Ang impluwensiya ng Espiritu
Ang mga Espiritu ay laging may kaugnayan sa tao. Ang mga espiritu na nasa mataas na antas o mayroon na ng kawagasan ay nagsisikap na ang tao ay akayin o maakay sa tamang daan. Tulungan at tinutulungan ang tao na mabata ang mga tiisin at danasin sa kanilang buhay. Tumutulong din sila upang mabuhay sa atin ang katapangan o lakas ng loob (courage) at ang pagtanggap sa mga tiisin ng maluwag sa kalooban (resignation) isang paglapit (access) at may kalayaang malahiran ang mga taong may kagaspangan at mayroon hindi mabuting alitigtigin, o kaya nang dahil sa pag-uusyoso lamang at sa mga hindi mabuting gawa. Walang makikita sa may kababaan kung hindi pagsisinungaling, panlalansi o pandaraya, kayabangan sapagka’t madalas silang gumagamit ng mga pangalan ng katauhang kinikilala at dinadakila.
Ang paraan ng pagsusuri sa mga mataas at mababang Espiritu
1. Lenguahe (Language)
Ang lenguahe ng Espiritu na may kawagasan ay may dignidad, marangal, hindi masakit pakinggan. Walang bahid ng makamundong alitigtigin. Ang mga payo ay yaong mga nau-ukol sa kabanalan at kabutihan at ang kanilang adhikain ay ang pagsulong at ang kabutihan ng sangkatauhan.
Ang pakikipagtalastasan ng mga Espiritu na may kababaan ay punong-puno ng kakulangan at ang lenguahe ay may kagaspangan. Minsan, sila ay bumabanggit ng tungkol sa kabutihan at katotohanan subali’t kadalasan sila ay nagwiwika ng taliwas bunga ng kamangmangan o malisya. Sila ay nakikipaglaro doon sa mga nagsusuri sa kanila sa pamamagitan ng kayabangan at pandaraya sa pamamagitan na kanilang huwad na pag-asa.
2. Katuruan (teaching)
Ang katuruan ng Espiritu na may kataasan ay lumulundo sa katuruang “Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong gawin ng kapwa mo sa iyo.” Ang ibig sabihin, gumagawa ka ng mabuti sa lahat at huwag magkasala kanino man. Ang prinsipyo ng paggawa ay nagbibigay sa sangkatauhan ng isang batayan na pangkalahatan (universal application) magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking materya.
Ang may kababaan ay nagtuturo ng pagiging sakim, kataasan ng pag-uugali (pride), kamunduhan na siyang nagpapabalik sa tao sa kalikasan ng isang hayop, sapagka’t ang tao ay laging ikinakabit sa katawang laman na ang isang nilalang na nasa kababaan; kapag sinikap na ihiwalay ang kanyang sarili sa laman sa pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa, ito ay nagbubunsod sa kanyang sarili na sumulong ang kanyang kalikasang pangkaluluwa na dapat lamang nating gawing kapaki-pakinabang ang ating mga sarili nang naayon sa pamamaraan ng inilalagak ng Diyos sa ating mga kamay bilang pagsubok at pag-aaral, na ang mga matatag ay kailangang tulungan at akayin ang mahihina; na kung sino man ang hindi gagamit ng lakas at kapangyarihang ito sa hindi mabuting kaparaanan ay lumalabag sa kautusan ng Diyos.
2011-01-006
No comments:
Post a Comment