14, 2011

Fasting and Abstinence (Pag-aayuno)

Ano ang Pangunahing Layunin at Paraan ng Pag-Aayuno?

(Halaw mula sa Woman Today – March 16, 1994 -Isidro Gregorio)

Ang pag-aayuno ay ang pag-iwas sa mga pagkain ng lahat o ng ilang pagkain o kaya naman ay ang pag-inom na isinasagawa magmula pa noon mga unang panahon bilang isang disiplinang pang relihiyon. Ito ay isinasagawa ng mga tao sa Ehipto, Gresya, Roma at Assyrya at mga Muslim na natatagpuan sa maraming bahagi ng mundo.

Karamihan sa mga kauna-unahang mga relihiyon ay nagtatalaga na mga araw kung kailang ang mga tao ay hindi kakain o iinom bilang sakripisyo sa mga diyos. Ang Budismo, Taoismo, Kompyusyanismo, Mohammedanismo ay may kani-kaniyang mga araw ng pag-aayuno.

Ang mga Muslim na naniniwala kay Allah ay nag-aayuno ng 40 na araw sa buwan ng Ramadan magmula pagsikat hanggang paglubog na araw na isinasagawa bilang mga araw ng pasisisi at pagkukumpuni sa sarili sa mga nagawang kamalian.

May mga eksperto na nagkaroon ng mga pag-aaral ng tungkol sa sangkatauhan ang nagsabi na ang simbolikong pagkain ng tinapay na walang lebadura ni Hesus ng Nazareth noong tinatawag na Passover ay may malapit na kaugnayan sa mga kauna-unahang pag-aayuno.

Ang mga bahagi ng mga sinaunang ritos na ito ay nakita sa mga pag-aayuno na isinasagawa ng maraming Kristiyano sa ngayon sa panahon ng Kuwaresma bilang paghahanda sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang mga naunang Kristiyano isinasagawa ang 40 na araw ng pag-aayuno sa panahon ng kuwaresma. 

Ang pag-aayuno ay nagsimula bilang rituwal na nagbabawas o hindi muna nagsasagawa ng mga pisikal na mga gawain na tumutungo sa isang kalagayang mapayapa, katulad ng kamatayan o ang kalagayan bago isilang.

Noong may dalawang siglo ng kanyang pagkakatatag, ang simbahang Kristiyano ang nagpatupad ng pag-aayuno bilang isang sinasadyang paghahanda upang tanggapin ang sakramento ng komunyon at binyag at sa magtadhana o atas sa mga nag-aaral na maging pari upang maging tunay na mga pari.

Sa mga sumunod na panahon, ang pag-aayuno ay ginawang isang obligasyon. Noong ika-6 na siglo, ang pag-aayuno ng orihinal na 40 oras ay ginawang 40 araw, ang panahon na si Hesukristo ay nasa isang lugar na pinapayagan lamang na kumain ng isang panahon ng pagkain sa bawa’t araw. Ang pag-aayunong ito ay isinagawa ni Hesukristo bilang penitensya at paglilinis at pagdalisay ng kanyang sarili.

Isinasagawa ng mga Hudyo sa pag-aayuno na idinadaos taon-taon ang Yom Kippur na tinawag rin na Araw ng Pagsisisi (Day of Atonement) kung saan ang ang pagkain at inumin ay hindi pinapayagan. Ito ay isang araw ng pangungumpisal, pagsisisi at walang patid na pananalangin sa pagpapatawad ng mga kasalanan sa taong iyon bilang paglabag sa mga batas at tipan (covenant). Pinaniniwalaan ng mga Hudyo na sa isang araw na ito ang tadhana (fate) ng isang tao sa susunod na tao ay selyado.

May ilang nagsasagawa nito bilang isang makalumang seremonya at rito (rites) ng pagyabong (fertility)na ginanap sa panahon ng vernal at autumnal equinox at ito ay ginanap sa mahabang panahon. Ang pag-aayuno ay isinasagawa upang maging sanggalang sa mga kalamidad. Ang mga Indyano sa Amerika ang naniwala at nagsasagawa nito.

Ang mga tao sa Assyrya at Babilonya isinasagawa ang pag-aayuno bilang pagwawasto sa mga kasalanan na nagawa. Samantalang ang mga tao sa Mehiko at Peru ay nag-aayuno bilang isang uri ng pagpapakasakit o penitensya.
Sa panglaman, ang pag-aayuno sa pagkain ay nakapagpapabawas ng labis na pagmimithi sa pagkain makalipas ng ilang araw, sa seremonya ng pagyabong o kaya ay sanggalang sa mga kalamidad. 

Sa espirituwal, ang pag-aayuno ay araw o mga araw ng meditasyon upang kilalanin ang sarili, ang pagsisisi sa mga nagawang pagkukulang, paglilinis at walang patid na pananalangin.


Ano ng pangunahing layunin at paraan ng pag-aayuno sa paaralan ng diwa?

(Halaw sa PAABOT-DIWA , Enero-Abril 1978)

Ayon sa Kap. Avelina Borja ng Lunduyang La Humilidad, ang pangunahing layunin ng pag-aayuno ay ang pagpapaunlad ng diwa. Ang mga gawaing ginagampanan ng mga kapatid na nag-aayuno ay ang mga sumusunood:
1. Ang pagbasa at pag-aaral ng sampung artikulong iinihanda at sinaliksik para sa mga mag-aayuno.

2. Ang ilang mga simpleng ehersisyo ng Yoga katulad ng pagkokonsentrasyon, meditasyon, ang tamang paghinga (Pranayama) at ang dead body posture (Savasama). Ang mga ehersisyong ito ay kailangan sa pagpapahingalay (relaxation) ng katawan ng mga nagsisipag-ayuno bilang paghahanda sa kanilang panalangin.

3. Ang panalangin tuwing ikatlong oras, na ang simula ay sa ika-anim ng umaga.
Ang pag-aayuno sa Lunduyang Silahis ng Pag-ibig ay ginaganap tuwing Miyerkules Santo, sa buong magdamag ay naglalayon din ng pagpapaunlad ng diwa sa pamamagitan ng Estudio. Ito ay nagsisimula sa ganap ika-9:00 ng gabi hanggang ika-anim ng umaga ng Huwebes Santo, ginaganap din ang pagsasanay ng mga kasangkapan, at konsultasyon ukol sa mga karamdaman at gamutan.


2011-02-014

No comments:

Post a Comment