Pages

Friday, January 21, 2011

Spirit vs. Soul ( Espiritu vs. Kaluluwa)


Paano nagkaiba ang Espiritu sa Kaluluwa?

Ang Espiritu

Ang Espiritu ay siyang prinsipiyong matalino ng buong paglalang (creation). Siya ang diwa, wagas at walang hanggan. Hindi siya saklaw ng panahon (time) at puwang, patlang o espasyo (space). Siya ay sumasa lahat ng bagay. Ang simulaing matalino ang siyang katunayan na mayroong Diyos sapagka't hindi matatanggap ang Mataas na Kapangyarihan kung ang paghaharian lamang ay ang mga bagay na walang katalinuhan, tulad ng hindi ipagkakaroon ng Dakilang Hari kung ang paghaharian ay mga bato lamang.


At sapagka't hindi maunawaan ang Diyos nang hindi nag-aangkin ng Kanyang karuonan (attributes), ang mga sagisag na ito ng Diyos ay nawalan ng kabuluhan kung sa materya lamang gagamitin. Ito rin mga karuonang ito ang siyang isinangkap sa bawa't espiritu upang maihayag ang kanyang katalinuhan, kaya nga at siya ay sumusulong hanggang makasapit sa kalagayang lubos na nauunawan at natatanggap ang mataas na munakala ng sa kanya ay lumikha.
Ang espiritu ay may kalayaan sa pagpili ng laman na kanyang gagamitin sa kanyang pagbabayad-utang (atonement, expiation) o misyon. Ang kapaligiran na kanyang pinakikisamahan, ay siyang mahalaga sa ikatutupad ng kanyang tungkulin.

Kaya nga at mayroong pangyaya rin na kung ang paligid na kinagisnan ng sanggol ng kanyang gagamitin sa isang kabuuan, ay magiging sagabal sa katuparan ng kanyang pagbabayad-utang o ganapin ang isang kabuhayan, ito ay kusa niyang iiwan sa pamamagitan ng pagpatid sa pluwido o peri-espiritu na nag-uugnay sa materya upang siya ay makahanap ng bagong sanggol na ang paligid ng mga magulang ay naa-angkop sa kanyang pangangailangan o tuparin.

Ang Kaluluwa

Marami ang opinyon tungkol sa kaluluwa.  Aking ibibigay ang iba’t ibang pagkukuro upang buhat dito ay magkaroon ang bumabasa ng kanyang sariling pagsasaliksik at makabuo ng isang magandang larawan kung ano ang isang kaluluwa para sa kanya.

Ang kaluluwa ay siyang prinsipyong buhay ng katawang laman.  Ang sabi ng iba, ang kaluluwa ay hindi sumibol sa kanyang sarili at mawawala rin kapag ang katawang laman ay mamatay.  Ang wika ng mga taong naniniwala sa materialismo ang kaluluwa ay kasanhian (effect) at hindi ang kadahilanan (cause).


Ang ibang panig  ay nagsasabing ang kaluluwa ay siyang prinsipiyo ng karunungan, isang karunungang unibersal (universal agent) na kung saan lahat ng taong nilalang ay napagkalooban ng isang bahagi.

Ayon sa kanila, sa buong sangkalawakan (universe) ay mayroon lamang isang  kaluluwa na siyang namamahagi ng talsik ng kanyang kaluluwa sa lahat ng mga nilalang na may talino, sa kanilang kabuhayan;  ang bawa’t talsik na ito, sa kamatayan ng nilalang na iyon ay mabubuhay at babalik sa kanyang pinanggalingan at ito ay muling sasama sa kabuuan ng isang kaluluwa.

Tulad ng isang ilog, na babalik sa dagat na kanyang pinagmulan.  Kaya nga sa kamatayan, ang paniniwala ay nawawala na ang pagkilala sa sarili (identity).

Ayon sa kanila, ang isang Pangkalahatang Kaluluwa (Universal Soul) ay ang Diyos at ang bawa’t nilikha ay may bahagi ng pagka-Diyos.  Ito ang kapaniwalaang Panteismo (Panteism).

At sa pangkat ng Spiritualist  naman, ang isang kaluluwa ay isang nilalang ng kabutihan (moral being) hiwalay at walang kaugnayan sa materya at ang kaluluwa na pagpepreserba o napapanatili  ng  kanyang indibiduwalidad sa kamatayan.

Ang pagtanggap ng salitang “kaluluwa” ay siyang pangkalahatang tinatanggap sapagka’t bagaman at iba iba ang katawagan, ito pa rin ang tinutukoy sa isang nilalang na nabubuhay sa pagkamatay ng isang katawang-laman.  At ang doktrinang ito ay siyang ginagamit sapagka’t sila ay naniniwala na ang kaluluwa ang kadahilanan (cause) at hindi kasanhian (effect).

At dahil may tatlong pangkat na nagkakaiba sa kung ano ang kaluluwa, kung kaya at tatlo rin ang ibig ipakahulugan ayon sa katuruan kung kaya at upang matanggap ng higit na nakararami ang salitang “kaluluwa” ay tatawagin kong isang nilalang (being) na walang anyo at hugis at isang indibiduwal na nilalang (individual being) na nananahan sa atin, at walang kamatayan.


Ito ang mensahe. (Halaw mula sa abotsabi 08/07/1968, Centro Heneral)

Ang kaluluwa ay bihisang eteriko (ethereal envelope) ng espiritu. Ang kaluluwa ay hindi wagas, may hangganan, nagbabago-bago. Saklaw siya ng panahon at pook. Ang kaluluwa ay mga nagkasamasamang atomo (atoms) at iba pang elemento sa ika-apat na dimensyon (4th dimension).

Siya ay bagting na ginagamit ng espiritu sa paglangkap sa materya, at sa bawa't paggamit ng laman sa iba't ibang kapanganakan, ay iba't ibang uri ng elemento ang kanyang ginagamit, sang-ayon sa antas ng planeta na kanyang gaganapan ng mga bagong tungkulin.

Ang paglangkap sa katawan ng sanggol, ay nagsisimula sa tiyan pa ng ina sa gulang na humigit kumulang sa limang buwan, na siyang simua ng pagkilos ng sanggol sa tiyan. Inihihiwatig ng mga pangyayari na sa pag-uugnay ng espiritu at kaluluwa at sa panahon ng paglalangkap sa sanggol nagsisimulang humayag ang simulaing buhay (vital principle), hanggang sa pagluwal ng sanggol sa liwanag at hangin, ay nagigising naman ang mga pandamdam (senses) ng kataon. Habang lumalaki ang sanggol, umuunlad ang mga sangkap kasabay ang paglikas ng mga pandamdam ng katawan.

Ang prinsipiyo ng buhay ay humahayag din sa mga nilikhang hindi organiko (inorganic) tulad ng halimbawa ng hayop at halaman na pinakikilos pa rin ng buhay na walang kaisipan. Ang hayop, maging ang halaman ay gumagalaw sa udyok ng guni-guni o instinkgto (instinct), upang mapanatiling maayos ang kanilang sarili sa kanilang pakikisama sa kanilang kapwa.

Dahil dito, maliwanag na ang espiritu ay may naiibang buhay kaysa materya, sapagka't ang katalinuhan at pag-iisip ay kanyang mga sagisag, at samantalang ang materya ay hindi nagtataglay nito, ay mahihinuha na ang panangkap materyal at espirituwal ay dalawang simulaing bumabalangkas sa boung paglalang. Ang elemento espirituwal na nagsasarili ay siyang iba't ibang katawan sa kalagayang organiko at di-organiko.

Ang pagsulong ay siyang tadhana sa mga kinapal na espiritu, at ang kaganapang malapit para sa kanyang layunin at sapagka't nilalang ng Diyos na magpasawalang hanggan, marahil, ay mayroon na ng nakarating sa kaitaasan ng huling baitang ng pagsulong.

Ang kapatagang Lupa (planeta tierra) ay isa lamang sa mga kapatagan, at bago ito sumipot sa kalawakan, may papawirin na pinanahanan na ng maraming espiritu na nasa lahat ng antas ng pagsulong, buhat sa mga nagsisimula pa lamang sa buhay hanggang sa mga espiritung wagas, na kung tawagin natin ay mga Anghel, Kerubin at Serapines. Si Socrates, Buddha, Mahomma, Konfusiyo, Hesus, at marami pang iba, ay mga nauna lamang makatapos sa huling baitang ng pagkasulong.


2011-01-21




Reincarnation-Jews (Reinkanasyon-Kapaniwalaan ng mga Hudyo)

Tinipon at Isinulat sa Wikang Filipino Ni Rolby

Paniniwalang kinikilala ng mga Hudyo

Kapag ang isang paniniwala maituturing na pangkalahatan, pangsansinukuban, pandaigdigan, ito ay nagbabadya na isang palatandaan na mayroon ito ng katotohanan.

Ang reinkarnasyon, ang muling pagsasakatawang-laman o muling pagkabuhay sa lupa, ay karaniwang paniniwala na isang doktrina ng mga bansa sa Silangan katulad ng India.  Lumilitaw na naging kamangha-mangha sa karamihan ng mga Hudyo na ang ganitong doktrina ay siya palang tinatanggap na paniniwala ng kanilang mga ninuno at kung ihahambing ang katandaan nito ay noong mga panahong ang mga aklat sa Lumang Tipan ay isinusulat pa lamang.  Ang nilalaman ng mga aklat sa Banal na Kasulatan ay nagsasalaysay ng mga karanasan ng mga tao noon kapanahunanang iyon.

At bakit animo ay ang mga tao sa India na lamang ang maraming naisulat tungkol sa reinkarnasyon at nawala na sa ibang panig ng daigdig lalo na sa lupain ng mga Hudyo?  Marahil, ayon na rin sa sinalita ni Hesus na, “hindi ako dumating na dala ang kapayapaan.”  Sapagka’t nagkaroon ng pagtatalo-talo ang mga Kristiyano ng iba’t-ibang sekta ng paniniwala kung kaya at nagkaroon ng pagkakaiba ng paniniwala bagaman at magkatulad ng mga Kristiyano (Katoliko, Protestante, at iba pa) sapagka’t umiiral sa makabagong panahon ay ang pagbabanghay ng katitikan  at hindi ng sa diwa.

Kung ang ilang mga mananaliksik ng India ay nakasumpong ng isang liwanag at nakita na hindi lamang sa Hinduismo kungdi  humangga pa sa Hudaismo (Judaism) ang paniniwala sa reinkarnasyon, at sapagka’t magkatulad ng paniniwala ang pag-aaral na kanilang ginawa sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano ay sa diwa at hindi ang katitikan nito.

At sa panahon 500 AD,  ang paniniwala tungkol sa reinkarnasyon ay tuluyang nawala sa mga Hudyo at iba pang Kristiyano.

Ang pilosopiya o paniniwala ng pag-unlad ng isang kaluluwa sa pamamagitan ng muli at muling pagkabuhay ay nagbibigay sigla sa mga taong pala-isip, sa isang praktikal na pamamaraan upang magawang harapin ang pakikipaglaban  upang mabuhay at ng kaluluwa ay nabibigyan ng mga pagkakataon na gawing dalisay ang isang kaluluwa.  At kung baga sa isang gitara na patid ang isang kuwerdas, ganyan din ang Kristiyanismo sapagka’t napatid ang doktrina ng reinkarnasyon.

Ang isang dakilang pari ng simbahan na si Origen ay hindi pag-aalinlangan ang  kanyang paniniwala sa doktrinang ito.  Siya ay maraming naisulat na mga aklat sa mga bagay na tungkol sa espirituwal. Siya ang nagturo ng pagkakaroon ng kaluluwa at ang paglalakbay ng mga kaluluwa.  At ang ganitong pananaw ay may mahalagang kinalaman ang reinkarnasyon.

Halimbawa na siya ay isang kaluluwa na nagmula sa Paraiso, at dahil sa isang kasalanan ay kailangang magbalik at maglakbay, nguni’t saan?
Sa labas ng Paraiso, sa daigdig, ang agwat o haba ng buhay ng buhay (span) ng tao ay maikli kaya at hindi kayang punan ng kahingian ng isang pagbabayad ng kasalanan,  Subali’t sa muli at muling pagsasakatawang-laman ay siya lamang ang makakapupuno sa kahingian ng mga suliranin sa buhay ganoon din ang  mga pangangailangan ng doktrina ng isang itinapon (exile), ng paglalakbay upang bumalik sa kawagasan at kalinisan, nang makilala ang Diyos at ang paghatol sa kanya bago siya muling isilang at ang iba pang katuruan na ipinamamahagi sa mga Hudyo, at ito ay batid din ni Hesus.  At sino sa kanyang mga disipulos ang hindi na mangmang?  Ang ibang disipulo ay hindi nakarating sa mataas ng antas ng pag-aaral, sila ay mga mangingisda, na lagi  lamang umaasa sa mga ipag-uutos ng mga nakatatanda sa kanila.  Nguni’t hindi lahat ay gayon, sapagka’t ang mga dakilang gawa ng kapanahunang iyon ay nakarating kay Herodes.

Si Apostol Pablo ay hindi maaaring sabihing na isang mangmang.  Si Apostol Pedro at Santiago na hindi lamang may kasanayan sa mga makabagong ideya at maging ang mga lumang ideya rin.  At ang mga luma ay mababasa sa Lumang Tipan, sa mga komentaryo sa Zohar, sa Talmud at sa iba pang mga gawain at salawikain ng mga Hudyo, na ito ay kalipunan ng mga katuruang tinatanggap  ng mga tao at mga Rabbi.  Kaya nga at ang mga salita ni Hesus, ni Apostol Pablo at ang iba pang mga disipulo na nakababatid ng mga bantog at mahahalagang doktrina noong unang panahon na patuloy na ginagamit sa kasalukuyan.

Maging si Herodes ay nakakapakinig ng mga pananalita na "si Juan ay si ganito rin at si Hesus ay  si ganito rin," na ang mga ibang propeta o mga dakilang tao ng unang kapanahunan na si Herodes ay kasama ng mga taong nagninilay-nilay sa doktrina ng reinkarnasyon, o ng “muling pagbabalik” sa pamamagitan ng pagtutugma ng isang tanyag na tao ng kanilang kapanahunan na nagkaroon na ng dating kabuhayan ng mga naunang kapanahunan.

Ang mga bagay na ito ay nasasaad sa mga ebanghelyo subali’t sa karaniwan, ito ay hindi binibigyan ng kaukulang pansin at pag-aaral at humahantong sa mga pilosopong pagtatalo subali’t ang doktrina ay tinatanggap.  At dito ang mga pangyayari (facts) ay naging kaaliwan gayun din naging babala sa mga Hari.

Sa isang Silanganin (Eastern) ang babala ay panandalian lamang, subali’t sa pag-iisip o paniniwala ng isa Kanluranin (Western), ang pagbabalik ng isang dakila at tanyag ng tao ay  isang pangangailangan, hindi lamang may katalinuhan kung hindi mayroon din ng kapangyarihan kaya at kung ang isang bagong aspirante upang mamuno ang nahalina sa kanilang pag-iisip, matibay ang kanilang paniniwala sa ideya na ang isang matandang propeta o isang dating hari ay muling nagbalik at nanahan sa isang katauhan na nakakasama nila.

Sa mga Hudyo na siyang pinagmulan ng angkan ni Hesus, sinabi Niya na Siya ay dumating bilang isang Misyonero at Tagapagbago (Reformer).


Kung ang kaluluwa ay wagas at ito ay nanggaling sa Diyos sa kanyang pagsilang, paano ito nadungisan?

Batid natin na ang Diyos na pinagmulan ay malinis at wagas.  At saan maglalakbay ang kaluluwang ito kung hindi dito rin o sa iba pang daigdig hanggang matamo nito ang kawagasan.  Ang mga Rabbi ay palagiang itinuturo na ganito ang nagaganap sa isang kaluluwa na kailangang uminog ng makailang ulit o muling magkasakatawang laman hanggang matamo ang kawagasan.

At sa Talmud, isa pang kinikilalang kasulatan noong unang panahon sa bayan ng mga Hudyo, ay palagiang nangungusap ng tungkol sa reinkarnasyon.  Sa kanilang salita na,  “Din Gilgol Neshomes” na ang ibig sabihin ay “ang kahatulan ng pag-inog ng mga kaluluwa.”

Ayon sa isang Rabbi na si Manassa, isang anak ng Israel, sa kanyang aklat na “Nishmath Hayem”, sinabi niya na, “ang paniniwala o ang doktrina ng paglalakbay ng kaluluwa”, ay isang katuruang tanggap ng kanilang simbahan, kaya wala ni isa man na magkakaila nito.  Maraming bilang ng mga paham ng Israel ang may matibay na paninindigan sa kapaniwalaang ito kaya’t ito ay ginawa nilang isang katuruan, isang esensiyal na bahagi ng kanilang relihiyon.  Kaya’t sila ay may tungkulin na sumunod at tanggapin ang katuruan sapagka’t ang mga bagay na ito ay pinatotohanan ng aklat na Zohar, at ang lahat ng mga aklat ng mga Kabal.

Dahil dito, maging ang tradisyon ng mga matatandang Hudyo ay naniniwala na ang kaluluwa ni Adan ay muling nagbalik sa katauhan ni David.  At sapagka’t si David ay nagkasala kay Uriah, ito ay babalik sa hinihintay nilang Mesias.  At sa paniniwala ng kasulatang Talmud, ang tatlong titik na ADM, bilang pangalan ng unang tao sa daigdig, laging binabanggit ang Adan, David at Mesias.  Kaya sa Lumang Tipan, “At sila ay maglilingkod sa JHVH na kanilang Diyos at si David, na kanilang hari na kung saan ako ay muling babangon para sa kanila.”  Ang ibig sabihin, si David ay muling babalik para sa mga tao.

At tungkol naman sa hatol ng Diyos kay Adan, “dahil sa ikaw ay alabok, sa alabok ikaw ay muling magbabalik.”  Sa mga Hebreo, sapagka’t si Adan ay nagkasala, kinakailangan na siya ay  muling magbalik sa lupa upang pagbayaran ang kasalanang kanyang nagawa sa una niyang kabuhayan; kaya siya ay bumalik sa katauhan ni David at si David sa katauhan ng Mesias (Hesus).

Ganoon din ang paniwala ng mga Hudyo kay Moises, Seth at Abel.  Si Cain ang pumatay kay Abel, kaya at ibinigay ng Diyos si Seth kay Adan.  Ayon kay Adan si Seth ay ang reinkarnasyon ni Abel.  Nang namatay si Abel, siya ay bumalik sa katauhan ni Moises na naging tagasubaybay ng mga tao.  Nang mamatay si Cain, siya ay nabuhay sa katauhan ni Yethrokorah.

Nang mamatay si Yetrokorah, ang kanyang kaluluwa ay naghintay hanggang siya ay nagkatawang laman sa isang Ehipto na napatay naman ni Moises.  Si Abel na bumalik sa katauhan ni Moises ay siya namang pumatay kay Cain sa katauhan ng Ehipto, dito nabayaran ng ni Cain ang pagkakasala niya kay Abel.

At si Job  na pinaniniwalaang reinkarnasyon ni Thara, ang ama ni Abrahan.
Job 9:21, “Ako’y sakdal; hindi ko talos ang aking sarili; Aking niwalang kabuluhan ang aking buhay”
“Kahit ako, hindi na nakilala ang kanyang dating katauhan na si Thara bagaman at may alam siya sa “tunay na pagkato nito (Thara).”

Jeremiah
Before I formed thee in the belly I knew thee; and before thou commeth out of the womb I sanctified thee.”

Mga Taga Roma – matapos ng sabihin na si Jacob at Esau na hindi pa naisisilang.
9:11 –“ Sapagka’t ang mga anak nang hindi pa ipinapanganak, at hindi pa nagsasagawa ng anomang mabuti o masama, upang ang layon ng Diyos ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang, na hindi sa mga gawa, kungdi doon sa tumatawag”
9:12-“At sinabi sa kaniya, Ang panganay ay maglilingkod sa bunso.”
9:13- “Gaya ng nasusulat, Si Jacob ay iniibig ko, datapwa’t si Esau ay aking kinapopootan

Si Elias ang naunang dumating.
Mateo 11:14 -“At kung ibig ninyong tanggapin, ay siya’y si Elias na paririto”
Mateo 17:10 -“At tinanong siya ng kanyang mga alagad,  na nangagsasabi, Bakit nga sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?”
Marcos 9:13 -“Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, na naparito si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang iniibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya”

Ito ay ang pagbabalik ng lumang doktrina na kung saan ang mga apostol ay sumagot na katulad ng mga Hudyo, ng hindi nakipagtalo sa mga bagay ng tungkol sa muling pagkabuhay.  Subali’t sa pagsagot ni Hesus nilinaw Niya na Siya ay ang katawang-laman ng Diyos at hindi, reinkarnasyon ng mga santo o paham.

Apokalipsis 3:12- “ Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi ng templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

Ito ang lumang ideya ng pagkatapon ng isang kaluluwa upang ito ay malinang, mapali ng mahabang pagkalalakbay bago ito matanggap sa kaharian ng Diyos.
Sa pagkamatay ni Origen, siya ay pinalitan ng isang monghe na siyang nagpatuloy na ipinalaganap ang Kristiyanismo subali’t sa ibang kapaniwalaan na hindi na muling bumanggit ng tungkol sa reinkarnasyon.

Sa Banal na Aklat ay may napapaloob na doktrina ng Reinkarnasyon subali’t ang mga simbahan ay wala ng nagbibigay ng ganitong doktrina.
Ang mga manunulat ng aklat ay Hudyo, maging si Hesus man ay Hudyo, kaya nga sa ating pag-aaral at pagsasaliksik dapat alamin ang kanilang mga paniniwalang espirituwal.

Sa Kawikaan, si Solomon ay kasama ng Manlilikha.
Ito ang nagpapaliwanag ng kanyang ibig sabihin na siya ay nabuhay kasama ng Manlilikha at ang kanyang kaluguran ay ang mga anak ng tao sa daigdigang lupa.

Si Elias at ang iba pang mga tanyag ng mga katauhan ay batid na babalik muli at ang mga tao ay palagiang naghihintay ng kanilang pagbabalik.
Noong kapanahunan ni Hesus, ang mga tao  ay may nalalaman na tungkol sa muling pagkabuhay ng mga taong nagkaroon ng dating kabuhayan sapagka’t ang kanyang mga disipulo ay minsan nagtanong sa kanya tungkol sa isang tao na isinilang na bulag.

Ito baga ay naging bulag dahil siya ay pinarusahan ng Diyos sa kanyang kasalanan noong unang kabuhayan o kaya  naman ang pagkakasala ng kanyang magulang na dapat niyang pagbayaran.  Ito ay isang patotoo na ang mga Hudyo ay tahasang may malaking paniniwala sa Reinkarnasyon.

Si Juan Bautista na siyang humalina kay Hesus sa kanyang ministri, ay napatay ng isang namumuno ng bansa.  Ang balita ay nakarating kay Hesus, at doon kanyang inayunan ang doktrina ng Reinkarnasyon at inayunan din ang lumang ideya na may kinalaman sa pagbabalik ng mga propeta sa pamamagitan ng kanyang salita, “na ang pinuno ang pumatay kay Juan na hindi nababatid, na si Juan ay si Elias na muling nagbalik.”

Sa isang pagkakataon, ang tungkol sa doktrina ng reinkarnasyon ay muling pinatunayan ni Hesus at ng kanyang mga alagad nang sila ay nag-usap tungkol sa pagdating ng isang sugo bago pa dumating si Hesus.  Hindi ito karakarakang naunwaan ng mga disipulo, na si Elias ay naunang dumating bilang sugo.  Sila ay sinagot ng Dakilang Maestro na si Elias nga ay nagbabalik sa katauhan ni Juan Bautista.

Dito maliwanang na si Hesus ay nagtuturo ng ganitong doktrina o kaya ay nagbibigay ng mga kaganapan sa mga ibang katauhan ng tungkol sa muli at muling pagkabuhay.  Ito ang naging kasiglahan ng Kanyang mga alagad sapagka’t ang mga disipulo noong panahong iyon ay wala pang matibay na kaalaman upang sila ay makapagsabi ang tungkol sa katauhan ng isang “tao” (soul) maging ang pagiging walang kamatayan nito.

Si Hesus lamang ang nakagagawa nito sapagka’t Siya ay isang nilikhang “nakakakita” (seer) ng kahapon ng mga kaluluwa at tahasang nakapagsasabi kung ano ang pagkatao (character) ng bawa’t isa sa kanila.

Kaya nga at magawang maibigay ni Hesus ang detalyadong mga bagay tungkol kay Juan, at marami pang mga ganitong mga pangyayari noong kapanahunan ng Dakilang Guro subali’t ang kasulatan ay may kakulangan.  At ang mga nakatala sa Banal na Aklat ay ilan lamang sa mga naganap na pangyayari at ilang lamang sa mga salita ni Hesus sa Kanyang paglalakbay sa Gitnang Silangan (Middle East).

Dapat nating ilagay sa ating isipan na si Hesus ay nawala ng labimpitong taon, at dito ay wala ng naisulat sa Banal na Aklat tungkol sa kanyang katuruan. Ang mga kaganapan sa labimpitong taon na ito ay pulos na nauukol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo na ginagawa ni Hesus sa maraming bansa na Asya katulad ng Tibet, Tsina, Rusya at iba pa.

Kaya dito nagkaroon ng hindi pagkakasundo ng simbahan at ni Hesus.  Ang simbahang Kristiyano mismo ang siyang nanlait sa doktrina na kanyang itinuro.
Alin ba ang tumpak?  Ang tama?

Sa mga totoong may matibay na paniniwala kay Hesus, ipaglalaban na ang doktrina ay may katotohanan.  Sapagka’t kung ito ang doktrina na dapat ituro, lahat ng tao ay mailalagay sa isang katayuan na lahat ay pantay-pantay, at ang kapangyarihan ng mga namumuno  sa lupa (rulers of the earth) ay madaling pahinain.  At ang mga mahalagang doktrinang ito ay isang katuruang hindi kayang palampasin ng Dakilang Guro.

Kung ang doktrina ng Reinkarnasyon din ang mali, bilang isang nagtuturo, tungkulin niya na ito ay kondenahin o sumpain.  At sa kalaunan, hindi lang niya ito kinondena bagkus Kanya itong sinang-ayunan, at doon ay Kanyang itinindig ang paninindigan sa doktrina sa lahat ng pagkakataon.

Maging si Apostol Juan, ay naniniwala rin, ating tunghayan sa isang sitas ng Banal na kasulatan na nagsasabing, ”Ang tinig ng Diyos na Makapangyarihan ang nagwika na ang Tao na dumating ay di na muli pang aalis sa kalangitan.”
Sa diwa, payak lamang ang ibig ipakahulugan ng doktrina na ang tao sa palagiang pagsusumikap (constant struggle) sa pamamagitan ng maraming kabuhayan ay sa pagdating ng panahon ay kanyang mapagtatagumpayan ang kahinaan ng katawang laman ay wala nang pangangailangan na muling mabuhay sa katawang-laman.

Si Apostol Pablo, ay nagbigay din ng teorya ng reinkarnasyon sa kanyang mga sulat na kung saan ang tinutukoy ay ang tungkol kay Jacob at Esau, sinasabi niya na ang minahal ng Panginoon ang isa at kinapootan ang pangalawa bago pa sila isilang.

Hindi naman maaaring mahalin o kapootan ng Panginoon ang mga bagay o tao na hindi pa nabuhay, kaya ibig iparating na si Jacob at Esau ay nagkaroon na ng mga naunang kabuhayan, mabuti at masama, kaya ang Panginoon ay nagmahal sa isa at napoot sa isa bago pa isilang ang katauhang nakilala bilang Jacob at Esau.

At  dito, si Apostol Pablo ay nangusap tungkol sa isang pangyayari na may pagkakatulad sa isang pangyayari na binanggit ng isang matandang propetang Malachi tungkol sa kanyang paninindigan sa ganitong ideya.

Sumunod kay Apostol Pablo at sa mga alagad ni Hesus, ay ang mga unang mga pari ng simbahang Kristiyano at marami sa kanila ang nagturo ng ganitong doktrina.  At si Origen, isang pari ng simbahang Kristiyano, ay ang pinakadakila sa kanila.  Ang doktrina ay tiyakan niyang ibinibigay, at dahil sa impluensiya ng kanyang mga ideya kaya at ang Konseho ng Konstantinopol noong 500 AD, ang siyang nagkondema ng doktrina ng Reinkarnasyon.
Ang pagkondena ay nangyari sapagka’t ang mga pari noon ay kulang sa mga kaalamang espirituwal ng mga Silanganin.  Ang mga pari noon ay karamihan ay Hentil na hindi kumikilala sa katuruan ni Hesus, bagkus, ito ay kanilang kinasusuklaman.  Kaya’t tuluyan na itong nawaglit sa mga pagtuturo at tuluyang nawala sa mga bansang Kanluranin, na siyang pinagmulan ng paniniwala ng mga Protestante.

Subali’t ito ay kailangang buhayin, sapagka’t ito ang sariling paniniwala ng nagtatag ng Kristiyanismo, sapagka’t ito ay magbibigay ng isang palagian (permanent) at matibay na batayan sa etiko o ang tama o wastong pakikipamuhay sa lahat ng bagay sa sandaigdigan na siyang pinakamahalaga.

2011-01-021

Thursday, January 20, 2011

Vital principle (Prinsipiyo ng buhay)

Alam  ba ninyo ang tinatawag na prinsipyo ng buhay?

Upang lalong maging maliwanag ang kahulugan ng “kaluluwa”, kailangan nating gamitin ang salitang prinsipyo ng buhay ( principio vital o vital principle) upang tukuyin ang buhay ng material o katawang laman, na kung saan man ito nanggaling ay nasasa lahat ng mga nilikhang may buhay, mula sa halaman hanggang sa tao.  Ang isang nilikhang walang pag-iisip ay maaaring mabuhay  tulad ng halaman, kaya nga ang principio vital ay hiwalay at hindi nakasandig dito.


Ayon sa iba, ang prinsipyo ng buhay ay isang kaangkinan ng materya, isang kasanhian (effect) na mangyayari kung saan mayroon materya na makikilala sa iba’t ibang kalagayan.

At sa ibang palapahaman, ang prinsipyo ng buhay ay nananahan sa isang pluwido na nanggagaling sa uniberso (fuerza vital, vital fluid).  Ito ang pluwido ng buhay na siyang sinisipsip  (absorbs) ng bawa’t nilikha at nilalagom (assimilates) ang isang bahagi habang siya ay nabubuhay. 

Katulad ng gas o hangin na humihigop ng liwanag, ang prinsipyo ng buhay ay sa wari ay katulad ng pluwido ng buhay, na siya naman pinaniwalaan sa katulad ng buhay na pluwido ng elektrisidad na tinatawag na magnetic field.

Kahit ano pa ang itawag sa prinsipyo ng buhay, may isang bagay ang may katiyakan, na ang mga nilikhang may katawang laman ay mayroon sa kanilang sarili ng isang lakas (fuerza, force) na matagal nang nananatili na siyang nagbibigay phenomena na tinatawag na “buhay” (life). 

Na ang buhay pisikal ay karaniwan sa lahat ng may katawang-laman kahit na walang katalinuhan at pag-iisip. At ang katalinuhan at pag-iisip ay mga pakultad (faculties)  ng isang uri ng mga nilikha, at sa lahat ng mga nilikha na pinagkalooban ng talino at pag-iisip na siyang nakakahigit sa lahat ng  mga nilkha, ang tao.

Kaya nga at higit na nararapat na hiramin ang mga sumusunod ng kaalaman:

1.  Kaluluwang buhay (vital soul) na siyang prinsipyo ng buhay materyal ay pangkaraniwan salahat ng nilkhang may katawang laman.

2.  Kaluluwang matalino (intellectual soul) na siyang prinsipyo ng karungan na siyang kaangkinan ng tao at hayop.

3.  Kaluluwang espirituwal (spiritual soul) ukol sa prinsipyo ng indibiduwalidad sa kabilang buhay na kaangkinan ng tao lamang.

Samakatwid ang tao ay may kaluluwang buhay, kaluluwang matalino at kaluluwang espirituwal.

2011-01-020 

Wednesday, January 19, 2011

Theory of the Soul (Teorya ng kaluluwa)

Ano ang napapaloob sa teorya na ang kaluluwa ay walang kamatayan?

Ang mga kaluluwa na pumupuno sa kalawakan at walang kamatayan, sa katotohanan, ay laman ng isang teorya, bagaman isa sa higit na makatwiran kaysa sa iba pang mga teorya; ngunit ito ay isang bagay na nagtataglay ng isang teorya na hindi salungat sa katwiran o siyensiya.


At kung bukod doon, ang teoryang ito ay may batayang may katotohanan. Dapat rin na tanggapin na ang ating paninindigan ay higit na pinagtibay ng dahilan at karanasan. Ang mga gayong makatotohanang batayan ay ating iginigiit, ipinagkakaloob sa pamamagitan ng penomena ng manipestasyon o paghahayag ng espiritu, na siyang bumubuo sa hindi maitatangging katibayan na mayroon at ang pagkakaroon ng buhay ang mga kaluluwa.

Sa mga maraming mga tao, gayunpaman, ang kapaniniwalaan ay nagtatapos dito; madali nilang natatanggap ang pagkakaroon ng mga kaluluwa, at gayun din ang mga espiritu, ngunit hindi nila matanggap ang posibilidad na pagkakaroon na mga komunikasyon sa kanila, dahil,"anila,"ang mga nilikhang hindi materyal tulad ng mga espiritu ay hindi nagkakaroon ng aksyon sa mga taong may katawang materyal."

Ang pagkakait na ito nalikom mula sa kamangmangan tungkol sa tunay na kalikasan ng mga espiritu, tungkol sa kung saang mundo sa pangkalahatan ay mayroong lubhang taliwas ng mga ideya, hindi wasto tungkol sa kanilang pagtanggap na ang mga ito ay abstraktong mga nilikha, bilang isang bagay na hindi maliwanag at walang katiyakan; na siyang isang malaking pagkakamali.

Halaw sa “The Mediums Book”, Allan Kardec

2011-01-019

Tuesday, January 18, 2011

Theory of Plurality of Worlds (Ang teoriya ukol sa Maraming mga Daigdigan)

Ano ang teoriya tungkol sa karamihan ng mga daigdigan (plurality of worlds)? 

Ano, kung tatanungin, ang nangyayari sa mga kaluluwa na dumarami at dumarami sa walang hanggan sa pamamagitan ng teoriya ng karamihan ng mga daigdigan, ngayon na ang astronomiya at helohiya (geology) ang nag-aalis ng kanilang matandang tinatahanan?

Sa katanungang ito, ang sagot namin ay, ang doktrina na dati ay nagsasabing ang unibersal na espasyo ang siya rin na nakikita na isang malaking sistema, sa kalagitnaan kung saan tayo nabubuhay, na siyang sumasakop sa ating ng walang paghinto.

Mayroon baga na hindi katanggap-tanggap sa gayong teoriya, kahit na anong bagay na tila taliwas sa ating katwiran?

Hindi nga, sapagka’t ang ating katwiran ang magsasabing iyon na nga at di mapasusubalian. Subali’t, maaaring itanong, ano ang magiging kahihinatnan ng doktrina tungkol sa gantimpala o parusa sa hinarap na buhay, kung aalisan sila ng kanilang espesyal na kalalagyan?

Halaw mula sa “The Mediums Book”, Allan Kardec

2011-01-018

Monday, January 17, 2011

Perispirit (Ang Peri-espiritu)

Ano ang peri-espiritu?

Ating isaalang-alang ang espiritu tungkol sa punto ng kanyang pakikipag-unyon sa katawan laman. Ang espiritu ay ang prinsipal na nilikha, sapagka’t ito ay may pag-iisip at walang kamatayan, at ang katawang laman na siyang bumabalot, ay isang damit, isang materya, na huhubarin ng espiritu kapag ito ay lumisan na, at isa pa bukod sa ito ay balot na materyal , ang espiritu ay may ikalawa na dito ay bumabalot, isang semi-materyal, at kung saan ito sumasama sa espiritu sa oras ng kamatayan ng katawang laman, ang espiritu humihiwalay sa katawang-laman, ngunit pinapanatili ang semi-materyal na balot, na kung saan bibigyan namin ang pangalan na peri-espiritu.


Ito ay semi-materyal na balot, na animo ay hugis tao, para sa mga espiritu,ay binubuo ng isang mala-hanging (gas) pluwido, na bagaman hindi nakikita sa kanyang pangkaraniwang kalagayan ay mayroon ng ilan sa mga katangian ng materya. Samakatuwid ang Espiritu ay hindi isang matematikal na punto, hindi isang abstraksyon, kung hindi ay isang tunay nilikhang may buhay, limitado at nakapalibot, at ang kulang lamang ang mga katangian na ito ay maaaring makita at kalinawan upang ipakita ang kanyang pagkakahawig sa mga tao.

Kung ganoon nga, di umano, bakit hindi ito maka akto sa materya? Dahil ba sa katangian nitong pluwido? Subali’t ito ay hindi kabilang sa mga pinaka bihirang pluwidong, ang mga na tinatawag naming "di makita o maisip," tulad ng kuryente, halimbawa, kung saan matatagpuan ng tao sa kanyang pinakamakapangyarihang mga motor?

Hindi kaya ang hindi maisip na liwanag ay gumawa ng isang kemikal na pagkilos sa isang materyang may pag-iisip?

Hindi namin maunawaan ang mga tiyak na kalikasan ng peri-espiritu, subali’t kung ito ay nabuo sa pamamagitan ng mga materyang elektrikal, o ng iba pang materya na may kapinuhan, bakit hindi ito dapat na magkaroon ng katulad na mga katangian ng pagkilos tulad ng elektisidad, kapag sa samasailalim ng direksyon ng isang kalooban?

Halaw mula sa “The Mediums Book”, Allan Kardec

2011-01-017

Sunday, January 16, 2011

Destination of the Soul (Patutunguhan ng kaluluwa)

Saan napupunta ang mga kaluluwa matapos ang kamatayan?

Ayon sa pangkaraniwang paniniwala, ang kaluluwa ay napupunta sa langit o sa impiyerno; nguni’t saan ang langit, at saan ay impiyerno? Ang mga tao dati nang sinasabi na ang langit ay ''sa mataas, "at impiyerno,''sa ibaba;" nguni’t ano ang "nasa itaas ," at ano ang "nasa ibaba?"

Sa Uniberso, dahil napatunayan na ang Lupa (Earth) ay bilog, sa pamamagitan ng paggalaw ng lahat ng planeta at mga bagay sa kalawakan , kung ano ang "nasa itaas" ngayon, ay magiging "nasa sa ibaba" pagkalipas ng labindalawang oras dito, at ito sa buong napakalaking lawak ng walang katapusang espasyo.

May katotohanan, sa pamamagitan ng sinasabing "ibaba," maaari naming din na maunawaan ang "malalim na dako ng lupa;" nguni’t ano ang mga "malalalim na lugar," dahil ngayon ang mga hiyolohista (geologists) may sinimulan upang maghukay sa loob ng globo?

Ano ang mangyayari sa mga konsentrikong kabilugan na tinatawag na "langit ng apoy," ang "langit ng mga bituin," atbp, dahil tayo ay may kaalaman na ang Lupa ay hindi ang sentro ng Uniberso, at ang ating haring Araw ay isa lamang sa mga hindi mabilang na mga Araw na lumiwanag sa kalawakan, at ang bawa't isang Araw kung saan ito ay ang sentro ng isang pamplaneta sistema ng kanyang sarili?

Saan na ngayon ang kahalagahan ng Lupa, ang nawala sa bilang na ito sa kanyang kalakihan sa kalawakan?

At sa anong di makatarungang pribilehiyo ang dapat nating ipalagay na ito hindi mapapansin tulad ng butil ng buhangin, ni hindi maihahalintulad sa kanyang kalakihan, ang posisyon nito, o anumang kakaibang uri ng mga katangian, tanging ito lamang baga ang daigdig na may mga nilalang na may mga karunungan?

Ang katwiran ay umaayaw tanggapin ang gayong walang saysay na walang hanggang buhay; at ang sentido komon ang magsasabi na ang lahat ng daigdigan sa Uniberso ay tinatahanan ng mga nilikha, at sa gayon, bilang tahanan, sila man magibigay ng kanilang kalakhan sa dimensyon ng mga kaluluwa.

Halaw mula sa “The Mediums Book”, Allan Kardec

2011-01-016

Saturday, January 15, 2011

Inhabitants of Universal Space (Mga Nananahan sa Kalawakan)

Ano ang pumupuno sa kalawakan?

Ang mga kaluluwa, na siyang pumupuno sa kalawakan, ay yaong mga tinatawag nating espiritu: at ang mga espiritu ay walang iba kungdi ang mga kaluluwa ng mga tao na nag-iwan na ng kanilang katawang-laman.

Kung ang mga espiritu ay mga nilalang na kaiba sa ating mga sarili, ang kanilang pagkakaroon ay magiging kathang isip lamang; ngunit, kung tinatanggap natin na mga kaluluwa ay walang kamantayan, kailangan din nating tanggapin na espiritu ay walang iba kungdi ang mga kaluluwa.


At, kung ating tanggapin na ang kaluluwa ay walang kamatayan, kailangan din nating tanggapin na ang unibersal na espasyo ay tinatahanan ng mga kaluluwa, gayun ding dapat na tanggapin na ang mga espiritu ay nasa sa lahat ng dako. Hindi natin maaring itanggi ang pagkakaroon ng mga espiritu at ang pagkakaroon ng mga kaluluwa.

Halaw mula sa “The Mediums Book”, Allan Kardec

2011-01-015

Friday, January 14, 2011

Types of Spirits (Uri ng mga Espiritu)

Ano ang mga uri ng Espiritu at kung saan ang mga ito ay nananahan?


Ang mga uri ng Espiritu:
  1. May kataasan
  2. May kababaan
  3. Hibang – hindi masasabing may kataasan o may kababaan, mapanukso
Saan nananahan ang Espiritu

Ang mga Espiritu na nagkatawang laman (incarnado) ay nananahan sa iba at ibang  daigdigan sa buong sangkalawakan (universe).  Samantalang ang mga espiritu na hindi nagsakatawang laman (desincarnado)  ay nananatili sa bayan  ng mga espiritu na nasa ganitong kalagayan sa mahaba o maikling panahon na tinatawag na espiritung naglilibot(errant, wandering spirit) ay hindi sumasakop ng isang pirmihan o nakatakdang rehiyon.  Sila ay nasa lahat ng pook, sa kalawakan, sa paligid natin, namamalas tayo at nakikihalo sa atin palagi.  Sila ang mga nilalang na nananang kasama natin na hindi nakikita, patuloy na gumagalaw at abala sa atin, sa lahat ng panig.


Ang mga Espiritu ay patuloy na kumikilos sa daigdig na pangkaluluwa at sa daigdig ng mga hugis a anyo.  Sila ay kumikilos sa laman (matter) at sa kaisipan na siyang bumubuo ng isang kapangyarihan ng kalikasan na siya ring episyenteng sanhi (efficient cause) ng maraming uri ng penomena na hindi maipaliwanag o hindi maintindihan ng mga tao. Ang mga espiritista ang nakapagbibigay ng rasyonal o may lohikang (rational) pagpapaliwanag sa mga penomenang ito.

2011-01-014

Thursday, January 13, 2011

Medium (Talaytayan o Kasangkapan)


Ano ang tinatawag na talaytayan (Medium)?

Bahagi ng talaytayan ay ang kaangkinan ng isang kaluluwa.

Ito ang mensahe.(Abotsabi 12/1/93 –Arkanghel Rafael):

Ang isang talaytayan ay tagapamagitan ng kaitaasan at kalupaan. Mula sa Diyos, Espiritu at Katotohan. Ito ang daan upang ang diwa ay inu-ugnayan ng liwanag.

Ang diwa na may kalagayang napali at napanday na sa naunang buhay na dinaanan: bawa’t danasin ay karunungan at bawa’t karunungan ay tiisin.
Ang mga suliranin at pagsubok, tiisin at pakikipag-ugnay.


Ano ang kahalagahan ng talaytayan?

Sa pamamagitan ng talaytayan ay nagkakaroon ng ugnayan ng diwa sa kapwa diwa, kabuuan ng pag-iisip, damdamin at kalooban. Kapag walang katahimikan, walang kapayapaan, at kung walang kapayapaan, walang katalinuhan.

Bilang patotoo ng tungkulin ng mayroon ng mabigat na pananagutan ang mga talaytayan ay isa sa mga haligi ng isang samahan. Katulad ng haliging isang tahanan na kapag ang haligi ay matatag, ang bahay ay matatag. Kung ito ay mahina ang bahay ay mahina rin.

Ano ang paghahandang dapat gawin ng talaytayan?

Hindi lamang isang araw bago tumupad ng tungkulin ang pagahahanda , kungdi sa buong sandali at kalagayan ng isang talaytayan.

Ang paghahanda ng isang talaytayan ay sa pamamagitan ng paglilinis ng tatlong kaangkinan; isipan, damdamin at kalooban, pagpapadalisay at pagpapakabuti sa kaugalian ay hindi isinasagawa sa isang araw lamang upang magkaroon ng pagsulong ang kanyang karapatan.

Lahat ng iyan ay umiikot sa buhay kahapon, sa buhay ngayon, at sa hinaharap. Kailangan ang paghahanda kahapon, ngayon at sa hinaharap. Hawakan ang kabuuan upang huwag lumihis patungo sa daan ng Kaliwanagan.
Ang mga talaytayan ay kailangang maging maingat, may mga bahagi ng karunungan na di kailangan agad na lulunukin sapagka’t kayo ay mabibilaukan. Dapat ito ay pinag-aaralang mabuti, tulad ng pagkain na kailangang nguyain upang maging pino.

Kailangan niyang matutuhan ibigay ng buong buo ang kanyang sarili na hindi magkukulang ang bahagi ng laman. “Ang lahat ay ibibigay, humiling ka sa Kanyang pagpapala.”

Ang tumutupad ng tungkulin ay hindi natatakot tumupad ng tungkulin o walang kinatatakutan. Ang nagbibigay ay may matatanggap, ang kailangan lamang ay hawakan ang kanyang sarili sapagka’t “hindi kayo nag-iisa, wala kayong magagawa kungdi ang makakapit sa puno ng ubas.”

Ano ang dapat ipanalangin ng mga nakikinig sa talaytayan?

Ang mga nakikinig ay may lakas na ibinibigay upang maging wasto at mapayapa ang kaisipan ng bawa’t isang nakikinig.Kung ibig tulungan ang isang gumaganap na talaytayan. Mag-ambil ng panalangin: “Nawa ay masupil ng talaytayan ang katawang lupa sa sandali ng kanyang pagtupad.”

Paano susuriin ang mga ipinahahayag ng talaytayan?

Sa patanggap ng isang nakikinig ng karunungan ay itanong niya sa kanyang sarili, “saan ka dinala, sa kaliwanagan o sa isang ang kaliwanagan ay tinatakpan?”

Ang paggamit ng puting damit o roba ng mga talaytayan.

Sa diwa, ang puting damit ay ang kalinisan ng pag-iisip, kadalisayan ng mithiin na maging kasangkapan na maging mabuti. “Ang kay Caesar ay kay Caesar, ang sa Panginoon ay sa Panginoon.” Ito ay inuugnay sa talaytayan.

Sa literal, ang puti o anumang uri ng kulay ng damit ay walang kinalaman o saligan ng isang kaluluwa sapagka’t ito ay materyal lamang.

Alalayan, bantayan ang mga talaytayan; ang bawa’t pagkakamali na inyong makita, bilang pag-ibig ibigay ninyo upang mapag-aralan at maituwid ng kanyang sarili. May nagbibigay at may tumatanggap mahalaga ang pagsisikap ng lahat upang hindi saktan ang damdamin, kung hindi upang siya ay itayo, pakinisin at patibayin.

2011-01-013 

Wednesday, January 12, 2011

Spiritual Elements (Mga Elementong Espirituwal)


Anu-ano ang limang elementong espirituwal?

Ang mga konsepto na ating tinatawag na, panahon (time) at espasyo (space), liwanag (light), kimpal (mass) at lakas o enerhiya (energy), ay mga bahagi ng mga nilikha ng Diyos at maaaring ituring na repleksyon ng Kanyang mga katangian.

Dahil ang Diyos ay naalinsunod sa Kanyang mga gawa na hindi pabago-bago, kapag pinag-aaralan ang Banal na Aklat, hindi tayo dapat mamangha na makita na mayroong mga katumbas na elemento sa daigdig ng Espiritu at ng daigdig ng kalupaan. Ang pag-aaral sa mga elementong ito ay may mahalagang papel na ginagampanan upang maunawaan kung sino ang Diyos, kung sino tayo, ano ang darating at paano tayo tutungo doon.

1. Ang espirtuwal na panahon (spiritual time). Ito ay kumakatawan sa mga pauli-ulit na kaganapan na hindi hinapit sa pisikal na lineyar (physical time) na may oras, minuto at segundo na aspeto ng panahon. Karamihan sa mga ito ay may kaugnayan sa mga kaganapan sa mundong darating.

2. Ang espasyong espirituwal (spiritual space). Ito ay tumutungkol sa mga dimensyon lampas sa ating dimensyong na pisikal, kasama ang mga aspeto ng mga yaon na itinakda sa lupa para sa atin.

Sa espasyong pisikal (physical space), mayroon tayong tabernakulo, templo o altar kung saan ang Diyos ay pinaniniwalaang nananahan sa ating kalagitnaan. Ang espasyong ito ay kinakailangan upang ang espirituwal na liwanag ay maipahatid, tulad din na ang pisikal na espasyo ay kailangan sa pisikal na liwanag.

3. Ang espirituwal na liwanag (spiritual light). Ito ang salita ng Diyos o kaya ang perpektong kalooban ng Diyos na palagian. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinakikita sa pamamagitan ng liwanag sa Banal na Aklat. Tulad ng sa sitas ng Banal na Aklat, “ Ang salita mo’y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.” (Psalmo 119:105)

Isa sa mga pinakamalinaw na pagkalito ng mga tao na may pagsasaalang-alang sa kanilang pang-unawa ng Banal na Aklat ay maaaring bigyan diin sa pamamagitan ng kung ano ay isang pangkaraniwang literal na paggamit at hindi tamang interpretasyon.

Ang pisikal na liwanag (physical light) ay yaong liwanag na nakikita ng mga mata.

4. Ang espirituwal na kimpal (spiritual mass). Ito ay tumutungkol sa kahit anong nilikha, may katawang-laman o wala man na ang tungkulin ay maisakatuparan ang kalooban ng Diyos. Ang mga halimbawa: mga arkanghel at mga anghel, mga banal na alagad ng Diyos, mga dakilang guro, mga pastor, na siyang naghahatid ng layunin ng Diyos.

Ang pisikal na kimpal (physical mass) ay tumutungkol sa kahit anong nilikha na may katawang laman may buhay man o wala tulad ng tao, hayop, gusali, halaman at iba pa.

5. Ang espirituwal na lakas (spiritual energy). Ito ang mga lakas na resulta ng mga gawa ng mga anghel, ng Banal na Espiritu, ni Hesukristo na naipakita sa mga milagro at rebelasyon.

Ang pisikal na lakas (physical energy) ay mga lakas na naroon sa mga nilikha o mga bagay na kinakikitaan ng lakas katulad ng lakas ng tao (strength) na nakagagawa at nakabubuhat ng mabibigat na bagay, lakas ng kabayo (horsepower) na nagpapakita ng lakas ng pagbuhat o paghila ng mga tao o mga bagay, lakas ng makina (mechanical energy) na nakikita sa pagbuhat, paghila, paglilipat ng mga malalaki at mabibigat na mga bagay at lakas ng elektrisidad (electrical energy) na makikita sa pagpapatakbo ng mga gamit sa pamamagitan ng kuryenteng elecktrikal na nakakapagpadali sa gawain ng mga tao.

2011-01-012

Tuesday, January 11, 2011

Light (Ang Liwanag)



Ano ang liwanag?

Ang liwanag mismo ay hindi nakikita, subali’t kung wala ito ay wala tayong makikita. Sa wari ito ay lumilipat lipat mula sa isang pook patungo sa isa pang pook agad agad, naglalagos sa mga bagay na solido katulad ng salamin. Kung ito ay bahagi ng daigdig na materyal, tinitiyak na sa pamamagitan ng kanyang napakagaling kapitaganan, ang bahagi na pinakamalapit sa espiritu.  Ang liwanag ay identikal sa Diyos, sapagka’t ang Diyos ay Liwanag.

Ginagamit natin ang liwanag upang magsagawa g siyentipikong pananaliksik. Ang ating pagka-uhaw sa kaalaman ang siyang humihimok sa atin upang siyasatin o galugarin ang mundo sa paligid natin. Ano ang mga proseso na magbigay-lakas sa buhay? Paano natin maaaring ipaliwanag ang mga katangian ng bagay at bumuo ng mga bagong materyal? Maaari kaya na isang araw magiging posible na lupigin ang mga virus, hulaan ang mga natural kapahamakan o maalis ang polusyon?

Ang liwanag ay mabuti, ang liwanag ay mahiwaga, ang liwanag ay kapaki-pakinabang. Pagkatapos ng lahat, sinasabi nila ang lahat ng bagay ay nagsimula sa liwanag. Kapag anumang rebolusyon ang nangyari sa kasaysayan ng agham, ang ilaw ay laging naroon. Kaya nararapat ang kaunting pansin.

Sa ating uniberso, may dalawang uri ng tipik o partikel:
1. Napakalaking kimpal (massive) katulad ng elektron (electron), kotse, at mansanas. Ang mga ito ay palaging tumatakbo nang higit na mabagal sa bilis ng liwanag (speed of light).
2. Iyong walang kimpal (massless) katulad ng mga poton (photon) na gumagalaw na may bilis ng liwanag.

Anuman ang gawin mo, hindi mo maaaring pabilisin ang isang napakalaking bagay sa bilis ng liwanag. Maaari mong lapitan ang bilis ng liwanag, ngunit hindi mo na kailanman maabot ito. Bakit kaya? Dahil sinasabi ng teorya, at dahil kakailanganin mo ng isang walang hangganang dami ng enerhiya upang gawin iyon!

Ang Pisikal na Liwanag

Ang pisikal na liwanag ay isang walang kimpal (massless) na partikel na may enerhiya na nau-ugnay sa isang malawak na hanay ng sukat ng pag-alon (wavelength) bilang ipinapahiwatig ng magkahalong elektrikal at magnetikong espektro (electromagnetic spectrum) ng radyasyon. Ang mga ito ay maliit na mga partikel na maaaring kumilos tulad ng mga alon.

Ang Espirituwal na liwanag

Ang espirituwal na liwanag ay naglalakbay sa ibayo ng lahat ng mga dimensyion ng katotohanan, pisikal at di-pisikal, na nakakaapekto sa katawang laman gayon din ang sariling kamalayan. Ito ay partikular na totoo para sa mga taong higit na puno ng liwanag at higit na sensitibo sa mga enerhiya at gayun din doon sa hindi sensitibo.

Ano ang liwanag sa daigdig ng mga espiritu?

Ang liwanag sa daigdig ng mga espiritu ay nangangahulugan ng isang kalagayan ng pagkakaisa sa Kalooban at mga Batas ng Diyos. Ang pagkakaisang ito ay maaaring matiyagan sa lahat ng sulok ng uniberso.

Ang mga hayop ay nabubuhay sa perpektong harmoniya sa mga Batas ng Diyos, na siyang pinakamababang antas na maihahalintulad. Sa mga tao, namamahala ang malayang kalooban (free will) ito ay harmoniya o mabuting pagsasamahan. Ganito rin ang nangyayari sa bagay na walang buhay may may kanyang kauring harmoniya. Ang Pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang Espiritu ay nasasa buong uniberso, ang mga ito ay magkatugma sa Diyos, bilang Kanyang Sariling Sustansiya, o Enerhiya ng Kanyang Espiritu.

Sa lohika, ang harmoniya na tinatawag nating liwanag, habang tayo ay lumalapit sa Diyos at tumatawid sa mga kabilugan ng daigdig ng mga espiritu kung saan may higit na harmoniya, ito ay higit na matingkad ay liwanag.

Ang harmoniya, o ang mabuting pagsasamahan ay may magkakaibang mga antas ng mga batas, subali't maaari rin itong tawaging mga bibrasyon, kabutihan, o bigyan ito ng anumang iba pang naaangkop na pangalan na darating sa ating kaisipan. Ang mga bibrasyon na higit ang dalas at higit na pagtibok (higher frequency), ay katumbas ng higit na pagkakaisa(harmoniya) at kung ito ay taliwas, kaunti ang dalas at ang pagtibok (lower frequency) ang ibig sabihin kulang ang pagkaka-isa at nawawala ang harmoniya.

Ang Pag-ibig ng Diyos ay hindi isang anyo ng bibrasyon, ngunit ito ay ang Sariling Substansya ng Ama, ang Espiritu Santo ay bahagi ng Espiritu ng Diyos. Ang mga bibrasyon ay sukat (measure) ng harmoniya lamang kung saan ang mga ito ay uma-ayon sa mga Batas at ang Kalooban ng Diyos. Dahil diyan, maaaring sabihin na ang harmoniya ay ganap (absolute), nagbibigay ng walang pasubaling liwanag o mga bibrasyon sa mga pinakamataas na prekwensi, bilang isang produkto ng Kanyang kalagayan.

Samakatwid, malinaw na ang kahulugan ng salitang "liwanag" o ang kasinghulugan nito na mga bibrasyon sa ganitong konteksto sa larangang espirituwal.

Mga Espiritu na nasa Kaitaasan

Ang mga persepsyon ng kaluluwa ay daan upang makita ang mga uri ng harmonya na siyang sa ating mga sarili umu-unlad. Ang mga Espiritu na nasa kaitaasan nakita, para sa kadahilanang ito, ang harmonya sa mga likas na espiritu (natural spirits) ay nangangahulugan na, maramdaman nila ang liwanag na kanilang ibinibigay, at inilarawan nila ang mga ito bilang mga makinang na mga Espiritu. Ngunit maaari rin nilang maramdaman ang pinakamataas na harmonya, ang pagkakatugma sa Pagka-Diyos Mismo, sa mga Espiritung nasa kaitaasan, nailalarawan lalong higit na makinang at maliwanag.

Ang mga Espiritung Likas

Ang mga espiritung likas (natural spirits) ay hindi naramdaman ang pinakamataas na harmonya. Sa kanila, ang mga Espiritu na nasa kaitaasan ay masyadong maliwanag. Sa kadahilanang iyon, higit na mahirap na kumbinsihin ang napakasulong na espiritu sa pinakamataas na kabilugan ng landas na makalangit, dahil hindi nila maramdaman ang anumang malaking kapakinabangan, o higit na kaliwanagan.

Sa mga espiritu sa kababaan o sa kabilugang may kababaan, ang mga espiritu na nasa kaitaasan ay maliwanag at kaakit-akit. Hindi nila maramdaman ang anumang mga pagkakaiba, doon lamang mapapansin ang mga esensiyal na pagkakaiba sa pamamagitan ng desisyon ng pagpapatuloy sa kahabaan ng landas patungo sa Banal na Pag-ibig at ang kahihinatnang pagkuha ng Pag-ibig na ito, ay lumalawak ang pang-unawa ng kaluluwa at ang mga espiritu.

Ano ang ibig sabihin ng Maestro Hesus sa "liwanag ng sanlibutan"?

Ang wika, "kayo ang ilaw ng sanglibutan", ay nangangahulugan na pamamagitan ng pagkuha ng mga nilalang sa Pag-ibig ng Ama sa Langit at nagawang maging aktibo ang Pag-ibig na ito, sila ay higit na nasa harmoniya sa Dakilang Manlalang.

2011-01-011






















Monday, January 10, 2011

Faith (Pananampalataya)

Ano ang tinatawag na pananampalataya?


Ang pananampalataya  ay hindi nakukuha sa lohikal na pangangatwiran kungdi sa kutob o intuwitibong damdamin (intuitional feeling), “na ito ay totoo”, isang pagbabalik gunita  or rekoleksyon ng kaalamang iyon na nasa sa atin na sa ating mga unang kapanganakan.

Ang isang mayroon ng pananampalataya ay nakababatid na ang uniberso ay napapailalim sa Batas moral at pisikal at mayroon ng isang katarungan sa kosmos. Kung tayo ay may pananampalataya sa Batas ng Karma, nawawala ang ating pagkatakot.

Sa pamamagitan ng pananampalataya ang kapangyarihan ng kalooban ay pinagtitibay; kaya nga tayo ay lumalakas ang loob, hindi naduduwag at nakahandang humarap sa kahit na anong makakaharap; nakahanda upang sumulong at itaas ang antas ng kalagayan bagaman at marami ang mga balakid at hadlang, nakahanda na mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang at kahirapan at lahat ng mga kalagayan.

Ang  pananampalataya ay isang katangian na biniyayaan ng isang mabisang kapangyarihang makalikha (potent creature power) at ito ang lakas na humihikayat sa tao tungo sa isang higit na mabuting pamumuhay.

Kung ang pananampalataya ay mahina, ano ang ating gagawin upang ito ay mapaunlad o kaya ay ito ay madagdagan?

Ang pananampalataya ay hindi tumutubo at lumalago kapag tayo ay sumasandig palagi at palagi sa ating kaluluwa at sa batas na siyang nagpapalakad sa kalawakan. Dapat nating pag-aralan na magtiwala at maging matapat sa ating sarili (kaluluwa o espiritu) at sundin ang hinuhod nito sa ating kalooban.  Dapat magsagawa ng makatotohanang pagsasagawas at magamit ang karunungan na ating natutuhan.
  1. Ang dalangin at hinahangad para sa kapakanan ng kapwa ay makakatulong.
  2. Pag-ibayuhin ang gawi na palagiang tignan ang totoo, ang maganda at mabuti, ang tumingin sa maganda at masayang bahagi ng mga bagay at pangyayari.
  3. Dapat din tignan na nasa kaibuturan ng puso ng tao, dito, ay may nakatagong kabutihan at hindi ang humatol sa panlabas na anyo.
  4. Pag-ibayuhin at paunlarin ang kapangyarihang magsuri at paglagom ng mga kaganapan upang ang kahit na anong dumating sa atin, isang aral ang matutuhan.
Darating ang panahon ating mapapag-isip isip na huwag kalimutan bigyan pansin ang kahit na isang kaisipan o diwa,  kahit na ang isang impresyon.  Sapagka’t sa pagpapa-unlad ng pananampalataya, ating susubukin ang bawa’t baitang habang tayo ay humahakbang, ating susuriin ang ating mga reaksyon o ganting galaw at ituon ang ating paningin sa isang adhikain at ito ang gagamitin nating buhay na kapangyarihan sa ating mga buhay.

Ang pinakamataas na paghahayag ng pananampalataya at pananalig ay iyong namamagitan sa mag-aaral at sa nagbibigay ng aralin (Diyos).  Kung kaya kinakailangan ang ganap-ganapan pagiging matapat sa Panginoon at sa layunin ng Panginoon.  Isang ganapang pananalig o debosyon sa Kanya na siyang nakaka-alam ng lahat ng bagay, at ang paniniwala sa mga alagad ng Panginoon, mga batlaya o ang kapatiran ng mga banal.

At dahil dito, mararamdaman natin na tayo ay pinangangalagaan, at mawawala ang takot, ang pangamba sa ating mga sarili dahil hindi tayo pinababayaan.
Kailangan natin ngayon na pag-ibayuhin sa ating mga sarili ang isang matatag na pananampalatayang ikaw at ako ay napalapit sa Panginoon.  At ang Panginoon ay nagkakaloob sa lahat at bawa’t isang malapit sa Kanya ng mapagkandiling pangangalaga.

Kung tayo ngayon ay may panamnampalataya sa Panginoon at sa Batas ng Panginoon, kasama ng karunungan ng ating Espiritu, tayo ay mananatiling tapat sa ating katuruan, matapat sa ating mga kapwa kasamahan at matapat din doon sa mga pumapailalim sa Batas ng Karma na silang humahawak at gaganap ng tungkulin upang maipagpatuloy ang paggawa.

Ito ang mensahe, (Abotsabi ng  Propeta Uriel 10/17/93)

Kung kayo ay kayo na nga, ang mga mananampalataya at buong katatagang umuunawa sa ibinababa ng kaitaasan, hindi na darating sa inyong mga sarili ang pag-iimbot, ang karamutan, ang pagkapoot sa inyong mga paligid.  Hindi na darating sa inyo ang panghihinala na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapatid sapagka’t katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyong kalagitnaan, ang paghihinala sa inyong mga kapatid at sa inyong mga kapwa ay isang malaking kasalanan sa inyong pagkatao.

2011-01-010

Sunday, January 9, 2011

Psychic Abilities (Mga Kakayahang Saykiko)

Ano ang etika at moralidad ng saykikong kakayahan ng tao (Psychic Abilities)?

Sa ating materyal na realidad, ang ating konsepto ng lahat lahat ay nabuo sa pamamagitan ng ating limang mga pananggap at intelektuwal na pangangatwiran. 

Ang ating persepsyon ng realidad nang lagpas pa sa mundong pisikal ay kinabibilangan ng paggamit ng espirituwal na pakultad na tinaguriang mga kakayahang paranormal, mga kakayahang saykika (psychic), karagdagang persepsyon ng pakiramdam (ESP), telepatiya at iba pa. Ang pagkakaroon ng ganitong mga kakayahan ay pangkalahatang tanggap at di maipagkakaila. 


Upang maging malinaw, ang pag-unlad ng mga pakultad na Espirituwal, o saykikong kaangkinan ng tao, ay pina-uunlad bilang isang mekanismo na kung saan ang mga indibidwal ay muling kumokonekta sa at nakikipag-ugnayan sa Kaitaasan. Na ang mga pakultad ay umiiral at ang ibig sabihin nito ay ang mga parametro ng araw-araw na buhay at pag-iral ay nagbabago.

Ang pagbuo ng isang koneksyon sa Diyos ay hindi isang pagkilos laban:
a. sa anumang relihiyon
b. sa anumang pamahalaan
c. sa agham o medisina
d. sa salapi

Ang salapi aay isa lamang daluyan ng pagpapalitan, isang kasangkapan upang mapabilis (facilitate) ang pagkilos ng enerhiya at mga materyal sa loob ng isang lipunan. 

Ngayon, mayroong mga simulain, paaralan o guro na maaasahan at maaaring pagkatiwalaan. Iyon ay ang banal na pamana na iiral sa loob ng bawa’t indibidwal. Ito ang banal na pamana na direkta o tuwirang nakukuha sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng mga espirituwal na pakultad. 

Ang koneksyon ay makakamit sa pamamagitan ng ‘ang naghahanap ay makasusumpong’ (seeking and finding). Ang kapangyarihan na makukuha bilang resulta ng pakikipag-ugnayan sa Kaitaasan pagpapa-unlad na may karunungan, pananaw, kahabagan, at pananagutan (responsibility).

Ang di tumpak na paggamit na espirituwal na pakultad ay nagdaragdag sa paghihiwalay mula sa Diyos at siya rin namang nagbabawas sa mga natitirang magagamit na enerhiya at kapangyarihan.

Ang karma, ang batas ng kasanhian (cause) at kahihinatnan (effect), nagbibigay sa mga indibidwal na umaabuso ng pagkakataon na makatanggap ng edukasyon upang ibalik sa katuwiran. Ang karma ay hindi kaparusahan para sa masamang gawa. 

Ang pinsala sa iba ay maaari lamang gawin ng isang tao na hindi naunawaan o respetuhin ang koneksyon na mayroon tayo sa isa’t isa at sa lahat ng nilalang. Ang pagwawasto ay darating sa anyo ng mga kasunod na mga karanasan sa buhay at mga pangyayari na kung saan nagbibigay ng pang-unawa sa mga konsekwensiya ng mga pagpiling nagawa. Sa pagwawasto, halimbawa, ang dati na siya ang naniniil ay ngayon ang magiging biktima ng paniniil.

2011-01-009

Saturday, January 8, 2011

Overcoming Hatred (Ang Pagsupil sa Galit)


Alam ba ninyo kung paano lulupigin ang inyong galit?

Ang mga sumusunod ay halaw sa Theosophical Digest, 4th Qtr, 1993 pp76-79:
Una, kapag nararamdaman na ninyo na kayo ay nayayamot, iiwasan ang mga bagay na nakapagdudulot ng pagkayamot o pagka-inis. Halimbawa, pumunta sa banyo at maligo, lumabas ng bahay, o kaya ay tumungo sa isang pook na ikaw ay makapag-iisa.

Pangalawa, uminom ng malamig na tubig na iyong kayang inumin.

Pangatlo, kapag ikaw ay nag-iisa na, maupo at sambiting malakas o kaya banggitin sa inyong isipan ang salitang, “OM kapayapaan, OM kapayapaan, OM kapayapaan. Habaan ang pagbigkas sa letrang M at hindi ang letrang O. Ang tunog ng OM ay nakapagpapalamig ng damdamin at pag-iisip at magdadala sa inyong kalooban ng kapayapaan. Lumanghap (inhale), sambitin ang OM, damhin na iyong hinihitit ang kapayapaan. Huminga ng palabas (exhale), sambitin ang OM, damhin ang isang malaking walis na naglilinis ng galit o pagka-inis sa kalooban.

Pang-apat, Manalangin. Usalin…
“Amang Makapangyarihan, nawa ay bigyan mo ng kapayapaan ang nagugulumihanan. Loobin mo po na magkaroon ng kalusugan at mahabang buhay.

Paano ang magpahingalay (relax)?

Ang mga sumusunod ay mga hakbang tungo sa pagpapahingalay:
Una, hanapin ang mga pagkakataon o sandali na ikaw ay nag-iisa sa inyong tahanan.

Pangalawa, walang laman ang sikmura.

Pangatlo, maupo nang walang galaw, tahimik.

Pang-apat, maging payapa sa paghinga.

Pagkatapos ay tanungin ang inyong sarili, “Hinihila ba ako ng aking kaisipan na tulad ng isang tuta na walang katuruan tungo sa pagsulong? Sinusunod ko ba ang aking kaisipan tulad ng isang alipin?

Tignan ang inyong kaisipan. Habang ikaw ay nananatiling mapayapa higit na madali na makita ang mga bagay sa iyong kaisipan.

Paghahanda sa meditasyon
Palalimin ang pangpapahingalay sa pamamagitan ng pagsambit ng mga salitang “OM kapayapaan.” Habang ikaw ay nananahimik at mapayapa, madadama mo ang katotohanang ikaw ay kapayapaan. Sa iyong puso nahihimlay ang lahat ng kapayapaan at kagandahan na hinahanap mo sa labas ng inyong katauhan. Kapag nalasap mo na ang malalim na pagpapahingalay ay handa ka ng magmeditasyon.

Kapag ikaw ay nagsimulang mag meditasyon, hindi lamang ikaw ang magbabago. Lahat at bawa’t isa sa inyong paligid ay magbabago rin nang hindi ka na kailangang magpagod sapagka’t ito ay kusang darating.

Sapagka’t tayo ang mga tagapagbago, tayo ay nakakasagap ng isang uri ng lakas, samantalang tayo rin ay nakapagbibigay ng ibang uri ng lakas.
Sa pisikal na antas, ang mga enerhiya ay ang hangin, skiat ng araw, tubig, pagkain. Sa paligid ng ating mga katawan ay may higit na lakas, isang palagiang presensiya kung saan tayo ay nakatatanggap ng kapayapaan, puwersa o lakas, at liwanag subali’t sa panahon lamang na atin ito matatanggap.

Sa inyong pananahimik, magnilay-nilay sa dalawang pangungusap:
“Kapag ang isang kapatid ang nagsabing ikaw ay hangal (fool), bakit ka magdaramdam? At sa gayon lalo lamang niyang napatunayan na siya ay tama.” (Swami Sivananda)

“Ang mga bagay na hindi natin mapatawad sa iba ay siya ring mga bagay na hindi natin mapatawad sa ating mga sarili.” (Carl Jung)

2011-01-008 

Friday, January 7, 2011

Negative Karma (Pagbabayad-utang)


Ano ang tinatawag na pagbabayad-utang?


Sa atin ay itinuturo na sa daigdig ng walang hugis at anyo, ay walang maililihim; na ang mga mapagkunwari ay lalabas ang tunay na pagkatao at ang lahat ng kanyang kalikuan ay mahahayag; na ang presensiya ng Isang hindi maiiwasan at walang hangganan; ng mga taong nagawan natin ng kamalian, ng pagkakasala at ng pagkukulang sa buhay sa lupa ay isang pagbabayad-utang na naghihintay sa atin sa kabilang buhay.

Ang kababaan o ang kataasan ng kalagayan ng mga espiritu sa kabilang buhay ay siyang may kinalaman sa magiging tiisin o danasin o kaluwalhatian na hindi naranasan sa daigdig ng may kataasan ng kalagayan.

Itinuturo rin na walang kapatawaran sa mga naging pagkukulang o pagkakasala, maliban sa pagbabayad-utang na nagaganap sa muli at muling pagsasakatawang-laman. Ang tao ay nakasumpong  ng kaparaaang ito ay magampanan sa pamamagitan ng marami at muling pagsasakatawang-laman (re-incarnacion) na siyang magtutulak upang ang isang nilalang ay sumulong nang naayon sa kanyang pagnanasa at pagsisikap tungo sa kawagasan na siya niyang pinakamataas na adhikain.

Sa katuruang Espiritismo ay tinatalakay lamang ang pagkakaroon ng kaluluwa at espiritu at ang kanyang kalagayan sa kabilang daigdig. Ang pag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay magiging tagumpay kapag pinaghihirapan ng mga nilalang na magtotoo; nagsisikap, walang paghatol at binubuhay ng isang matatag at matapat na pagtitika (determination) na makasumpong ng katotohanan.

“Magbabayad ang bawa’t kaluluwa hanggang sa kahuli-hulihang beles ng pagkaka-utang”, yan ang winika sa Banal na Kasulatan. 

Paano matutupad ang pagbabayad-utang kung minsan lamang isisilang ang tao sapagka’t maigsi lamang ang buhay ng tao? 

Kaya kinakailangang muling isilang ang tao upang matamo ang kawagasan. Ang nagaganap sa muling pagbabalik ay sa halip na makapagbayad ay nangungutang pa.

Layunin ng muli at muling pagkabuhay ay upang idaan ang isang kaluluwa sa maraming buhay na siyang papali, papanday upang kuminis, mapino ang kabuuan ng kalagayan ng isang kaluluwa.

Sa isang sandali ng pag-aaral, damhin na naroroon ang ugnayan ng nakaraan sa kasalukuyan. Halimbawa, sa pakikisalamuha sa kapwa na may kaugnayan ang buhay ng bawa’t isa, nagaganap ang karanasan.

Minsan, may tao na noon lang nakita ay mayroon na ng bigat ng kalooban.  At mayroon namang mga tao na sa una pa lamang ng  pagkakita ay magaang ang kalooban para sa kanya.  Ito ang nagpapakita ng ugnayan at kaugnayan ng bawa’t isa.

Bakit may nagkakagaangan ng loob at may kinabibigatan ng loob?  Ano ang penomeno ng “pag-ibig sa unang pagkikita?”

Ito ay galing sa nakaraan, at ito ang tinig na nangungusap tungkol sa ating nakaraan.  At sa bawa’t muling kabuhayan sa pagkaka-ibigan o pagkakaroon ng kaugnayan ang tali ay pinatitibay.

Hindi nangangahulugan na tayo ay muling babalik sa katulad na kalagayan at sa katulad na pagsasamahan.  Ang batas na pangkalahatan ay tila baga ang pagpapasok sa isang serye ng muli at muling pagkabuhay sa isang bahagi ng buhay ay mababago sa isang serye sa ibang bahagi ng kabuhayan.

May nagsasabi na may kadahilalan ang isang babae ay nagiging “tomboy” at ang isang batang lalaki mahilig maglaro ng manyika.  Ang lalaki noon ay naging babae sa muling pagkabuhay, ang  anak noon ay maging magulang sa muling kabuhayan.

Hindi sapat na makapagbayad na ng utang ay hindi na muling isisilang.  Halimbawa, si Hesus ay nagkatawang tao at iyon na ang kanyang huling reinkarnasyon upang ipakita sa tao na mayroong ng isang kaluluwa na nakaganap na isang tungkulin at tuparin at karunungang mamahagi sa mga mangmang.  Kinakailangan ang magsuri, magsaliksik at magsiyasat.

May isang tao na nagtanong kay Hesus kung paano siya mabubuhay na mag-uli, “maliban sa ikaw ay muling ipanganak.”

Paano mapapaloob sa sinapupunan ng isang ina?  Ano ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa reinkarnasyon?

Lahat ay may bahagi.  Mayroon ng liwanag na ibibigay sa susupil sa kaugalian ng tao, liwanag na susupil sa mga maling gawa.  Halimbawa, makaiwas ka ng magtanim ng poot sapagka’t batid mong ikaw ay nagbabayad lamang.
Kung ikaw ay magiging matalino sa pagbabayad ng kautangan, ikaw ay nagbabayad ng kusa. Kung nakakilala ng matwid, huwag mo nang balikan ang liko, ang bigat ay mayroon na ng kabawasan sa mga pagkaka-utang.

Mahalaga ang bunga na ibinibigay.  Isang kuro-kuro ng diwa ng isang kaisipan.

Abotsabi ,12/01/1993-Arkanghel Rafael
2011-01-007

Thursday, January 6, 2011

Influence of Spirits (Impluensiya ng mga Espiritu)

Ano impluwensiya ng mga Espiritu sa tao at paano ang mga paraan ng pagsusuri ng mataas at mababang Espiritu?


Ang impluwensiya ng Espiritu
Ang mga Espiritu ay laging may kaugnayan sa tao.  Ang mga espiritu na nasa mataas na antas o mayroon na ng kawagasan ay nagsisikap na ang tao ay akayin o maakay sa tamang daan. Tulungan at tinutulungan ang tao na mabata ang mga tiisin at danasin sa kanilang buhay.  Tumutulong din sila upang mabuhay sa atin ang katapangan o lakas ng loob (courage) at ang pagtanggap sa mga tiisin ng maluwag sa kalooban (resignation) isang paglapit (access) at may kalayaang malahiran ang mga taong may kagaspangan at mayroon hindi mabuting alitigtigin, o kaya nang dahil sa pag-uusyoso lamang at sa mga hindi mabuting gawa. Walang makikita sa may kababaan kung hindi pagsisinungaling, panlalansi o pandaraya, kayabangan sapagka’t  madalas silang gumagamit ng mga pangalan ng katauhang kinikilala at dinadakila.

Ang paraan ng pagsusuri sa mga mataas at mababang Espiritu
1.  Lenguahe (Language)
Ang lenguahe ng Espiritu na may kawagasan ay may dignidad, marangal, hindi masakit pakinggan. Walang bahid ng makamundong alitigtigin.  Ang mga payo ay yaong mga nau-ukol sa kabanalan at kabutihan at ang kanilang adhikain ay ang pagsulong at ang kabutihan ng sangkatauhan.
Ang pakikipagtalastasan ng mga Espiritu na may kababaan ay punong-puno ng kakulangan at ang lenguahe ay may kagaspangan.  Minsan, sila ay bumabanggit ng tungkol sa kabutihan at katotohanan subali’t kadalasan sila ay nagwiwika ng taliwas bunga ng kamangmangan o malisya.  Sila ay nakikipaglaro doon sa mga nagsusuri sa kanila sa pamamagitan ng kayabangan at pandaraya sa pamamagitan na kanilang huwad na pag-asa.

2.  Katuruan (teaching)
Ang katuruan ng Espiritu na may kataasan ay lumulundo sa katuruang “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin ng kapwa mo sa iyo.”  Ang ibig sabihin, gumagawa ka ng mabuti sa lahat at huwag magkasala kanino man.  Ang prinsipyo ng paggawa ay nagbibigay sa sangkatauhan ng isang batayan na pangkalahatan (universal application) magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking materya.

Ang may kababaan ay nagtuturo ng pagiging sakim, kataasan ng pag-uugali (pride), kamunduhan na siyang nagpapabalik sa tao sa kalikasan ng isang hayop, sapagka’t ang tao ay laging ikinakabit sa katawang laman na ang isang nilalang na nasa kababaan; kapag sinikap na ihiwalay ang kanyang sarili sa laman sa pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa, ito ay nagbubunsod  sa kanyang sarili na sumulong ang kanyang kalikasang pangkaluluwa na dapat lamang nating gawing kapaki-pakinabang ang ating mga sarili nang naayon sa pamamaraan ng inilalagak ng Diyos sa ating mga kamay bilang pagsubok at pag-aaral, na ang mga matatag ay kailangang tulungan at akayin ang mahihina; na kung sino man ang hindi gagamit ng lakas at kapangyarihang ito sa hindi mabuting kaparaanan ay lumalabag sa kautusan ng Diyos.

2011-01-006

Wednesday, January 5, 2011

Characteristics of the Soul (Kaangkinan ng Kaluluwa)

Ano ang mga  kaangkinan ng kaluluwa at ang kalikasan ng tao?


Ang kaangkinan ng kaluluwa
Ang kaangkinan ng isang kaluluwa ay yaong nagmumula sa espiritu na nanahan sa atin.  Kaya nga, ang isang mabuting tao ay ang pagkakatawang-laman ng isang mabuting espiritu.  At ang masamang tao ay yaong pagkakatawang-laman ng isang espiritu na mayroon pa ng mga kagaspangan.

An kaluluwa ay mayroon ng kanyang indibiduwalidad bago ito magkatawang laman (incarnacion) at nananatili ang indibiduwalidad sa kamatayan kung saan humihiwalay ang kaluluwa sa katawang laman.

Ang kalikasan ng tao:
  1. Sa katawang laman- ito ay may kaugnayan at may kalikasan ng isang hayop na may instingko.
  2. Sa pangkaluluwa – ito ay may kaugnayan sa kalikasan ng espiritu.
Ang muling pagsasakatawang-laman (re-encarnacion) ay laging nagaganap sa lahi ng tao.  And sunod-sunod na pagsasakatawang laman ng isang espiritu ay laging pasulong at hindi paurong pabalik sa kababaan. Subali’t ang bilis ng pagsulong ay batay sa pagsisikap na ginagawa ng tao upang makamit ang perpeksyon o ang pagiging ganap o wagas.

Sa muling pagpapasok ng isang kaluluwa sa bayan ng mga espiritu, doon din nito matatagpuan  ang lahat ng kanyang nakilala sa lupa at ang lahat ng kanyang dating kabuhayan ay muling magbabalik sa kanyang gunita, mga alaala ng mga buti  at mga pagkukulang na nagawa sa kanyang kapwa.

Ang espiritung muling nagsakatawang-laman ay umaalinsunod sa dikta ng laman.  Ang tao na bagaman at  sumusunod sa pita ng kanyang laman ay mai-aangat ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtataas ng antas ng kaunawaan at pagpipino ng kanyang kaluluwa palapit sa mga espiritung may kataasan  o kapinuhan, na, darating ang panahon siya man ay magiging kauri nito.

Ang mga nilalang na sumusunod sa dikta ng laman, at sa mga layaw ng katawan ay naglalapit sa  mga espiritung may kababaan o may kagaspangan bilang pagbibigay sa isang pananaig.

2011-01-005

Tuesday, January 4, 2011

Material and Spiritual Worlds (Materyal at Espirituwal na mga Daigdig)

Ano ang bumubuo sa kapatagang lupa at sa daigdig ng mga espiritu?

Ang mga nilalang na materyal (material beings) ang bumubuo sa mga nakikita o panglupang daigdig at ang mga nilalang na di-materyal (immaterial beings)  ang bumubuo ng di nakikita o ang tinatawag na espirituwal na daigdig o ang daigdig ng mga espiritu.

Ang daigdig ng mga espiritu ay normal, at kauna-unahan.  Ito ang daigdig na walang kamatayan, ito ang nandoon na noong unang pa at patuloy na nabubuhay.

Ang kapatagang lupa ay pangalawa lamang, ito ay maaaring mawala o kaya naman ay hindi nagkaroon, na hindi nababago ang pundamental na daigdig na espirituwal. Ang tao ay napili  upang maging kalamnan  ng mga espiritu.

2011-01-04

Monday, January 3, 2011

Learning from Spirit Communications (Pag-aaral ng mga Abot-Sabi)

Paano ang tumpak na pag-aaral sa mga abot-sabi?

Sa pag-aaral ng mga abot-sabi (komunikasyon mula sa mga talaytayan), tatlong bagay ang huwag kaliligtaan, iyong mga katanungang bakit, paano at kailan. Diyan sa tatlong bagay na iyan paikutin ninyo ang abot-sabi na inyong tinanggap at inyong matutunan kung ano ang hinihingi sa inyo.

Halimbawa

Mga kapatid, hindi matatapos ang panahon ng mga tao hangga’t siya ay mayroon ng gawain na dapat gampanan. Hindi natatapos ang kanyang pag-aalinlangan habang natatanaw niya ang mga bagay na dapat niyang matutuhan. Sa dalawang bagay na ito magagamit ninyo ang inyong panahon upang inyong baha-bahaginin sa mga bagay na inyong tuparin sa buhay na iyan, hindi lamang ang pagkain ng laman, hindi lamang pagkain ng espiritu ang dapat alagatain ng tao. Ang dapat niyang alagatain ay alagatain niya kapwa ang bagay na ito sapagka’t gaya ng aking sinabi sa inyo, ang manipestasyon ng karunungan ng espiritu ay sa pamamagitan ng kanyang kabuhayang materya.

(Halaw sa abot-sabi ng Arkanghel Rafael, 03/16/1990)

Bakit:

Bakit hindi matatapos ang panahon ng mga tao hangga’t siya ay mayroon ng gawain na dapat gampanan?

Hindi natatapos ang panahon ng mga tao hangga’t hindi natatapos ang pag-aalinlangan ng tao, hangga’t nauunawan at natatanaw niya ang mga bagay na dapat pa na matutuhan.

Paano?

Paano magagamit ng tao ang panahon upang mabahabahagi ito sa mga bagay ng tuparin?

Magagamit ng tao ang panahon sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay ng tuparin; dapat alagatain ng tao hindi lamang ang pagkain ng laman kung hindi gayon din ang pagkain ng espiritu, at alagatain ang dalawang bagay na ito nang magkasabay nguni’t may kabalansehan.

Kailan?

Kailan makikita ang manipestasyon na mayroon nang karunungan ang espiritu?

Makikita ang manipestasyon na mayroon ng karunungan ang isang espiritu sa pamamagitan ng kaniyang kabuhayan sa ibabaw ng lupa. Kung mamamasdan na ang isang tao ay hindi nagbabago ng kanyang mga gawi ang ibig sabihin, kulang pa ang natutunan at kailangan pa ng patuloy na pag-aaral sa pamamagitan ng mga danasin at tiisin. Samantalang makikita na ang tao ay nagkaroon na ng karunungan kapag napanday na, napali na, kinakikitaan na kahit na maliit na pag-ibig sa kapwa na may gawa at nakapaglilingkod ng walang hinihintay na kapalit.

Ano ngayon ang hinihingi ng abotsabi?

Bilang paghahanda, bago lumisan ang tao sa lupa gampanan na ang mga bagay na dapat gampanan, alisin ang mga pag-aalinlangan, paunlarin ang sarili at bakahin ang kamangmangan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga bagay tungkol sa laman at gayon din ang sa espiritu na may kabalansehan.

2011-01-003

Sunday, January 2, 2011

Disencarnate Spirits (Batlaya, Kabatlayaan)

Ano ang tinatawag na Batlaya?

Sa ating pakikipag-aral tungkol sa Espiritu, laging ipinapa-alala sa atin ng mga sa atin ay nagtuturo na suriin ang mga sa atin ay ipinagkakaloob na mga aralin. Mayroon mga espiritu na nagbibigay ng pag-aaral sa pilosopiya, moral at mataas na antas ng karunungan. Kadalasan sa ating mga natatanggap na abotsabi ay mula sa mga banal na alagad ng kaitaasan tulad ng Espiritu Santo, Hesus ng Nazareth, at mga Arkanghel.

(Halaw mula sa Abotsabi, May 19, 1993 – Arkanghel Miguel)

Kabatlayaang hinahanap at tinatawag ng bawa’t isa ay isang katagang ang ibig sabihin ay mga kaluluwang lumaya sa maraming uri ng pagkakasala.

Batlaya rin ang tinatawag sa isang nilalang na nag-iwan ng laman sapagka’t sumakabilang buhay; naghanap ng lalong angkop sa tunay na pangangailangan ng kaluluwa ng tao; nagdanas ng ibayong hirap na hindi pa ninyo dinadanas sa panahon ng kapamuhayang inyong itinataguyod.

Kaya nga at ang katagang kabatlayaan ay yaong mga pinalaya ng Amang Makapangyarihan sa mga bagay na hindi maiiwasan ng tao sa sanlibutang ito na katulong ng kaitaasan upang ipalaganap ang mga aralin ng Amang Makapangyarihan sa pamamagitan ng mga abot-sabi. Ang mga halimbawa ay ang mga sulong na Espiritu, arkanghel, apostol, at mga santo at mga santa.

Ano ang tinatawag na espiritu pamilyar?

Mayroon namang nagpapahayag ng kanilang mga karanasan ng dating naging kabuhayan sa lupa.Paminsan-minsan ay nakakatanggap rin tayo ng mga pahayag mula sa ating mga kakilala dito sa lupa na nag-iwan na ng katawang-laman upang tayo ay makapulot ng mga karanasan, mapait man o mabuti man sa kanilang kinaroroonan upang imulat ang mga naririto sa lupa sa mga natamong pag-aaral sa likod ng libingan at mga kanilang naging mga pagkukulang habang nabubuhay sa kapatagang-lupa.

Sila ay ang ating mga kamag-anak na lumisan na sa lupa, mga naging Pangulo ng ating bansa, mga bayani, na atin nang nakilala, kaya nga tinawag na mga espiritu na pamilyar.

Hindi matatawag na batlaya ang mga nilalang na nag-iwan na ng laman na hindi pa pinalalaya ng Amang Makapangyarihan sa mga bagay na hindi maiwasan ng tao sa kapatagang lupa. Gayon pa man sila ay pinahihintulutan makapamahayag sapagka’t mayroon din silang araling maibabahagi, mula sa buhay dito sa lupa ay narating na nila ang dako pa roon na siyang ipanapabatid sa atin ang kanilang kalayagan doon, minsan may nagsasabing nais nilang bumalik upang tapusin ang mga pangakong sinumpaan at mga tungkuling na di natupad at inabot na na kamatayan.

Paano makaka-akit ng isang banal na Espiritu/Batlaya na nakapagdadala sa lalong maunlad na kabatiran?

(Mula sa Abotsabi ng San Antonio de Padua)

Ang tao ay maaaring maka-akit ng isang Banal na Espiritu o Batlaya kung dala-dala niya ang mga sumusunod na pangangailangan:

1. Kailangang maging kauri ang inyong diwa sa kalinisan at kadalisayan sa kawagasan ng simulain at layunin at ng kasalukuyang kalagayan ng inyong sarili.

2. Kailangan ng malinis na buhay, malinis at wagas ang inyong puso.

3. Kailangan na mapayapa ang damdamin at pinaghaharian ng isang matapat na pag-ibig sa kapwa ang inyong puso.

Ano ang mga damdamin na pinaghaharian ng matapat na pag-ibig sa kapwa?

1. Damdamin na ang tinutudla ay ang kaluluwa ng kapwa tao sa larangan ng pag-amin na ito ay kapatid, na ito ay kaisang kaluluwa, na ang damdamin nito ay siya ring inyong damdamin, na ang hirap nito ay siya rin hirap ninyo, na ang kaligayahan nito ay siya rin kaligayahan ninyo.

2. Yaong tibukin na sadyang makapangyarihan na hindi lumilingon ng kapwa tao, hindi lumilingon sa anumang balakid o sagabal o kalagayan ng anumang uri ng tao. Hindi ninyo nakikita ang kanyang mga kahinaan, hindi ninyo inaalintana ang kanyang mga pagkukulang, hindi ninyo ina-alagata kung mayroong igaganti o wala.

3. Ang tibuking magkakapatid na sadyang wagas at tapat na hinahangad ninyo ang kanyang pagligaya, ang kanyang kaligtasan sa mga paghihirap at kapangyayaan sapagka’t nakikita ninyo ang ilaw ng kanyang kaluluwa at ito ay iniisip ninyo na kaisa ninyo.

4. Yaong damdamin na walang isinasa-alang alang kung hindi ang pakikipag-isang diwa sa larangan ng paglilingkod, at dahil dito, handa kayong maglingkod na may pagpapakasakit, na hindi patanaw kung hindi lubus-lubusang taimtim sa inyong kalooban at damdamin. Ang inyong nakikita ay kung papaano iniibig ninyo siya at paglingkuran.

5. Ang tibuking hindi nagpaparusa, na bagaman at taksil at salanggapang ang inyong kapatid at hindi karapat-dapat sa inyong pagmamahal o sa inyong tulong, wala sa inyo ang bagay na iyan. Hindi ninyo aalagatain kung dapat parusahan ang isang nagkamali sa inyo o sa lipunan, ang aalagatain ninyo ay ang sapupuhin siya at iangat at magbalik sa kanyang tunay na uri, sa Ama.
Ang lahat ng tao, may potensiyal at pundamental, ay talaytayan ng mga lakas ng mga banal na batlaya.

2011-01-002

Saturday, January 1, 2011

Moral and Spiritual Charity (Pagkakawanggawa sa Asal at Espiritu)


Bakit ang pagkakawanggawa sa asal at Espiritu ang kaligtasan ng bawa’t isa?

Napapanahon na ang ating natutuhan sa sariling pagsisikap ay mailagay sa larangan ng paggawa. Kung matatanggap na ating mga sarili na ang kawanggawa ang siyang kaligtasan ng bawa’t isa sa lahat ng sandali, sa lahat ng pagkakataon ay maaari natin na isagawa ang pagkakawanggawa na may malinis na pintigin ng kaisipan.

Maunawaan din natin na hindi lamang ang maiaabot ng ating mga kamay ang kawanggawa na maaaring ipagkaloob sa kapwa kung hindi higit sa lahat sa isang matahimik na kaparaanan, sa isang matalinong pagkakilala ay makapagkawanggawa tayo sa asal at sa Espiritu na ating pag-uukulan.

Ano ang pagkakawanggawa sa Espiritu?

Kung magawa natin na baguhin ang maling hilig ng ating mga katauhan upang siya ay huwag pamarisan sa matayog na kaalaman; ang idalangin ang isang kaluluwa sa kanyang pagkaligaw, sa kanyang pagkakamali, ang ambilan ng isang dalangin na mataimtim sa kanyang ikaliliwanag at ikapapayapa.

Kung ang bawa’t isa ay magagawang magtaas ng kanyang paningin sa kaitaasan, maambilan ng kapayapaan ang maraming nilalang, maibandila at mabigyan ng pagkaing ikabubusog ang isang nilalang sapagka’t ang mabuting ambil sa ating mga kapatid ay siyang kahayagang tayo ay maalam magkawanggawa sa Espiritu.

Kailan ang pagsasagawa ng kawanggawa sa Espiritu?
Humayo tayo at magpatuloy sapagka’t ang panahon ay hindi maaaring pigilan kung gaano na ang kapanahunang ating nalakbay maaaring tayo ay maka-abot sa sukat ng inaakalang sukatan ng paggawa at paglilingkod at tayo man ay mag-aakala rin na kung tayo ay makagagawa at makapaglilingkod sa kapwa ay hindi lamang sa isang panahon, sa isang sandali, kungdi higit sa lahat ay matutuhan natin ang ganap na dalangin at ang paglilingkod sa kapwa ay tataglayin ng ating sariling kaligayahan.

(Abot-sabi ng Arkanghel Rafael - Kap. Felipa Torres)
2011-01-001