Tuwing sasapit ang araw ng Biernes Santo, ang mga mananampalatayang Kristiyano sa buong daigdig ay ginugunita ang araw na ito sa pamamagitan ng pagtungo sa kani-kanilang simbahan upang makinig ng sermon nag nau-ukol sa huling Pitong Wika ng dakilang Guro bago siya nalagutan ng hininga sa pagkakapako sa krus.
Ito ay ang kaugalian ng ating mga ninuno na ating minana, nagpasalin-salin sa maraming henerasyon at hanggang ngayon ay ating sinusunod:
Sa Lima, Peru nagsimula ang kaugaliang ito. Si Alonso Maria isang pari ng “Society of Jesus” isang samahang ng mga Pareng Katoliko ay naatasang magsermon isang araw ng Biernes Santo. Marami na siyang karanasan sa ganitong gawain at taon-taon halos mamutok sa tao ang bahay-dalanginan upang makarinig ng sermon.
Sa haba ng kanyang pagtatalumpati, kapansin-pansin na marami sa mga nagsisimba ang kinakikitaan ng pagka-inip at pagkabagot. Siya ay umisip ng ibang paksa – sa halip na sermon tungkol sa hirap na tiniis ni Hesukristo sa pagpasan ng krus patungo sa Kalbaryo, binigyan ng pagkakataon banghayin ang mga huling pangungusap ng Maestro Hesus bago siya nalagutan ng hininga.
Dito nagsimula ang Pitong Wika na tumugma sa mga panlasa ng mga nakikinig sa kanya. Ang pangyayaring ito ay naka-abot sa iba’t ibang panig ng Timog Amerika, at ng mga sumunod na taon siya ay naanyayahan sa ibang malalaking lungsod na tulad ng Chile at Panama hanggang ito ay umabot sa Mexico, Cadiz at Sevilla sa Espanya. Mula sa Espanya ay dinala naman sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ang Pitong Wika ay hinalaw mula sa apat na aklat ng mga Ebanghelistang sina Mateo, Markos. Lucas at Juan. Ang pagkakasunod-sunod ng una hanggang ika-limang wika ay walang batayan at ang ika-anim at pitong wika ang maipapalagay na siyang mga pinakahuling binigkas ng Panginoon.
2011-02-024
No comments:
Post a Comment