Upang lalong maging maliwanag ang kahulugan ng “kaluluwa”, kailangan nating gamitin ang salitang prinsipyo ng buhay ( principio vital o vital principle) upang tukuyin ang buhay ng material o katawang laman, na kung saan man ito nanggaling ay nasasa lahat ng mga nilikhang may buhay, mula sa halaman hanggang sa tao. Ang isang nilikhang walang pag-iisip ay maaaring mabuhay tulad ng halaman, kaya nga ang principio vital ay hiwalay at hindi nakasandig dito.
Ayon sa iba, ang prinsipyo ng buhay ay isang kaangkinan ng materya, isang kasanhian (effect) na mangyayari kung saan mayroon materya na makikilala sa iba’t ibang kalagayan.
At sa ibang palapahaman, ang prinsipyo ng buhay ay nananahan sa isang pluwido na nanggagaling sa uniberso (fuerza vital, vital fluid). Ito ang pluwido ng buhay na siyang sinisipsip (absorbs) ng bawa’t nilikha at nilalagom (assimilates) ang isang bahagi habang siya ay nabubuhay.
Katulad ng gas o hangin na humihigop ng liwanag, ang prinsipyo ng buhay ay sa wari ay katulad ng pluwido ng buhay, na siya naman pinaniwalaan sa katulad ng buhay na pluwido ng elektrisidad na tinatawag na magnetic field.
Kahit ano pa ang itawag sa prinsipyo ng buhay, may isang bagay ang may katiyakan, na ang mga nilikhang may katawang laman ay mayroon sa kanilang sarili ng isang lakas (fuerza, force) na matagal nang nananatili na siyang nagbibigay phenomena na tinatawag na “buhay” (life).
Na ang buhay pisikal ay karaniwan sa lahat ng may katawang-laman kahit na walang katalinuhan at pag-iisip. At ang katalinuhan at pag-iisip ay mga pakultad (faculties) ng isang uri ng mga nilikha, at sa lahat ng mga nilikha na pinagkalooban ng talino at pag-iisip na siyang nakakahigit sa lahat ng mga nilkha, ang tao.
Kaya nga at higit na nararapat na hiramin ang mga sumusunod ng kaalaman:
1. Kaluluwang buhay (vital soul) na siyang prinsipyo ng buhay materyal ay pangkaraniwan salahat ng nilkhang may katawang laman.
2. Kaluluwang matalino (intellectual soul) na siyang prinsipyo ng karungan na siyang kaangkinan ng tao at hayop.
3. Kaluluwang espirituwal (spiritual soul) ukol sa prinsipyo ng indibiduwalidad sa kabilang buhay na kaangkinan ng tao lamang.
Samakatwid ang tao ay may kaluluwang buhay, kaluluwang matalino at kaluluwang espirituwal.
2011-01-020
No comments:
Post a Comment