Ang pananampalataya ay hindi nakukuha sa lohikal na pangangatwiran kungdi sa kutob o intuwitibong damdamin (intuitional feeling), “na ito ay totoo”, isang pagbabalik gunita or rekoleksyon ng kaalamang iyon na nasa sa atin na sa ating mga unang kapanganakan.
Ang isang mayroon ng pananampalataya ay nakababatid na ang uniberso ay napapailalim sa Batas moral at pisikal at mayroon ng isang katarungan sa kosmos. Kung tayo ay may pananampalataya sa Batas ng Karma, nawawala ang ating pagkatakot.
Sa pamamagitan ng pananampalataya ang kapangyarihan ng kalooban ay pinagtitibay; kaya nga tayo ay lumalakas ang loob, hindi naduduwag at nakahandang humarap sa kahit na anong makakaharap; nakahanda upang sumulong at itaas ang antas ng kalagayan bagaman at marami ang mga balakid at hadlang, nakahanda na mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang at kahirapan at lahat ng mga kalagayan.
Ang pananampalataya ay isang katangian na biniyayaan ng isang mabisang kapangyarihang makalikha (potent creature power) at ito ang lakas na humihikayat sa tao tungo sa isang higit na mabuting pamumuhay.
Kung ang pananampalataya ay mahina, ano ang ating gagawin upang ito ay mapaunlad o kaya ay ito ay madagdagan?
Ang pananampalataya ay hindi tumutubo at lumalago kapag tayo ay sumasandig palagi at palagi sa ating kaluluwa at sa batas na siyang nagpapalakad sa kalawakan. Dapat nating pag-aralan na magtiwala at maging matapat sa ating sarili (kaluluwa o espiritu) at sundin ang hinuhod nito sa ating kalooban. Dapat magsagawa ng makatotohanang pagsasagawas at magamit ang karunungan na ating natutuhan.
- Ang dalangin at hinahangad para sa kapakanan ng kapwa ay makakatulong.
- Pag-ibayuhin ang gawi na palagiang tignan ang totoo, ang maganda at mabuti, ang tumingin sa maganda at masayang bahagi ng mga bagay at pangyayari.
- Dapat din tignan na nasa kaibuturan ng puso ng tao, dito, ay may nakatagong kabutihan at hindi ang humatol sa panlabas na anyo.
- Pag-ibayuhin at paunlarin ang kapangyarihang magsuri at paglagom ng mga kaganapan upang ang kahit na anong dumating sa atin, isang aral ang matutuhan.
Ang pinakamataas na paghahayag ng pananampalataya at pananalig ay iyong namamagitan sa mag-aaral at sa nagbibigay ng aralin (Diyos). Kung kaya kinakailangan ang ganap-ganapan pagiging matapat sa Panginoon at sa layunin ng Panginoon. Isang ganapang pananalig o debosyon sa Kanya na siyang nakaka-alam ng lahat ng bagay, at ang paniniwala sa mga alagad ng Panginoon, mga batlaya o ang kapatiran ng mga banal.
At dahil dito, mararamdaman natin na tayo ay pinangangalagaan, at mawawala ang takot, ang pangamba sa ating mga sarili dahil hindi tayo pinababayaan.
Kailangan natin ngayon na pag-ibayuhin sa ating mga sarili ang isang matatag na pananampalatayang ikaw at ako ay napalapit sa Panginoon. At ang Panginoon ay nagkakaloob sa lahat at bawa’t isang malapit sa Kanya ng mapagkandiling pangangalaga.
Kung tayo ngayon ay may panamnampalataya sa Panginoon at sa Batas ng Panginoon, kasama ng karunungan ng ating Espiritu, tayo ay mananatiling tapat sa ating katuruan, matapat sa ating mga kapwa kasamahan at matapat din doon sa mga pumapailalim sa Batas ng Karma na silang humahawak at gaganap ng tungkulin upang maipagpatuloy ang paggawa.
Ito ang mensahe, (Abotsabi ng Propeta Uriel 10/17/93)
Kung kayo ay kayo na nga, ang mga mananampalataya at buong katatagang umuunawa sa ibinababa ng kaitaasan, hindi na darating sa inyong mga sarili ang pag-iimbot, ang karamutan, ang pagkapoot sa inyong mga paligid. Hindi na darating sa inyo ang panghihinala na hindi karapat-dapat sa inyong mga kapatid sapagka’t katotohanang-katotohanang sinasabi ko sa inyong kalagitnaan, ang paghihinala sa inyong mga kapatid at sa inyong mga kapwa ay isang malaking kasalanan sa inyong pagkatao.
2011-01-010
No comments:
Post a Comment