Ano ang tinatawag na pagbabayad-utang?
Sa atin ay itinuturo na sa daigdig ng walang hugis at anyo, ay walang maililihim; na ang mga mapagkunwari ay lalabas ang tunay na pagkatao at ang lahat ng kanyang kalikuan ay mahahayag; na ang presensiya ng Isang hindi maiiwasan at walang hangganan; ng mga taong nagawan natin ng kamalian, ng pagkakasala at ng pagkukulang sa buhay sa lupa ay isang pagbabayad-utang na naghihintay sa atin sa kabilang buhay.
Ang kababaan o ang kataasan ng kalagayan ng mga espiritu sa kabilang buhay ay siyang may kinalaman sa magiging tiisin o danasin o kaluwalhatian na hindi naranasan sa daigdig ng may kataasan ng kalagayan.
Itinuturo rin na walang kapatawaran sa mga naging pagkukulang o pagkakasala, maliban sa pagbabayad-utang na nagaganap sa muli at muling pagsasakatawang-laman. Ang tao ay nakasumpong ng kaparaaang ito ay magampanan sa pamamagitan ng marami at muling pagsasakatawang-laman (re-incarnacion) na siyang magtutulak upang ang isang nilalang ay sumulong nang naayon sa kanyang pagnanasa at pagsisikap tungo sa kawagasan na siya niyang pinakamataas na adhikain.
Sa katuruang Espiritismo ay tinatalakay lamang ang pagkakaroon ng kaluluwa at espiritu at ang kanyang kalagayan sa kabilang daigdig. Ang pag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay magiging tagumpay kapag pinaghihirapan ng mga nilalang na magtotoo; nagsisikap, walang paghatol at binubuhay ng isang matatag at matapat na pagtitika (determination) na makasumpong ng katotohanan.
“Magbabayad ang bawa’t kaluluwa hanggang sa kahuli-hulihang beles ng pagkaka-utang”, yan ang winika sa Banal na Kasulatan.
Paano matutupad ang pagbabayad-utang kung minsan lamang isisilang ang tao sapagka’t maigsi lamang ang buhay ng tao?
Kaya kinakailangang muling isilang ang tao upang matamo ang kawagasan. Ang nagaganap sa muling pagbabalik ay sa halip na makapagbayad ay nangungutang pa.
Layunin ng muli at muling pagkabuhay ay upang idaan ang isang kaluluwa sa maraming buhay na siyang papali, papanday upang kuminis, mapino ang kabuuan ng kalagayan ng isang kaluluwa.
Sa isang sandali ng pag-aaral, damhin na naroroon ang ugnayan ng nakaraan sa kasalukuyan. Halimbawa, sa pakikisalamuha sa kapwa na may kaugnayan ang buhay ng bawa’t isa, nagaganap ang karanasan.
Minsan, may tao na noon lang nakita ay mayroon na ng bigat ng kalooban. At mayroon namang mga tao na sa una pa lamang ng pagkakita ay magaang ang kalooban para sa kanya. Ito ang nagpapakita ng ugnayan at kaugnayan ng bawa’t isa.
Bakit may nagkakagaangan ng loob at may kinabibigatan ng loob? Ano ang penomeno ng “pag-ibig sa unang pagkikita?”
Ito ay galing sa nakaraan, at ito ang tinig na nangungusap tungkol sa ating nakaraan. At sa bawa’t muling kabuhayan sa pagkaka-ibigan o pagkakaroon ng kaugnayan ang tali ay pinatitibay.
Hindi nangangahulugan na tayo ay muling babalik sa katulad na kalagayan at sa katulad na pagsasamahan. Ang batas na pangkalahatan ay tila baga ang pagpapasok sa isang serye ng muli at muling pagkabuhay sa isang bahagi ng buhay ay mababago sa isang serye sa ibang bahagi ng kabuhayan.
May nagsasabi na may kadahilalan ang isang babae ay nagiging “tomboy” at ang isang batang lalaki mahilig maglaro ng manyika. Ang lalaki noon ay naging babae sa muling pagkabuhay, ang anak noon ay maging magulang sa muling kabuhayan.
Hindi sapat na makapagbayad na ng utang ay hindi na muling isisilang. Halimbawa, si Hesus ay nagkatawang tao at iyon na ang kanyang huling reinkarnasyon upang ipakita sa tao na mayroong ng isang kaluluwa na nakaganap na isang tungkulin at tuparin at karunungang mamahagi sa mga mangmang. Kinakailangan ang magsuri, magsaliksik at magsiyasat.
May isang tao na nagtanong kay Hesus kung paano siya mabubuhay na mag-uli, “maliban sa ikaw ay muling ipanganak.”
Paano mapapaloob sa sinapupunan ng isang ina? Ano ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa reinkarnasyon?
Lahat ay may bahagi. Mayroon ng liwanag na ibibigay sa susupil sa kaugalian ng tao, liwanag na susupil sa mga maling gawa. Halimbawa, makaiwas ka ng magtanim ng poot sapagka’t batid mong ikaw ay nagbabayad lamang.
Kung ikaw ay magiging matalino sa pagbabayad ng kautangan, ikaw ay nagbabayad ng kusa. Kung nakakilala ng matwid, huwag mo nang balikan ang liko, ang bigat ay mayroon na ng kabawasan sa mga pagkaka-utang.
Mahalaga ang bunga na ibinibigay. Isang kuro-kuro ng diwa ng isang kaisipan.
Abotsabi ,12/01/1993-Arkanghel Rafael
2011-01-007
No comments:
Post a Comment